Ano ang Kahulugan ng Yamang Likas? Ibig Sabihin at Halimbawa ng Likas na Yaman Di-Likas Tubig Lupa

Precious Gomez
is in the Philippines

Yamang Lupa
Ang yamang lupa ay ang ating natural resources na matatagpuan sa lupa. Ito ay ang mga itinanim natin sa paligid, nakakain, at nabebenta. Isa sa bumubuhay sa atin ay ang mga yaman na nagmula sa lupa.


Ang mga yaman mula sa lupa ay ang mga bagay na nagmumula sa lupa gaya ng mga:

a. Prutas
b. Gulay
c. Halaman
d. Bulaklak
e. Puno
f. Mineral na nabubuo sa ilalim ng lupa.
 
Yaman Tubig
Ang yaman tubig ay ang mga uri ng tubig na makikita natin iba't ibang panig ng mundo. Ito ay nilikha ng Diyos.

Ang mga yaman mula sa tubig ay mga bagay na nagmumula sa tubig gaya ng mga:
a. Isda
b. Alimango
c. Hipon
d. Pusit
e. Seaweeds
f. Perlas
g. Kabibe
h. Korales
 
Yamang Di-Likas
Ito ay ang yaman na gawa o nilikha lamang ng tao. Ang materyales nito ay karaniwang mula sa likas na yaman.

Halimbawa ng yamang di-likas ay mga:
a. Gusali
b. Sasakyan
c. Damit
d. Gamit sa Bahay
e. Daan
f. Tirahan at iba pa
 
Yamang Tao
Ang yamang tao ay tumutukoy sa kaalaman at kasanayan ng tao sa paggawa. May mga uri ng hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo sa mamamayan. Mayroong tinatawag na mga propesyonal. Ito ay nakapag-tapos sa itinakdang kurso at pumasa sa pagsusulit na kinakailangang kunin upang maging lisensyado sa pagtupad ng tungkulin.

Kabilang dito ang mga:
a. Guro
b. Doktor
c. Dentist
d. Nars
e. Inhinyero
f. Abogado
g. Beterenaryo
h. Heologo
i. Accountant
j. Psychologist, at iba pa
 
Ang mga manggagawang Pilipino ay kahanga-hanga dahil nagagampanan nito ng mahusay ang kanilang tungkulin kahit na may kakulangan sa makabagong kagamitan. Lahat ng tao ay pantay pantay mapa-propesyonal, di propesyonal, mangingisda, magsasaka, minero, magtotroso, mekaniko, drayber ng bus, at iba pa. Maipagmalaki natin sila dahil katuwang sila sa paglago at pagunlad ng bansa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.