Ano ang Kapalaran ko sa 2020? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano kaya ang iyong kapalaran sa taong 2020?
Lahat tayo ay gustong malaman ang mga maaaring mangyari sa ating hinaharap, maging suwerte o malas man ito. Ang bawat pagpapalit ng taon ay nagbibigay din sa bawat isa ng bagong pag-asa at bagong pagkakataon.
Ano ang Kapalaran ko sa 2020? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo?
Maaring ang 2019 ay bahagyang hindi naging maganda para sayo, ngunit ang darating na 2020 ay puno ng pag-asa, pangarap at hangarin. Ito na kaya ang taon mo para magsimula ng negosyo o lumipat ng trabaho? Mahahanap mo na ba ang pinakahihintay mong pagibig? Ano kayang magiging lagay ng iyong kalusugan, pera, at trabaho sa taong 2019? Narito ang mga prediksyon sa parating na taon ayon sa pagkakaayos ng mga planeta.


 
ARIES
Ang Aries ay ipinanganak sa buwan ng Marso 20 hanggang ika-20 ng Abril. Ang mga taong Aries ay malakas ang loob at masigasig sa kahit na anong bagay. Gusto ng Aries na maraming nagmamahal sa kanila, kaya sila ay palakaibigan. Hindi makakaramdam ng lungkot ang isang tao kapag kasama ang mga taong Aries. Ayon sa astrolohiya, tahimik lamang at banayad ang buong taon ng Aries sa 2020.
 
Pag-ibig Aries
Sa taong 2020 ang prediksyon sa buhay pag-ibig ng Aries ay mapayapa lamang. Hindi kagaya ng mga nakaraang taon na posibleng magulo ang samahan ng kasintahan o kabiyak, ngayong 2020 daw ay magiging masaya ang pagsasama kumpara sa dati.  Mas maigi na isipin mabuti ang mga hakbang bago kumilos, dahil ang padalos-dalos na desisyon ay maaaring simulan ng away ninyong mag-partner. Para sa mga single naman, maaaring yayain lumabas ang isa sa iyong mga kaibigan. Magiging masaya din ang taon, kapag nakatagpo ka ng taong makakasundo mo sa lahat ng bagay.
 
Trabaho Aries
Magiging stable ang mga Aries sa 2020 pag dating sa trabaho. Maaari mabagal ang pag-angat ng iyong karera sa taon na ito, kaya’t kinakailangan ng kaunting pagsisikap. Sa simula ng taon, maaari makamit ang magandang bunga na iyong pinaghirapan sa trabaho. Kahit saan ka man nagtatrabaho, siguraduhin na laging kasundo ang iyong boss. Malaking tulong ito upang umangat sa iyong karera.
 
Pera Aries
Ayon sa astrologers, halos walang magiging problema sa pinansyal ang Aries sa 2020 dahil mababayaran nito ang mga monthly bills at mga pangunahing gastusin. Ngunit may posibilidad din na mapapasobra ang gastos sa taong 2020. Subukang gamitin ang pera sa mga bagay na mapagkakakitaan o di kaya ay ilagay sa banko.
 
Kalusugan Aries
Ayon sa hula, mas giginhawa ang pakiramdam ng Aries sa 2020, mapapisikal o kaisipan man, kung gugugol ng mas maraming oras sa labas kasama ng mga kaibigan, kaysa nakababad sa cellphone, laptap, o telebisyon maghapon. Huwag masyadong isipin ang problema at mga alalahanin sa buhay.  Makakabuti din na libangin ang sarili upang laging positibo sa buhay.
 
 
TAURUS
Ang Taurus ay ipinanganak ng Abril 21 hanggang Mayo 21. Sila ay may mga mabubuting kalooban at marunong makisama sa kanilang kapwa. Nagsusumikap din sila na makamit ang kanilang mga mithiin. Ayon sa horoscope, marami silang bagay na gustong gawin at mangyari sa kanilang buhay.
Sa taong 2020, marami kang bagay na dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mga pagbabago sa iyong buhay. Mahirap itong gawin ngunit kailangan mong mag-focus at gawin ang lahat sa abot ng iyong makakaya.
 
Pag-ibig Taurus
Magiging matatag ang iyong buhay pag-ibig ngayong taon. Magkakasundo kayo ng iyong partner sa maraming bagay. Ngayong taon ang tamang pagkakataon upang alamin o hanapin kung anuman ang gusto mangyari pagdating sa iyong relasyon.
Kung sa kasalukuyan ay single ka, ito ang tamang pagkakataon upang pagtuunan muna ng pansin ang iyong sarili at kung saan ka talaga mahusay. Isantabi muna ang mga kapusukan na hindi naman makakatulong sa iyong pang araw-araw na gawain. Mahalaga rin na matibay ang relasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan ngayong taong ito.
 
Trabaho Taurus
Kailangan na lalo maging seryoso sa trabaho ngayong taon kung nais mong magtagumpay sa buhay. Maganda ito kung ikaw ay magkakaroon ng sariling negosyo o pagkakakitaan, ngunit may posibilidad na makakaramdam ng pagod sa lahat ng oras. Mainam rin kung nagiisip ka pa lamang ng bagong negosyo. Tignan kung hanggang saan ang pagiging malikhain pagdating sa paghahanap ng pagkakakitaan.
 
Pera Taurus
Kung hindi mo isinaalang-alang ang mga nagastos noong nakaraang taon, siguradong makakaapekto ito sayo ngayong taon. Isiping mabuti ang mga nawaldas na pera at subukang ayusin ang mga maling ginawa noong nakaraang taon, bago gumastos ngayong taon.
 
Kalusugan Taurus
Mahalaga na pangalagaan ang iyong kalusugan ngayong taon. Mag-ehersisyo palagi at kumain ng mga masusustansyang pagkain upang mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan.
 

GEMINI
Ang mga Gemini ay pinanganak sa mga araw ng May 22 at June 21. Bagong panimula ang dala ng mga bituin sa Gemini ngayong taon. Kung ang mga bagay-bagay ay masyadong mabilis para sa’yo, dapat mong tigilan ang ilang mga gawain at i-enjoy lamang ang mga gusto mong gawin na hindi nagmamadali. Kadalasang hindi nauunawaan ang mga Gemini, dahil maaaring sila ay may dalawang kasarinlan o personalidad: Ibig sabihin minsan mabait minsan naman may sumpong. Subalit, maraming katangiang magaganda ang Gemini. Karaniwang sila ay matatalino, malikhain, palakaibigan at pinapahalagahan nang wasto ang mga mahal sa buhay. Matagal bago mo maiintindihan ang mga Gemini. Ngunit kung masasanay ka, sila ay laging may hatid na saya para sa iyo.
 
Pag-ibig Gemini
Ngayong taon, ang iyong buhay-pag-ibig ay maaaring mas maraming problema ang darating kasysa sa nagdaang taon. Kailangan lang ang tunay na pagmamahal at pagdadamayan niyong mag-partner ang mga pagsubok. Kapag nakakaramdam ka ng inip sa inyong relasyon ay huwag matakot na sumubok ng mga bago sa iyong relasyon.
Dahil gumugugol ka ng oras sa iyong buhay pag-ibig ngayong taon, maaaring mawawalan ka ng panahon para sa iyong mga kaibigan. Maiintidihan ka nila ngunit, huwag mo silang kakalimutan dahil maaari silang mawala sa susunod na mga taon dahil sa iyong kapabayaan. Siguraduhing bigyan rin sila ng panahon, upang mapanatiling malakas ang inyong nabuong relasyon.
 
Trabaho Gemini
Ngayong taong 2020, mas nakakapagtrabaho ka ng mabuti kapag ikaw ay nag-iisa. Ngunit kahit na mas gusto mong mapag-isa, hindi ito hadlang sa iyo na makabuo ng magandang relasyon sa mga katrabaho at boss.  May posibilidad na laging may mga problema darating sa trabaho, ngunit maging matatag at huwag padadala dito. Ang katatagan ay magpapaganda ng iyong imahe sa iyong employer.
 
Pera Gemini
Ngayong taong 2020, marahil hindi ka mag-aalala ng malaki tungkol sa pera. Mayroon kang sapat para makaraos, at kaunting ekstra para iyong magamit sa paglilibang. Hindi problema sa iyo ang salapi ngayong taon. Dapat lang na maging balanse ang hawak sa pera.
 
Kalusugan Gemini
Kailangan mo ng disiplina kung gusto mong maging maganda ang iyong pangkalahatang kalusugan. Kung sumusubok kang magbawas ng timbang, marapat na magkaroon ka pa ng dagdag na ehersisyo at kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber. Subukan ring ipahinga ang isipan. Kailangan mong paganahin ang isip ngunit bigyan ito ng pahinga paminsan-minsan upang mapanatiling maganda ang kondisyon ng iyong kaisipan.
 

CANCER
Cancer ang iyong zodiac sign kung ikaw ay ipinanganak ng June 22 hanggang July 22. Ngayong 2020, ang hula sa cancer ay marami kang bagay na matututunan sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagobserba sa karanasan ng ibang tao. Maaalala mo ang iyong kabataan sa ibang mga bata. Makakatagpo ka ng magkasintahan na magiging inspirasyon mo upang maging katulad rin nila ang iyong buhay pag-ibig sa tamang panahon. Mayroon pag-ibig ngunit mayroon ring paminsan-minsang selosan.
 
Pagibig Cancer
Magiging maganda ang iyong buhay pag-ibig ngayong 2020. Kung kasalukuyan kang single, ito ang tamang panahon upang ikaw ay maghanap ng iyong iibigin. Bago ka humanap ng taong mamahalin, mas mabuti na alamin muna kung ano ang nais na mangyari sa iyong papasuking relasyon. Mas mainam na makahanap ng taong na kaparehas mo sa maraming bagay.
Kailangan maging mapanuri sa taong 2020, kaya malaya kang mamili kung ano ang mas makabubuti. Marami ka ring magiging kaibigan ngayong taon. Pero tandaan, pag-isipan munang mabuti bago magsabi ng kung anuman sa iyong mga kaibigan lalo na sa mga bago mo pa lamang nakilala.
 
Trabaho Cancer
Mahirap makahanap ng mapagtatrabahuhan ngayong taon, ngunit hindi ito nangangahulugan na magkakaroon ka ng mga kalaban. Mayroon kang magiging kakompitensya. Gayunpaman, kinakailangan mong pag-igihan pa lalo ang iyong trabaho upang mahigitan ang iyong mga kasama at maka-angat ka sa kanila ngayong 2020.
 
Pera Cancer
Maswerte ka sa pananalapi ngayong taon. Mayroon kang sapat na salapi upang matustusan ang iyong pangangailangan, bukod dito ay makaka-ipon ka rin. Mainam na paraan rin na gawing pagkakakitaan ang iyong hilig upang magkaroon ng extrang pera.
 
Kalusugan Cancer
Maghanap ng mapagkakaabalahan upang ma-ehersisyo ang katawan. Sapagkat ang walang ginagawa ang maaaring magiging sanhi ng iyong pagkakasakit. Maaaring maging mabagal ang iyong metabolism na magdudulot ng problema sa iyong kalusugan, kaya’t mag-ehersisyo at kumain ng masusustansyang pagkain.
 

LEO
Ang mga Leo ay ipinanganak ng Hulyo 23 hanggang Agosto 22. Ang panglimang simbulong ng western zodiac ay puno ng pangarap. Hindi madali ang magtagumpay sa buhay ngunit hindi ito hadlang upang gawin ang lahat upang makamit lamang ang kanilang nais sa buhay. Kapag nakuha na nila ang kanilang minimithi ay ibinabahagi nila ito sa iba, dahil hindi sila madamot sa kanilang kaalaman.
 
Pag-ibig Leo
Mayroong magiging problema sa iyong buhay pag-ibig kung ikaw ay napasama sa maling tao o maaari din nasa iyo ang problema. Maaari mong gawin ang dalawang bagay kung mangyayari ito: subukang isalba ang relasyon o makipaghiwalay.
Kung ikaw naman ay naghahanap ng bagong karelasyon, maaaring mas masaya ka sa padate-date lamang at wala munang commitments.  Maaari makabubuti kung wala ka muna pinapangako kahit kanino man, upang hindi ka masaktan ngayong taon. Huwag makipag-date sa kaibigan dahil may posibilidad na ito ay magdudulot ng problema.
 
Trabaho Leo
Ngayong 2020, ang Leo ay kinakailangang mag-focus sa trabaho. Hindi hadlang ang hirap ng iyong trabaho kung kasundo mo ang iyong mga katrabaho at nakakataas sayo. Mas makakatulong ito upang maging permanente sa iyong kinalalagyan.
 
Pera Leo
Mas gugustuhin mo na mag-ipon na lamang kaysa gumastos ngayong taon. Dahil dito, mas makakapag-focus ka sa pagbubudget ng iyong pera at mas iingatan mo itong gastusin kumpara sa mga nakaraang taon. Mamuhunan ngayong taon upang lumago ang iyong ipon.
 
Kalusugan Leo
May posibilidad na magiging mapusok ka sa taong 2020. Gusto mong subukan ang mga bagong bagay sa iyong paningin. Kakulangan sa pagtulog ang kadalasang problema sa Leo, kaya subukang iwasan ito upang hindi labis na mapagod at hindi dapuan ng mga sakit.

 
VIRGO
Ang Virgo ay ipinanganak ng Agosto 22 hanggang Septyembre 23. Ang mga Virgo ay may mabababang loob, mahinhin at praktikal sa buhay. Mabilis mag-alala ang mga Virgo kaya mag-ingat sa paniniwala sa payo ng ibang tao.
 
Pag-ibig Virgo
Kung naaayon sa iyo ang iyong kasalukuyang buhay, wala ng kailangan pang baguhin dito. Nakamit mo na ang mga ninanais mo kaya gawin mo ang lahat upang manatili ito sayo. Kung hindi mo gusto ang naging takbo ng iyong relasyon noong nakaraang taon, mayroon kang pagkakataon upang baguhin ito ngayong taon. Siguro ay hindi naging sapat ang komunikasyon ninyo ng iyong partner o maaaring napunta ka sa maling tao.
 
Trabaho Virgo
Kung anuman ang iyong ginawa noong nakaraang taon ay magkakaroon ng epekto sayo ngayong taon. Maaaring mas marami o mas kaunti ang iyong tungkulin, katulad noong nakaraang taon. Gayunman ang iyong natural na abilidad ay mas magniningning ngayong taon. Gamitin ito upang mas makita ng iba ang iyong kakayahan.
 
Pera Virgo
Ngayong 2020 ay magiging maluwag sayo ang pera. Mayroon kang sapat na salapi upang matustusan ang iyong mga pangangailangan gayundin ang pag-iipon para sa iyong kinabukasan.
 
Kalusugan Virgo
Mahalaga ang palagiang pag-eehersisyo upang mapanatili ang hubog ng iyong katawan. Ang pag-iingat sa sarili ay mainam upang makaiwas sa mga sakit.

 
LIBRA
Ang Libra ay ipinanganak ng Septyembre 24 hanggang Octobre 23. Ngayong 2020, mas madali ang iyong buhay kumpara sa nakaraang taon. Kaunti lamang ang iyong responsibilidad kaya mas maraming oras pa ang mailalaan mo sa mga bagay na gusto mong gawin. Magbibigay sa iyo ng labis na kasiyahan ngayong taon ang kumita ng pera mula sa iyong hilig o libangan.
Ang taong 2020 ay ang tamang taon upang mas mag-focus sa iyong sarili at sa buhay pag-ibig.
 
Pag-ibig Libra
Kung mayroon kang naging problema sa iyong buhay pag-ibig noong mga nakaraang taon ay isantabi na lamang ngayong taon. Maliit lamang ang tyansa na magiging magulo ang relasyon, kumpara sa masayang takbo ng iyong relasyon ngayong 2020. Ngunit siguraduhing mayroon kang natutunan sa mga nakalipas na relasyon.
 
Trabaho Libra
Medyo magiging mahirap kaysa sa iyong nakasanayan ang taong ito. Mas magiging busy ka sa pagtatrabaho kaysa gawin ang iyong mga hilig o libangan, kaya mas magiging abala ka ngayong 2020. Ngunit masaya ka naman sa iyong mga ginagawa.
Huwag lamang mabahala kung mabagal ang takbo ng iyong karera. Konting tyaga at makakamit mo din ang iyong minimithi. Kailangan rin magpahinga paminsan -minsan.
 
Pera Libra
Kung budget ang pag-uusapan, hindi naman malaking halaga ang iyong gagastusin. Ngunit maaaring makasira ito sa iyong budget. Kaya magtabi ng pera kung mayroong sobra. Ilibre ang sarili paminsan-minsan bago matapos ang taon.
 
Kalusugan Libra
Kinakailangang mag-focus sa iyong kalusugan ngayong 2020. Sa unang mga buwan ng taon ay punong-puno ka ng enerhiya, kaya gamitin ito. Karamihan sa Libra ay maaaring tamarin sa pag-eehersisyo kaya gawin ang lahat upang maiwasan ito. Iwasan din ang mga taba at matamis na pagkain.
 
 
SCORPIO
Scorpio ang zodiac sign ng taong ipinanganak ng Octobre 24 hanggang Nobyembre 22. Ang mga Scorpio ay mapagmahal, determinado, maramdamin, masarap kasama, seloso, masikreto at mabilis makaunawa.
Malaya kang gawin ang nais mong mga desisyon ngayong 2020. Ito ang tamang pagkakataon upang mag-focus sa iyong mga kinahihiligan at gawin ulit ang mga bagay na labis na kinahuhumalingan.
Mayroon kang kakayanang maging mas malakas at mas maging masaya ngayong taon kaya siguraduhing hindi ito masasayang.
 
Pag-ibig Scorpio
Kung ikaw ay nasa isang relasyon ngayong taon, maaaring magkakaroon ng mga maraming pagdedate ng iyong partner, at maaaring mainit rin ang inyong pagnanasa sa isa’t isa. Kung ikaw naman ay single, mayroon kang pagkakataon upang makahanap ng seryosong karelasyon, ngunit kailangan mong kumilos kaagad upang magtagumpay.
Sa taong 2020, mabilis ang mga pangyayari sa iyong buhay kaya mahihirapan kang makapaglaan ng oras para sa iyong kasintahan, mga kaibigan at kapamilya, ngunit walang masamang sumubok.
 
Trabaho Scorpio
Ayon sa astrologers, maaaring mabagal ang usad para sa Scorpio ang taong 2020 sa usaping trabaho. Maaaring mabagot ka sa iyong kasalukuyan trabaho. Posibleng ang pag-alis ang tanging sagot. Gayunpaman, isa itong matapang na desisyon na kinakailangan na pagisipan muna ng malalim. Subukang humanap ng trabahong naaangkop sa iyong kakayanan at ninanais upang magawa ito ng buong puso.
 
Pera Scorpio
Kung pinansyal ang pag-uusapan, isa itong magandang taon upang mag-relax muna ng kaunti. Kung meron kang tanong tungkol sa paghahawak ng pera, maaaring isangguni ito sa taga-bangko. Siguraduhin mo rin na mababayaran mo ang lahat ng iyong pagkakautang at maibalik ang lahat ng perang inutang sayo noong mga nakaraan.
 
Kalusuguan Scorpio
Kung ikukumpara noong mga nakaraang taon. Mas marami kang lakas na pwedeng gamitin ngayong 2020.
Gawing libangan ang mga hilig. Ang pagpapalipas naman ng oras kasama ang mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo o paglalaro ng sports ay mainam upang mapalakas ang pangangatawan. Mag-diet sa mga unang buwan ng taon upang mapalayo sa sakit.
 
 
SAGITTARIUS
Ang mga Sagittarius ay ipinanganak ng Nobyembre 23 hanggang Disyembre 22. Sila ay maaasahan, marunong tumayo sa sariling mga paa ngunit mabilis ding mabagabag, masarap kasama, makatuwiran at tapat.
Kung ikaw ay Sagittarian, buo ang tiwala mo sa iyong sarili ngayong 2020. Ito ang tamang pagkakataon na baguhin ang mga mali noong nakaraan upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kailangan mong magtyaga, makisama at maging matapang kung gusto mong magbunga ang lahat ng iyong pinaghirapan.
 
Pag-ibig Sagittarius
Maaaring maging mabilis ang takbo ng iyong buhay pag-ibig ngayong taon, maging single o may partner ka man. Kung ikaw ay may karelasyon na alam mong walang patutunguhan, ito siguro ang panahon upang iwasan siya. Kung ikaw ay single, ito ang tamang panahon upang humanap ng kapareha.
 
Trabaho Sagittarius
Mayroong pag-unlad sa iyong trabaho ayon sa hula sa Sagittarius ngayong 2020. Mas maraming opurtunidad ang darating kumpara sa karaniwan. Makakatulong ito upang ikaw ay magtagumpay kung magpapatuloy ito sa mga susunod pang mga taon. Kung mawalan ka man ng lakas ngayon taon, ito ay dahil sa iyong trabaho.
 
Pera Sagittarius
Kung labis mong pinag-iigihan ang iyong trabaho, hindi malayong makamit mo ang iyong mga nais ngayong 2020. Mas dadami ang iyong pera kumpara noong nakaraang taon. Magkakaroon ka ng sapat na pera upang bayaran ang iyong mga utang, gayun na rin ang pag-iipon para sa iyong kinabukasan.
 
Kalusugan Sagittarius
May sapat kang lakas ngayong taon, kaya siguraduhin magagamit ito. Subukang mag-ehersisyo hangga't maaari. Ngunit huwag masyadong pilitin ang sarili sapagkat maaaring ikapahamak mo ito. Iwasan ang labis na pag-inom ng alak, sapagkat sakit sa atay ang karaniwang problema ng Sagittarius ngayong taon. Kumain ng pagkaing may fiber ngayong 2020.
 
 
CAPRICORN
Ang mga taong Capricorn ay ipinanganak sa pagitan ng Desyembre 23 at Enero 20. Sila ay madalas na ambisyoso at lubos na praktikal. Sila din ay matiyaga at madalas na nakikita bilang mga perfectionists. Ang mga taong Capricorn ay maingat sa bawat desisyon na kanilang ginagawa. Minsan sila ay negatibo, subalit nakakalimutan nila ito kapag masaya ang kanilang kapaligiran. Lahat ng katangian na ito ay maaaring makatulong sa taong Capricorn sa taong 2020.
 
Pag-ibig Capricorn
Sa taong 2020 ang buhay pag-ibig ay maging sentro ng iyong buhay. Panahon na para magtiwala sa isang long-term relationship kung meron na. Ang desisyon na magsama kayo ng kasintahan mo, pag-e-engage o pagpapakasal, o pagpaplano na magkaroon ng anak ay magandang gawin ngayong taon. Kung wala ka pang karelasyon, ngunit handa kana na pumasok sa relasyon, mainam na humanap sa mga kakilala ng iyong mga kaibigan.
 
Trabaho Capricorn
Malaking tulong sa iyo ang iyong mga nakaraang kliyente at kontaks, sa tagumpay na minimithi sa trabaho o negosyo.  Ang pagkaroon ng bagong kliyente at pakikisama sa katrabaho ay mahalaga rin, dahil maaaring mapansin ng iyong boss na makakatulong sa iyong promotion.
 
Pera Capricorn
Maaaring magkakaroon ng hirap sa iyong pananalapi sa taong 2020, ngunit maraming mga opportunities ang darating upang magkapera. Maging wais din sa paggastos ng pera, na makakatulong upang malagpasan ang mga suliranin ngayong 2020.
 
Kalusugan Capricorn
Hindi porke’t masaya ka at wala kang gaano iniisip ay papabayaan mo na ang iyong pisikal na pangangatawan. Siguraduhi­n na madalas kang mag-ehersisyo at kumain ng masusutansiyang pagkain. Maaaring hindi ka rin magiging sakitin ngayong 2020, ngunit mainam pa ring bumisita ng regular sa iyong doktor at dentista para magpa-checkup.
 
 
AQUARIUS
Ang mga Aquarius ay pinanganak sa araw ng 21 ng Enero hanggang ika-18 ng Pebrero. Maganda kaya ang taong 2020 para sa mga Aquarius? Kung ikaw ay Aquarian, maraming bagong mga oportunidad and darating sa’yo ngayong taon! Nasa kamay mo ang tagumpay ngunit huwag lang lalaki ang ulo. Maraming magagandang katangian ang mga Aquarians. Sila ay tapat, palakaibigan, malikhain at matatalino.
 
Pag-ibig Aquarius
Mas iibig ka pa sa iyong partner ngayong taon. Dahil dito kayo ng iyong partner ay magkakaroon ng napakasayang buhay pag-ibig. Para sa mga single, magandang panahon ito para humanap ng iibigin. Dahil may kumpiyansa ka sa sarili at malambing, maraming lalake o babae ang lalapit sa’yo. Kung gusto mong makakita ng bagong pag-ibig ay maaaring maglibot-libot sa mga bagong lugar at baka andon lamang ang iyong hinahanap-hanap. 
Ngunit habang hinahanap mo ang iyong iibigin ay maaaring hindi nawawala sa iyong isip ang iyong pamilya at mga kaibigan. Huwag kang mag-alala sa kanila dahil naiintindihan ka nila. Importante lang na magpakatotoo ka sa iyong sarili.
 
Trabaho
Ayon sa hula ng mga bituin, magtatagumpay ka sa iyong trabaho ngayong taon. Hindi mo iniinda ang haba ng panahong ginugugol mo sa trabaho dahil mahal mo ang ginagawa mo. Kung nababagabag ka ng mga bagay-bagay, huwag padalos-dalos ng desisyon. Kumalma ka lamang at maging propesyonal at magiging maayos rin ang lahat sa iyong trabaho.
 
Pera Aquarius
Kung pera ang pag-uusapan, malamang ay wala kang magiging problema sa 2020. Kaya mong bayaran ang iyong mga gastusin at utang. Kaya mo ring bilhin halos lahat ng iyong gusto. Ngunit huwag samantalahin ang magandang pagkakatong binigay sayo sa taong 2020. Maaari malubog sa utang kung hindi mo makontrol ang sarili sa pagwawaldas ng pera.
 
Kalusugan Aquarius
Ngayong 2020, anumang isyu sa iyong kalusugan ay dapat mong pagtuunan ng pansin. Walang masama sa pag-eehersisyo, ngunit hindi din maganda ang sobrang pag-eehersisyo, dahil maaari magdulot ito ng pananakit ng katawan at kalamnan. At gaya ng pangkaraniwan, uminom parati ng maraming tubig, kumain ng wasto, at magpahinga ng sapat ngayong 2020.
 

PISCES
Pisces ang zodiac sign kung ipinanganak ng Pebrero 20 hanggang Marso 20. Malakas ang imahinasyon at malikhain ang mga Pisces. Kaya minsan mahirap para sa kanila ang magpakatotoo. Gayunpaman, tapat naman sila sa kanilang mga kaibigan. Ang hula para sa Pisces ngayong 2020 ay posibleng iikot lamang ang iyong taon sa paglalakbay at paghahanap ng mga kakaibang karanasan.
 
Pag-ibig Pisces
Kung ikaw ay nasa isang relasyon, mas magiging matamis ang inyong pagsasama ngayong 2020. Kung ikaw naman ay single, maaaring makatagpo ng isa o dalawang maaaring mahalin ngayong 2020. Magkakaroon ka rin ng mga bagong kaibigan. Marami ka ring kasiyahan na dadaluhan ngayong taon.
 
Trabaho Pisces
Gamitin ang iyong natural na abilidad at talento upang mas makaangat sa iyong mga katrabaho. Kung hindi mailabas ang iyong galing sa iyong kasalukuyang trabaho, humanap ng trabaho kung saan maipapamalas mo ang iyong kakayahan sa lahat ngayong 2020.
 
Pera Pisces
Maaaring mawalan ka ng focus sa pagkikita ng pera ngayong 2020. Posibleng maging dahilan ito upang magkaroon ka ng problema sa pera. Kung pagba-budget ng pera ang pag-uusapan, mas makabubuti kung magiging madiskarte kaysa gumastos sa mga bagay na walang katuturan ngayon 2020.
 
Kalusugan Pisces
May posibilidad na mararamdaman mo ang epekto ng mga hindi magagandang bisyo at maling nakasanayan noong mga nakaraang taon. Umpisahan na pangalagaan ang iyong sarili. Mag-ehersisyo at itigil ang mga bisyo.
 
 
Panibagong taon ang 2020 upang baguhin ang hinaharap.  Sa pamamagitan ng astrolohiya, maaring mahulaan sa pamamagitan ng inyong mga bituin kung ano ang posibleng nakalaan sa darating na taon. Maari mo itong gamiting gabay sa mga desisyon o plano sa pang-araw araw na pamumuhay. Subalit ang magandang kinabukasan ay nakakasalalay pa rin sa iyong sipag sa trabaho at malasakit sa kapwa. 

Tandaan: Ang mga prediksyong nabanggit ay pawang gabay lamang. Nasa sa inyo pa rin ang huling desisyon kung maniniwala o susundin ang mga ito. Ang mga horoscope na ito ay walang tiyak na kasiguraduhan. Ang ating mga kapalaran ay maaaring magbago ano mang oras. Huwag lang i-asa dito ang iyong hinaharap, bagkus magsumikap at makuntento sa mga biyayang natanggap. 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.