ANO ANG KAHULUGAN NG WIKA? ANO ANG IBIG SABIHIN WIKA? ANO MGA ANTAS NG WIKA?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Mahalaga ang pagkakaroon ng wikang siyang magkakaisa sa atin bilang isang lahi. Isang wika na magbuo sa sambayanang Pilipino. Ito ang dakilang mithiin ng Pangulong Manuel L. Quezon na na magkaroon tayo ng isang wikang Pambansa.

Ang wika ay isang mabisang instrumento ng komunikasyon sa pagkakaintindihan at pagbubuklod-buklod ng mamamayan ng isang bansa.  Isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Ito rin ay naghahatid ng mga kaisipan, damdamin at hangaring magkaisa ang bawat tao. 

Ang wika ay tinatawag din na salita o lengguwahe. Nagsimula ang wika sa salitang malay at nagmula naman sa kastila ang lengguwahe sa salitang “lingua" ng latin word na salita na ibig sabihin ay “dila".  Sapagkat nagagamit ang dila sa paggawa ng maraming kombinasyon ng tunog.  Samakatuwid ang wika ay nangangahulugan ng isang ekspresyon o pagpapahayag ng damdamin, may tunog man o wala.

 Mawawalan ng kabuluhan ang gawain ng lahat kung wala ang wika.  Dahilan na ang wika ang ginagamit sa pagbubuklod ng mga mamayan anuman ang pangkat nito sa lipunan hindi lang dito sa pilipinas maging sa ibang bansa. Ang wika ay salamin ng lipunan, sagisag ng pagkakakilanlan, at nagpapatibay ng samahan at pagkakaunawaan ng bawat isa hindi lamang sa sarili, pati na rin sa kapwa at sa lipunan.

Ang bawat bansa ay may sariling wika na dapat tangkilikin at ipagmamalaki. Magkapareho ang kalagayan ng India at Pilipinas pagdating sa wika, dahil sa pagtangkilik ng wikang ingles pagdating sa pagtuturo sa paaralan. Ang wikang ingles ang halos ginagamit sa pakikipag-kumunikasyon sa pandaigdigan. Mapapansin natin sa kasalukuyan, halos lahat ng tao ay marunong ng magsalita ng ingles, mapabata man o matanda.

Tuwing taon dinadaraos natin ang Linggo ng Wika. Madalas ang paksa sa selebrasyon ay “Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika”. Dito nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng patimpalak, gaya ng sayaw, kanta, tula, at iba pa na ginagamitan ng salitang tagalog.

Sa pahayag ni dating Pangulong Ramos sa programang 2000 ng siya ay tanungin ukol sa patakaran ng wikang napapaloob, ito ang kanyang sinabi:
“Isinama natin iyan, dahil sa ating pinagsisikapang mapalago ang ating sariling kultura lalung-lalo na ang ating Wikang Filipino - pero sinasabi ko din, we must acquire capabilities in other languages, kagaya ng English. Iyan ay huwag nating iwala sapagkat nariyan ang ating comparative advantage. Iyan ay ginagamit nating ngayon sa international business”.
 
Ano mga Antas ng wika?
·  Taglish -  Ordinaryong salita na ginagamit ng mga mamamayan sa kanilang pang araw-araw na pakikipag-usap na malayang pinagsama ang salitang englis at filipino.

·  Kolokyalismong may Talino -  salitang tinuturo sa paaralan.

·  Wikang Katutubo -  salitang ginagamit ng mga pangkat ng tao sa ano mang lugar o pook na tinitirhan.

·  Salitang Kaye -  Pangkaraniwang salitang ginagamit ng mga tao na nabuo sa pagbabaligtad ng mga salita.

Kahit anu pa man ang gamit o nakasanayang salita ng bawat indibidwal, tayong mga Pilipino ay may sariling wikang pambansa na tinatawag na tagalog. Kung saan nag-uugnay sa atin lahat anuman mga katutubong wika ang meron tayo.
Ang wika ay parte ng ating Kultura. Kulturang higit natin na maipagmalaki sa lahat.  Kung walang wika, walang komunikasyon at kung walang komunikasyon walang pagkakaunawaan.

Bahagi na ng tradisyong pampaaralan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa tuwing sasapit ang Agosto 13-19 bagamat may mangilan-ngilan pa ring paaralang nakapikit ang mga mata sa gawaing ito. Taun-taon, may natatanging paksang ibinibigay ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ito ang dating Surian ng Wikang Pambansa) at sa pagkakataong ito ang paksa natin ay "Wika ng Kalahatan, Susi ng Kalayaan". Malinaw na isinasaad ng paksang ito na sadyang kailangan natin ang isang wikang magagamit ng buong sambayanang Pilipino tungo sa pambansang pagkakaisa at ganap na kalayaan.

Isang linggo ngayon, na arig pansin ng madla sa alin mang sektor nito, ay nakatuon sa paggamit ng, Filipino sa pakikipagtalastasan. Talagang.madarama ng sinuman ~ Pilipino siya sa pagkakataoilg iyon sa isip, sa salita at sa gawa. Subalit ito ay pansamantala lamang sapagkat pagkalipas ng Litiggo ng Wilca tapos na rin ang ating pagka-Pilipino sa pag-iisip at pananalita hanggang sa muling pagdiriwang sa susunod na taon.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.