Ano ang mga Indones? Paano namuhay ang mga Indones noon? Mga Indones

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Indones
Ang mga Indones ay isang klase ng grupo na pumunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalayag. May dalawang grupo ng mga Indones na pumunta sa Pilipinas ngunit sila ay hindi magkamukha.

Ang unang pangkat na dumating ay maputi, matangkad, matangos ang ilong, manipis na bibig, mapungay na mga mata at katamtaman ang pangangatawan.
Samantala, ang pangalawang grupo naman  ay nanggaling sa katimugang Tsina at Indo-tsina. Ang kulay nila ay maitim, pango ang ilong, makapal ang labi, at unat ang buhok. Sinasabing sila ang mga ninuno ng pangkat etnikong Subanon, Tiruray, Mandaya at Bagobo sa Mindanao; mga Tagbanua ng Palawan; mga Ibanag ng Apayao; at Kalinga sa Hilagang Luzon.
 
Mga Pamumuhay ng Indones
Masasabing mas masagana ang buhay ng mga Indones kaysa sa mga Negrito. Ang kanilang mga damit ay magaganda na gawa sa balat ng puno at hayop na nilagayan ng disenyo.
Magaling silang lumikha ng barko o sasakyang pandagat. May karunungan din silang magtanim at mag-alaga ng mga hayop. Magaling din silang gumawa ng palayok para sa panluto at mga banga na malalaki, na ginagawang libingan ng mga patay.

Masasabi na mas matalino ang mga Indones kaysa sa mga Negrito. Sila ay may permanenteng bahay na gawa sa pawid at kawayan. Ang mga Indones ang unang dumating sa Pilipinas na gumawa ng tirahan na sa itaas ng puno o mas kilala sa tawag na tree house upang maging ligtas  sa anumang uri ng panganib at maging sa pagsalakay ng mababangis na hayop.
Mahilig din silang maglagay ng tattoo sa kanilang katawan at ang tawag nila dito ay pintados. Ito ay paraan nila ng paghanga sa sining. Mahillig din silang maglagay ng palamuti sa katawan gaya ng hikaw, pulseras, at kwintas.

Pinaalis ng mga Indones ang mga Negrito sa loob ng kagubatan at maging sa kabundukan upang sila ang manirahan sa kapatagan at baybaying dagat.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.