Ako po ay dumadaing ng ubo mag dadalawang linggo na. Nung unang linggo, Nagpakonsulta na po ako sa isang doctor at niresetahan ako ng Loratadine Claricot at lagundi dahil ang sabi ay allergy lang daw po. dry cough po ang ubo ko. nakaubos na po ako ng 7 tabs ng loratadine at lagundi ngunit parang hindi pa rin ako gumagaling. Persistent pa rin po ang ubo ko lalo na sa gabi at hirap na po akong makatulog. (pero mas okay yung ubo ko kesa last week) masakit na din po ang lalamunan ko kakaubo. ano po ba nag dapat kong gawin? sana matulungan nyo po ako. Salamat
Ano ang mabisang gamot para sa ubo?

Medical History
Kung ang ubo ninyo ay dry naman.. Maaring allergic cough nga ito. Ang dapat gawin ay iwasan ang allergen at ituloy ang gamot. Kusang mawawala ito. Maaring uminom din ng antituissive tulad ng vicks formula 44. If ito ay tumagal pa ng ilang linggo, magandang magpasuri sa doktor para makapagpagawa ng mga test upang marule out ang ibang sanhi ng ubo.