Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano kaya ang iyong kapalaran sa taong 2021?
Lahat tayo ay nakaabang na o gustong malaman ang mga maaaring mangyari sa ating hinaharap, maging suwerte o malas man ito.

Ang bawat pagpapalit ng taon ay nagbibigay din sa bawat isa ng bagong pag-asa at bagong pagkakataon. Maaring ang 2020 ay hindi naging maganda para sayo, ngunit ang darating na
2021 ay puno ng pag-asa, pangarap at hangarin. Ito na kaya ang taon mo para magsimulang mag-negosyo o lumipat ng trabaho? Mahahanap mo na ba ang pinakahihintay mong pagibig? Darating na kaya ang iyong forever o ito na kaya ang panahon para makahigop ng sabaw ang iyong mga mahal sa buhay? Ano kayang magiging lagay ng iyong kalusugan, pera, at trabaho sa taong 2021? Narito ang mga prediksyon sa parating na taon ayon sa pagkakaayos ng mga planeta.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
ARIES
Ang Aries ay ipinanganak sa buwan ng Marso 20 hanggang ika-20 ng Abril.
Ang mga taong Aries ay malakas ang loob at masigasig sa kahit na anong bagay. Gusto ng Aries na maraming nagmamahal sa kanila, kaya sila ay palakaibigan. Hindi makakaramdam ng lungkot ang isang tao kapag kasama ang mga taong Aries.
Maraming pagbabago ang mangyayaring ngayong 2021 ngunit ang mga pagbabagong ito ay nakabubuti.
PAGIBIG
Kung ikaw ay single, maaaring magkaroon ka ng karelasyon. Ngunit, kung ikaw naman ay nasa isang relasyon na, magbigayan sa isa’t isa, upang mapagtibay pa ito. Gayunpaman, magingat ka sa tukso, ang iyong pagiging pasyonista o pagaayos sa sarili ay posibleng maglalapit sayo dito. Okay lang sana kung single ka, Ngunit mahirap kung may sabit kana pala. Kaya iwas iwas din pag may time.
Mas lalong magiging malapit ka sa iyong pamilya na lalong titibay pa ang inyong samahan. Itong taon din madalas mong makakalaro ang iyong anak o nakakabatang kapatid. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na ngayong taon, ay ang panahon upang magdagdag ng anak. Namnamin muna ang sarap ng inyong tawanan at samahan.
TRABAHO
Kung tataas ang iyong posisyon ngayong 2021, maaaring mangyari ito sa buwan ng Pebrero o Marso. Kaya maaari kang maging abala. Sa kabutihang palad, mas lalo kang magiging malikhain sa kalagitnaan ng taon kaysa sa unang buwan ng taon. Gayunpaman, kung hindi ka magkakaroon ng oras para sa iyong sarili, malamang na makakaramdam ka na lamang ng sobrang pagkapagod, kaya mainam na magkaroon ng oras para magpahinga.
PERA
Sa kalagitnaan ng Hulyo, may magbabago sa iyong pinansyal na katayuan ngunit depende kung paano mo ito harapin at kung ikaw ba ay may sapat na ipon. Maaaring mas makabubuti ito o lalong mas makasama. Gamitin ang iyong mga talento sa taong ito. Ang 2021 ay ang taon upang gamitin ang iyong mga hilig para mas kumita pa ng salapi. Makabubuti rin na mag-invest sa isang real estate ngayong taon.
KALUSUGAN
Importanteng pangalagaan ang iyong emosyon o pagiisip ngayong taon. Iwasan ang mga bagay  na sa tingin mo ay magdudulot ng stress. Makabubuti sa iyong pag-iisip ang pagmumuni muni sa tahimik na lugar o pagyo-yoga, Makatutulong ang mga ito upang mabawasan ang stress. Pangalagaan din mabuti ang iyong kalusugan.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
TAURUS
Ang Taurus ay ipinanganak ng Abril 21 hanggang Mayo 21. Sila ay may mga mabubuting kalooban at marunong makisama sa kanilang kapwa. Nagsusumikap din sila na makamit ang kanilang mga mithiin. Ayon sa horoscope, marami silang bagay na gustong gawin at mangyari sa kanilang buhay.
Sa taong 2021, maaaring mahirapan ka kung matigas ang iyong ulo. Ngunit marami pa rin naman sa iyong paligid ang tutulong at susuporta sa iyo. Mag-iingat sa taon ito, maaaring pagsisihan mo kapag ikaw ay naging sutil.
PAGIBIG
Kung ikaw ay single, maaaring manatili ka pa ring single sa taong 2021. Kung ikaw naman ay nasa isang relasyon, mapayapa lamang ang inyong pagsasama. Makabubuti ding maglaan o magbigay ng oras sa asawa, anak, mga kapatid at magulang. Makisalamuha sa iyong pamilya, siguradong hindi mo ito pagsisisihan.
TRABAHO
Mas lalo kang magiging abala sa iyong trabaho kaysa sa iyong nakasanayan. Gayunpaman, isa itong pahiwatig na mayroong mga darating sa iyong mga oportunidad, katulad ng mga bagong trabaho. Pagdating sa negosyo naman, kakaharapin mo ang isang importanteng desisyon at malalaman mo rin agad kung tama ba ito.
PERA
Ayon sa hula, ngayong 2021 ay ang magandang taon upang mamamahagi at mag-donate sa mga charity. Magbigay kung labis ang iyong pera upang makatulong sa kapwa. Magkaroon ng mabuting puso at hindi lamang pansarili ang isipin, upang swertehin. Dahil abala ka sa iyong trabaho, hindi mo namamalayan ang perang dumadating sa’yo.
KALUSUGAN
Sa iyong labis na pagtatrabaho, maaaaring makaramdam ka ng pagkapagod at makakaapekto sa iyong kalusugan. Sa kabutihang palad, pinagpala ka dahil sa iyong angking lakas. Gamitin ang lakas na ito upang makapagrelax at mag-enjoy din upang maibsan ang iyong pagod. Makakatulong ito sa iyong isipan.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
GEMINI
Ang mga Gemini ay pinanganak sa mga araw ng May 22 at June 21. Bagong panimula ang dala ng mga bituin sa Gemini ngayong taon. Kung ang mga bagay-bagay ay masyadong mabilis para sa’yo, dapat mong tigilan ang ilang mga gawain at i-enjoy lamang ang mga gusto mong gawin na hindi nagmamadali. Kadalasang hindi nauunawaan ang mga Gemini, dahil maaaring sila ay may dalawang kasarinlan o personalidad: Ibig sabihin minsan mabait minsan naman may sumpong. Subalit, maraming katangiang magaganda ang Gemini. Karaniwang sila ay matatalino, malikhain, palakaibigan at pinapahalagahan nang wasto ang mga mahal sa buhay. Matagal bago mo maiintindihan ang mga Gemini. Ngunit kung masasanay ka, sila ay laging may hatid na saya para sa iyo.
May kaunting pagbabago sa buhay ng Gemini ngayong 2021. Isa na dito ang iyong relasyon sa ibang tao at sa usaping pinansyal. Kaya kinakailangan mo na maging mapagmatiyag at malikhain ngayong taon.
PAGIBIG
Kung ikaw ay single, Maaari makatagpo ka ng iyong mamahalin at maaaring isa ito sa iyong mga kaibigan. Kung ikaw naman ay mayroong karelasyon, mas magiging malalim pa ang inyong buhay pagibig kumpara sa mga nakaraang taon. Pagtuunan ng pansin ang iyong partner upang mas lalong lumalim ang inyong pagmamahalan. Magandang taon ito upang ikaw ay magbuntis. Matutuwa naman ang iyong mga magulang at mga nakakatandang kamag-anak dahil sa pagiging malapit mo sa mga bata.
TRABAHO
Sa huling mga buwan ng taon, simula sa buwan ng Oktobre, mas magiging nakakapagod ang iyong trabaho. Ibig sabihin lamang nito mas maraming oras ang iyong igu-gugol dito. Dahil mas makakasama mo ng madalas ang iyong nga katrabaho, maaari kang mainis sa kanila. Gayunpaman, manatiling kalmado lamang kung ikaw ay nakikipagusap sa kanila upang makaiwas sa gulo.
PERA
Maituturing na swerte sa pinansyal ang Gemini ngayong taon. Ito rin ang tamang oras upang pagaralan at pagbutihin kung paano humawak ng pera, lalo na kung ang iyong negosyo ay pangangalakal.
KALUSUGAN
Pagdating sa kalusugan at pagiisip, positibo naman ang dala ng taong 2021 para sayo. Ipagpatuloy lamang  ang mga magagandang gawaing nakasayan upang manatiling malusog  ang pangangatawan.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
CANCER
Cancer ang iyong zodiac sign kung ikaw ay ipinanganak ng June 22 hanggang July 22.
Ayon sa hula, mayroong pagbabago ngayong 2021. May iilan na madalas nababahala kung may nararamdaman silang mga pagbabago. Ngunit kalaunan ay nasasanay na rin sila. Mas makabubuting isipin na lamang parati na hindi lahat ng mangyayaring pagbabago ay nakakasama bagkus ay may mabuting maidudulot.
PAGIBIG
Ang mga taong malalapit sayo, kasama na rito ang iyong kasintahan, ay mas magiging malapit pa sa iyo ngayong taon. Kung mayroon ka mang maging problema sa iyong buhay pagibig, asahang maaayos rin ito ngayong 2021.
Kung sakaling maghiwalay naman kayo ng iyong karelasyon, asahang may darating na mas higit pa sa kanya, na ikakasaya mo. Maari ring magkaroon ka ng anak ngayong taon.
TRABAHO
Kung ang pagiging malikhain ang kailangan sa iyong trabaho, maaaring swertehin ka. Mas magiging madali ito para sa iyo, lalo na kung sasamahan mo ito ng disiplina. Kung hindi naman malikhain ang kailangan sa iyong trabaho, maaaring makaramdam ng stress at konting hirap. Subukang ipasok ang pagiging malikhain sa ginagawa upang mas madali mong magampanan ito. Samantala, kung ikaw naman ay nawalan ng hanapbuhay, may posibilidad na magtatagumpay sa online business ngayong taon.
PERA
Ito ang tamang panahon upang mas tutukan ang iyong talento. Makakatulong sayo ang taong Aquarius upang lalo ka pang gumaling pagdating sa iyong talento. Makatutulong rin ito upang madagdagan ang iyong kita sa taong ito. Mag-isip ng kakaibang mapagkakakitaan, dahil maraming oportunidad na darating lalo na sa kalagitnaan ng taon.
KALUSUGAN
Ayon sa hula, ngayong 2021 ang tamang panahon upang mag-pokus sa iyong espiritualidad. Bigyan ng oras ang iyong sarili upang makahanap ng bagay na makapagpapagaan ng iyong kalooban, kahit na hindi ka relihiyosong tao. Ito din ang taon na maaaring makakaramdam ng stress, maigi libangin ang sarili, dahil lilipas din ang problema ngayong taon.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
LEO
Ang mga Leo ay ipinanganak ng Hulyo 23 hanggang Agosto 22. Ang panglimang simbulong ng western zodiac ay puno ng pangarap. Hindi madali ang magtagumpay sa buhay ngunit hindi ito hadlang upang gawin ang lahat upang makamit lamang ang kanilang nais sa buhay. Kapag nakuha na nila ang kanilang minimithi ay ibinabahagi nila ito sa iba, dahil hindi sila madamot sa kanilang kaalaman.
Ngayon ang pinakamagandang taon upang balansehin ang oras sa iyong pamilya at sa iyong trabaho. Mas mapapatibay mo pa lalo ang iyong relasyon sa iyong mga kasamahan. At ito ay makabubuti para sayo.
PAGIBIG
Minsan, subukan mo rin pakinggan ang saloobin ng iyong kasintahan upang mas maintindihan mo ang sitwasyon. Kung ito ay iyong mapagtagumpayan, maaaring magtagal ang inyong relasyon at maaaring umabot ito sa kasalan. Sa mga magasawa naman ito ang taon na susubukan ang inyong relasyon, magbigayan at matutong magpakumbaba sa isa’t isa upang magiging matatag lalo ang relasyon. Itong taon din ay may tyansang magkaroon ng bagong baby.
TRABAHO
Hindi dahil madali mong nakakasundo ang iyong mga katrabaho ay ibig sabihin nito ay totoo na lahat sila sa iyo. Maaaring magiging stressed ka sa huling linggo ng Enero. Sa sobrang busy mo maaaring magkaroon ka ng problema sa iba. Maging kalmado sa linggong iyon. Huwag hayaang maging stressful ang iyong buong taon.
PERA
Kilala ang Leo sa kanilang katatagan at makakatulong ito sa pag-kontrol ng iyong mga gastusin. Mas matututo kang humawak ng pera ngayon taon. Maaaring makadiskubre ka rin ng bagong pagkakakitaan. Ngunit, simula katapusan ng Abril hanggang Septyembre, mas maraming magiging gastusin kaysa noon. Katulad na dito ang mga gastusin sa inyong tahanan kaya makabubuting magipon at magtipid.
KALUSUGAN
Subukang bawasan ang labis na pag-iisip at pagpapagod upang makaiwas sa sakit.
Kailangan ng mas ibayong pagiingat ang mga taong may diabetes ngayong 2021. Sa tuwing makaramdam ng sakit, umiwas muna sa mga kamaganak, lalo na sa mga nakatatanda, dahil maaaring ang sakit na ito ay nakakahawa.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
VIRGO
Ang Virgo ay ipinanganak ng Agosto 22 hanggang Septyembre 23. Ang mga Virgo ay may mabababang loob, mahinhin at praktikal sa buhay. Mabilis mag-alala ang mga Virgo kaya mag-ingat sa paniniwala sa payo ng ibang tao.
Ayon sa hula, may ilang pagbabago sa Virgo ngayong 2021. Ilan sa mga pagbabago ay maaaring mangyari patungkol sa iyong mga kaibigan at sa iyong trabaho.
PAGIBIG
Kung ikaw ay nasa isang malalim na relasyon, maaaring mabiyayaan kayo ng anak ngayong taon. Maaari ring umasa sa iyo ang iyong partner sa mga gawain at gastusin. Ayos lang ito kung kinakailangan niya ng tulong. Ngunit huwag hayaang abusuhin ka nito.
Pagdating naman sa relasyon sa iyong mga anak, kapatid o mga kamag-anak, magkakaroon ng konting pagbabago. Huwag mag-alala, ang mga pagbabagong ito ay makabubuti.
TRABAHO
Mas lalo kang magiging abala ngayong 2021. Dahil dito, madaragdagan ang iyong mga responsibilidad. Upang maiwasan ito, huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga kasamahan. Mapapabilis ang trabaho kung kayo ay nagtutulungan at hindi nagkakainggitan.
PERA
May magandang balita ang 2021 ukol sa iyong pananalapi. Ito ang tamang taon upang mag-invest sa real estate at properties. Ngunit kailangan mo rin ng higit na lakas sa iyong katawan at kaisipan upang makamit ang kitang ninanais.
KALUSUGAN
Himukin ang iyong sarili na mas pagyamanin ang iyong kaalaman at sumubok sa mga bagong bagay. Makakatulong ito upang guminhawa ang iyong kaisipan.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
LIBRA
Ang Libra ay ipinanganak ng Septyembre 24 hanggang Octobre 23.
Ayon sa hula, magandang balita ang darating sa Libra ngayong 2021. Panibagong pag-asa at magandang pagbabago. Ngayong taon, kailangang magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo, buhay pag-ibig man yan o hindi. Makatutulong rin ito upang matagumpay na malagpasan ang 2021.
Ito rin ang tamang taon upang bisitahin muli ang mga dating kaibigan at mga dating kinahihiligan. Turuan ang sarili na kalimutan na ang nakaraan at isipin na lamang ang hinaharap.
PAGIBIG
Anuman ang estado ng inyong relasyon ngayon, magkasintahan man o mag-asawa, ipinapayo sa Libra ngayong 2021 na sumunod na lamang sa iyong partner lalo na kung alam mong ito ay tama.
Pagdating sa pamilya naman, maaaring magkaroon ng alitan subalit mabilis din itong maayos. Makabubuting pangalagaan at protektahan ang iyong mga magulang o mga anak sa mga gustong manakit sa kanila.
TRABAHO
Magiging busy ka sa taong ito, lalo na mula March hanggang July. Kahit na sa panahong abala, panatilihin ang pagiging propesyonal hangga't maaari. Maaaring magbukas ang mga oppotunidad sayo tulad ng paglalakbay, kung saan makakilala ka ng bagong mga kaibigan.
PERA
Mahihirapan kang mag-ipon kung hinahayaan mo ang iyong sarili na bilhin ang mga bagay na gusto mo lamang ngunit hindi naman kailangan. Mas kinakailangan mong mag-ipon sa panahong ito. Hindi dahil sa kawalan ng salapi, kundi upang mabawasan lamang ang iyong gastusin. Subukang magtipid sa mga bagay na hindi naman kinakailangan upang mas makapag-ipon ng marami.
KALUSUGAN
Subukang mas pagyamanin ang sariling pagiisip. Hindi lamang para sa iyong panloob na kalusugan, kundi para na rin sa iyong panlabas na anyo. Iwasan ang mga bagay na nakakasama sa iyo. Kumain ng masustansyang pagkain at umiwas sa mga mamantika, upang iwas sakit.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
SCORPIO
Scorpio ang zodiac sign ng mga taong ipinanganak ng Octobre 24 hanggang Nobyembre 22. Ang mga Scorpio ay mapagmahal, determinado, maramdamin, masarap kasama, seloso, masikreto at mabilis makaunawa.
Pinapayuhan ang iilang mga Scorpio ngayong 2021 na iwasan ang pagiging mapanghusga upang makaiwas sa gulo.
Maging mapagpakumbaba sa iyong relasyon. Iwasan magyabang tungkol sa iyong trabaho o maging sa iyong pinansyal na katayuan. Maaaring magbigay ito ng panganib kung ito ay ipapatuloy. Kaya subukan na lamang mamuhay ng tahimik dahil, maaaring maging daan pa ito tungo sa iyong tagumpay.
PAGIBIG
May malaking pagbabago sa iyong buhay pag-ibig ngayon taon. Kung ikaw ay nasa puntong umiibig na, ito ang tamang taon upang ma-engaged na. Mainam na magpropose sa kalagitnaan ng Abril hanggang unang linggo ng Mayo.
Para naman sa pamilyadong tao, labis kang magiging abala sa trabaho. Dahil dito, maaring makakalimutan mo ng maglaan ng oras para sa iyong pamilya. Siguraduhing paglaanan sila ng panahon. Gayundin, iwasang dalhin ang trabaho sa bahay para may bonding talaga kayong mag-anak.  Sa halip, sulitin na lamang ang mga panahong kasama mo ang mga ito.
TRABAHO
Ayon sa hula, hangga’t maaari, makabubuting tapusin ang sariling responsibilidad ng magisa, sapagkat mas mapapaganda at mapabilis kapa. Maaaring maging hadlang lamang ang mga kasamahan na laging negatibong magisip, kaya kung maari mainam na umiwas dito.
Ngunit, huwag baliwalain ang iyong mga mabubuting katrabaho, lalo na’t kung kasama mo ito sa mga proyekto. Maaaring ring magkaroon ka ng bagong oportunidad. May mga bagay kang pagpipiliin dahil sa taglay mong galing sa iyong trabaho kaya siguraduhing tama ang iyong mapipili. Maliban rito, makakaramdam ka ng labis na kasiyahan  at may mga bago ka pang matututunan dito.
PERA
Tulad ng unang nabanggit sa Scorpio ngayong 2021, labis kang magiging abala sa iyong trabaho ngayong taon. Dahil sa bigat na iyong pinapasan na trabaho, mayroon itong kapalit. Maaaring makatanggap ka ng malaking bonus ngayong taon o kaya'y magkakaroon ng malaking ipon. Dahil dito hindi masamang i-treat ang iyong sarili at mga mahal sa buhay.
KALUSUGAN
Makabubuting paglaanan ng oras ang iyong kalusugan ngayong taon. Kasama na rito ang physical at mental health mo. May mga ilang events ngayong taon na magbibigay sayo ng labis na pagkapagod. Dahil dito, maghanap ng bagay na makakatulong sayo upang makapag-relax.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
SAGITTARIUS
Ang mga Sagittarius ay ipinanganak ng Nobyembre 23 hanggang Disyembre 22. Sila ay maaasahan, marunong tumayo sa sariling mga paa ngunit mabilis ding mabagabag, masarap kasama, makatuwiran at tapat.
Mapayapa at kalmado ang taong ito para sa Sagittarius. Gayunpaman, hindi nangangahulugang magiging boring ang taong ito.
PAGIBIG
Para sa mga may karelasyon, sa nakalipas na mga taon, pakiramdam mo ay dumaan sa matinding pagsubok ang inyong relasyon. Sa kabutihang palad, magbabago ito sa taong 2021. Ngayong taon, mas magiging masigla at mapusok kayo, na magiging dahilan upang mas maging exciting ang inyong relasyon. Siguraduhin lamang na kayang pigilin ang tukso.
TRABAHO
Ayon sa iyong horoscope ngayong 2021, mas madalas na kailangan mong magtrabaho ng may kasamang iba. Kung kayo ay nagtutulungan, mas maganda ang kalalabasan nito. Kung hindi mo magagampanan ng maayos ang iyong trabaho, maaaring magkaroon ng problema sa iyong mga kasamahan, kung saan magiging hadlang ito sa pangkalahatan nyong ginagawa.
PERA
Magiging maganda ang pasok ng pera para sayo ngayong taon. Sa panahong ito, madali lamang ang kumita ng pera para sayo. Dahil dito, makabubuting bayaran mo na ang lahat ng iyong pagkakautang o mamuhunan na lamang. Iwasan rin ang pagbili ng mga materyal na bagay kung hindi naman ito kinakailangan.
KALUSUGAN
Siguraduhing tutukan ang iyong kalusugan sa taong ito. Kamakailan lamang  may mga hindi magandang bisyo ang iilan na naumpisahan at ito ay nakasanayan na. Subukang baguhin ang mga ito sa taong 2021. Magehersisyo, itigil ang paninigarilyo at uminom lamang ng alkohol na sapat.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
CAPRICORN
Ang mga taong Capricorn ay ipinanganak sa pagitan ng Desyembre 23 at Enero 20. Sila ay madalas na ambisyoso at lubos na praktikal. Sila din ay matiyaga at madalas na nakikita bilang mga perfectionists. Ang mga taong Capricorn ay maingat sa bawat desisyon na kanilang ginagawa.
Mayroong oportunidad na darating sayo ngunit nagdadalawang isip ka kung tatanggapin ito o hindi. Magkakaroon lamang ng progreso sa iyong buhay kung susubok ka ng ibang bagay. Ngunit kung may agam-agam sa iyong isipan, makabubuting makinig na lamang sa sinasabi nito.
PAGIBIG
Kung ikaw ay single at gusto ng makakasama sa buhay, ito ang tamang panahon upang gawin ito. Mapapansin din ng iba na mas nagiging kaakit-akit ka kaysa noon. Maari dadaan sa pagsubok ang inyong pamilya ngayong taon na magiging dahilan ng matinding stress para sayo. Hangga't maaari, magpalamig pansamantala, upang mabawasan ang stress. Kung ito man ang gawin mo o hindi, makabubuti pa rin na may paalam sa mga tao sa loob ng inyong tahanan. Hindi man ito ang iyong ninanais mangyari, huhupa naman ang tensyon dahil dito. Ang pagbubuntis ay dapat paghandaan.
TRABAHO
Makikita nila ang iyong natural na pagiging pinuno. Mapapansin nila ito sa iyong trabaho na maaaring makatulong upang mas mapabuti ka sa pangkalahatan. Kung magiging masipag at magiging mabait ka lamang, maaaring magkaroon ka ng promotion ngayong taon.
PERA
Ayon sa horoscope ng Capricorn ngayong 2021, iminumungkahi na magkaroon ng katuwang sa mga gastusin tulad na lamang ng pagkakaroon ng asawa. Sa kabilang banda, mas makabubuti pa rin ang nagtutulungan kung gusto niyong lumaki ang inyong ipon.
KALUSUGAN
Subukang magfocus sa iyong mental health ngayong taon. May mga panahong maari mararamdaman mong ika'y naguguluhan at naiistress. Kung mangyari man ito, makabubuting lumabas kasama ang iyong mga kaibigan upang ma-relax. Alalahanin parati na importante rin ang kalusugan sa kaisipan katulad ng pisikal na kalusugan. Kung kinakailangan o may pinagdadaanang malaking problema, makipag-usap sa mga kaibigan o sa taong malapit sayo.
 Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
AQUARIUS
Ang mga Aquarius ay pinanganak sa araw ng 21 ng Enero hanggang ika-18 ng Pebrero. Maraming magagandang katangian ang mga Aquarians. Sila ay tapat, palakaibigan, malikhain at matatalino.
Maganda kaya ang taong 2021 para sa mga Aquarius?
Kung ikaw ay Aquarian, maraming bagong mga oportunidad and darating sa’yo ngayong 2021!
Sa kabutihang palad, magiging maswerte ka ngayong taon at sa mga susunod pang taon.
PAGIBIG
Maari makakaramdam ka ng kalungkutan sa mga panahong ito, ngunit patuloy mo itong ililihim sapagkat hindi mo alam kung paano ito malalampasan. Subukang humanap ng paraan upang malampasan ito kung gusto mong magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay pag-ibig. Kung ikaw ay single, maaaring magkagusto ka sa taong gusto rin ang iyong mga hilig. Kung ikaw naman ay papasok sa isang relasyon, maari humanap ng taong kapareho ng iyong mga hilig upang tumagal ang inyong relasyon.
TRABAHO
Sa trabaho, subukang mag-focus kasama ang iba mo pang mga katrabaho sapagkat isa ito sa paraan upang magtagumpay. Humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan kaysa gawin ito ng mag-isa lamang. Mas mapapabilis at mapagaan ang ginagawa kung may kasama. Makikita nila ang iyong pagmamahal sa trabaho at kasamahan.
PERA
Siguraduhing ingatan ang iyong ipon ngayong taon. Huwag gumastos kung hindi naman talaga kinakailangan. Maari makakaramdaman ka ng labis na kasiyahan kung bibilhin mo ang bagay na iyong gusto, ngunit ang kasiyahan na mararamdaman ay panandalian lamang. Kaya sa halip, itabi na lamang ang pera upang magamit mo ito sa iyong hinaharap.
KALUSUGAN
Habang abala ka sa iyong mga ginagawa, isipin mo rin ang iyong katawan at kaisipan. Kung magagawang alagaan ito, maaaring mapabuti ka at hindi sakitin.
Ano ang Kapalaran ko sa 2021? Horoscope Swerte, Malas, Hula, Zodiac, Tagalog Pagibig, Pera, Negosyo
PISCES
Pisces ang zodiac sign kung ipinanganak ng Pebrero 20 hanggang Marso 20. Malakas ang imahinasyon at malikhain ang mga Pisces. Kaya minsan mahirap para sa kanila ang magpakatotoo. Gayunpaman, tapat naman sila sa kanilang mga kaibigan.
Ayon sa hula, banayad na taon ang darating sayo. Sa mga nakalipas na taon, may mga pangyayari na magulo sa iyong buhay, ngunit handa ka ng ayusin ito. Maari may mga bagay na mahirap para sa iyong pamilya ngunit paniguradong papatnubayan patungo sa tamang daan. Kung mananatiling mahinahon, lahat ng ito ay maaayos hanggang sa huli.
PAGIBIG
Kung bukas ka na makipagkomunikasyon sa iba,  maaaring seswertehin ka sa pagibig. Maswerteng iibig ka simula Pebrero hanggang Marso. Humanap ng taong makakasundo pagdating sa mga bagay na ginagamitan ng pagiging malikhain at pinapalawak ang kaniyang kaalaman.
TRABAHO
Ayon sa hula, may magandang epekto sa iyo ang iyong trabaho ngayong taon. Mas magiging masaya ang iyong gawain ngayon kumpara noon. Ito ay dahil mayroon kang mga bagong kasamahan at may mga bago kang matututunan na makakatulong upang magtagumpay. Alinman dito, maganda ang takbo ng iyong karera ngayong taon.
Samantala, para sa mga naghahanap ng trabaho, maaaring piliin ang magtrabaho sa online. Para sa mga taong Pieces, ang 2021 ay magandang taon upang kumita sa online. Kung ikaw ay may angking galing sa paglikha, isaalang-alang ito.
PERA
Ngayong taon, maari kang magbahagi sa iba ng iyong swerte at pera, dahil magbibigay ito sayo ng kasiyahan at kapayapaan. Kung handa ka naman ipuhunan ang perang naipon kahit walang kasiguraduhan kung kikita ka, maari ito ang tamang taon upang mag-invest sa negosyo o sa stock market. Gayunpaman, bago mo gawin ito, pagaralan muna ang iyong papasukan.
KALUSUGAN
Ngayong 2021, makabubuting ituon ang iyong pansin sa iyong pisikal na pangangatawan. Gawin ang mga bagay na pwedeng mapalakas ito. Halimbawa, makabubuting mag-ehersisyo parati at kumain ng masusustansyang pagkain. Magandang taon din ito upang mag-relax at magbawas ng timbang.
 
Tandaan: Ang mga prediksyong nabanggit ay pawang gabay lamang. Nasa sa inyo pa rin ang huling desisyon kung maniniwala o susundin ang mga ito. Ang mga horoscope na ito ay walang tiyak na kasiguraduhan. Ang ating mga kapalaran ay maaaring magbago ano mang oras. Huwag lang i-asa dito ang iyong hinaharap, bagkus magsumikap at makuntento sa mga biyayang natanggap. 
 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.