Ano ang mga Arabe? Saan Nagmula ang mga Arabe? Pamumuhay ng Arabe. Mga Arabe

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Arabe
Pakikipagkalakalan ang rason kung bakit pumunta sa ating bansa ang mga Arabe noong ika-14 na siglo. Sila ay matatangkad, malaki ang pangangatawan, matangos ang ilong, at kulot at maitim ang buhok.

Bukod sa pangangalakal, may mga misyonero ring pumunta at nanatili sa ating bansa. Sila ay nasa bahaging timog ng bansa kung saan nila pinapalaganap ang relihiyong Islam. Mula sa Islam ang pagdarasal nang anim na beses sa isang araw. Matatagpuan sa dakong Mindanao ang Islam. Ang Ramadan ay banal na pagdiriwang ng mga Muslim. Ito ay buwan ng pag-aayuno.  Sa pagtatapos ng Ramadan isinasagawa ang Hari Raya Puasa (isa sa pinakamalalaking kapistahan ng pasasalamat pagtapos ng Ramadan.)

Ipinakita ng mga Arabe ang kanilang pagpapahalaga sa relihiyon sa pamamagitan ng matapat na pagsunod sa aral ng Koran (ang banal na aklat nito), at ang pagsunod kay Allah (ang kinikilalang Diyos ng mga Muslim.)

May salitang Arabe na makikita sa ating mga wika. Sa kanila nagmula ang mga salitang ima, kitab, kali, apo, ala, hukom, sulat, at salamat. Ang paggamit din ng kalendaryo ay nanggaling sa kanila.

Ang kaalaman natin sa paghahabi ng tela ay sa Arabe natin nakuha. Maging ang gayak na gayak o nakabihis na pananamit ay galing din sa kanila. Makikita ito sa kasuotan ng ating mga kababayang naninirahan sa Mindanao. Tanyag din ang sayaw na singkil ng mga Muslim at iba pang mga ritwal at seremonyang isinasagawa kapag may mga espesyal na pagdiriwang.

Ang mga Arabe ay matatapang. Ito ang namana ng mga kapatis nating Muslim sa kanila. Kahit sino pang mga dayuhan ang nagtangkang sumakop sa kanila ay hindi nagsipagtagumpay.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.