Ano ang mga Malay? Ano ang kahulugan ng Malay? Saan sila Nanggaling? Mga Malay

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Malay
Ang mga Malay ay ang huling pangkat ng mga taong pumunta sa Pilipinas. Dumating sila ng Pilipinas gamit ang malalaking bangkang tinatawag na balangay.
Mayroong tatlong pangkat ng Malay na dumating sa Pilipinas. Sila ay nanirahan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.

Ang unang pangkat ay nanirahan sa Lalawigang Bulubundukin tulad ng mga Bontoc, Ilongot, at Kalinga. Sila ang pinaniniwalaang gumawa ng Hagdan-Hagdang Palayan.
Ang ikalawang pangkat naman ay ang mga ninuno ng Tagalog, Bisaya, Kapampangan at Bicolano.
Ang ikatlong pangkat ay ang mga naging ninuno ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu.

Ang mga Malay ay may katamtaman at matipunong pangangatawan, katamtamang tangos ng ilong, maiitim na mga mata, unat na buhok, kayumangging balat, at may katamtamang tangkad.

Masasabing higit na matatalino ang Malay kaysa sa Negrito at Indones. Ang kanilang tirahan ay higit na mas maganda dahil yari ito sa kawayan at kahoy. Marunong din silang sumulat at bumasa. Magaling din silang gumawa ng sandata at mga kagamitang yari sa tanso at bakal.

Pagdating naman sa pagsasaka mas maganda na ang kanilang mga kagamitang ginagamit. Sila ay gumagamit ng araro at patubig sa pagtatanim.

Magaling ang mga Malay sa pangangalakal ng produkto. Marami ang pumupunta sa kanilang lugar upang makipagpalitan ng kanilang mga produkto. Mayroon silang sitema, at ang tawag dito ay barter.

Magkakasamang nakatira sa maliliit na pamayanan ang mga ninunong Malay. Ang pamayanang ito ay tinatawag na barangay na pinapangunahan ng mga datu. Naniniwala sila kay Bathala, sa mga espiritu, at anito.

Malaki ang pagbabago ng ating mga ninuno di lamang sa pisikal na kaanyuan ng mga Pilipino, kundi sa pamamaraan ng pagpapaunlad at pagpapayaman sa kulturang Pilipino.
 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.