Ano ang mga Katangian o Ugali ng iyong Zodiac Sign? Sakit at Bisyo ayon sa Zodiac Sign, Lucky color at number Maswerte nga ba ako?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Mabuhay! Tatalakayin natin ngayon ang iba’t ibang katangian ng Zodiac sign. Sa tulong ng impluwensya ng iyong personalidad at ugali, makakatulong ito upang maintindihan mo ang sarili at relasyon sa iba. 
Malalaman natin kung aling zodiac sign nga ba ang kadalasang mas inuuna ang luho kesa sa mga due date na monthly bills. Sino ang madalas na tinotopak at mabilis uminit ang ulo?  Hindi lang yan, alamin din natin kung anong zodiac sign  mapababae o lalaki ang maaaring mabuyo sa chismis. Abangan niyo din kung aling zodiac sign ang mabilis matukso sa pag-ibig.
Narito ang mga iba’t ibang katangian ng Zodiac Sign. 

1. ARIES
·         Birth Dates – March 21st – April 20th
·         Lucky Colors – Red and White
·         Lucky Numbers – Six and Seven
 
Personalidad ng Aries
Ayon sa astrolohiya mabilis ang pag-angat ng Aries pagdating sa trabaho o paaralan dahil sa taglay na pagiging masigasig at may positibong pananaw. Ngunit minsan maigsi ang kanilang pasensya at pabago-bago ang desisyon na nagiging sanhi ng pagkabigo.
 
Positibo Ugali
Ayon sa eksperto, kapag sinabing Aries sila ay matatapang, matulungin, maalalahanin, at matatalino. Mabilis din sila makahanap ng kaibigan. Hindi din sila ang tipo ng tao na basta-basta na lang sumusuko sa laban. Natural sa kanila ang pagiging lider at pangunguna sa lahat ng bagay.
 
Negatibo Ugali
Ayon sa astrolohiya ang Aries ay may posibilidad na matigas ang ulo at dominante. Minsan naman ay wala silang pakialam sa ibang tao, masasabing mas inuuna nila ang kanilang sarili kaysa sa iba.
 
Pag-ibig
Ayon sa astrolohiya, sa usaping pagibig naman, hindi sila nagmamadali, lalo na sa unang date pa lang. Sila ay maaaring takot sa commitment, at madalas matagal bago sila magpakasal. Gusto rin ng Aries na sila ang komukontrol sa isang relasyon.
 
Pera
Mahalaga sa Aries ang kanilang reputasyon at kasikatan. Karaniwang wala sa bokabularyo nila ang salitang “magtipid at mag-ipon”. Oras na may pera daw sila, nilalabas nila ito. Madalas na tumutulong sila sa mga nangangailangan. Ayon sa astrologers, sila ay maging mahusay na lider mapatrabaho, paaralan, o pamahalaan.  Ang mga Arians daw ay magaling na atleta, imbentor, mamahayag, at doktor.
 
Kalusugan
Ayon sa astrolohiya, kadalasan ang Aries ay nagkakaroon ng sakit banda sa kanilang ulo. Halimbawa ng mga ito ay sipon, ubo, sakit sa ngipin, sakit ng ulo o migraine, at nalalagas na buhok. May posibilidad din na makaramdam ng sakit sa ulo at mukha oras na maaksidente. Iwasang kumain ng mga maaalat at sobrang tamis na mga pagkain.
 
2. TAURUS
·         Birth Dates – April 21st – May 20th
·         Lucky Colors – Blue & Green
·         Lucky Numbers – One, Nine
 
Ayon sa mga astrologers, ang Taurus ay mapagpakumbaba, praktikal, masipag, at metikuloso sa lahat ng bagay. Sila ay mabilis magtrabaho ngunit ayaw nilang inuutusan.
 
Positibo Ugali
Ang mga Taurus ay masasabi na isang mabuting kaibigan. Sila ay mahilig din sa mga kasiyahan o party. Ayon sa astrolohiya wala ka nang makikita pa na kasing-loyal ng mga Taurus. Sila ay maaasahan pagdating sa mahirap na sitwasyon. Gagawin din nila ang lahat, alang-ala sa kanilang mga mahal sa buhay.
 
Negatibo Ugali
Ayon sa eksperto, oras na ang Taurus ay tinamad, hindi na talaga ito kumikilos. May posibilidad din na sila ay maging materialistic, possessive sa kung ano meron sila, at maluho. Kadalasan, sila yung tipo na kapag gusto, gusto!
 
Pagibig
Ang mga Taurus ay napakalambing. Gusto nila na ang kanilang minamahal ay tapat at sincere. Gagawin din nila ang lahat upang maprotektahan ang kanilang mga mahal sa buhay.
 
Pera
Ang mga Taurus ay masipag para kumita ng pera at gumagastos ng mga kailanganin lamang. Hindi sila yung tipo na bili ng bili, mahalaga sa kanila na sila ay may naiipon. Kahit na anong negosyo ang kanilang pasukin, sila ay nagtatagumpay. Madalas nagiging matagumpay sila sa larangan ng architecture, Accountacy, banking, at real estate brokerage.
 
 
Kalusugan
Kadalasan sa mga babaeng Taurus ay makakaranas daw ng sakit sa lalamuna o tonsils. Irregular din ang kanilang dalaw. Madalas din daw na magkakaroon ng stiff neck, sakit sa lalamunana, at masakit na tenga. Maaari din  makaramdam ng sakit sa kanilang tuhod.
 
3. GEMINI
·         Birth Dates – May 21st – June 20th
·         Lucky Colors – Yellow
·         Lucky Numbers – Three, Four
 
Isa sa mga kilalang katangian ng Gemini ay marunong makihalubilo sa tao at palakaibigan. Hilig din nilang makipag-usap at magbigay ng payo sa kakilala. Isa din sa kanilang personalidad ay ang pagiging joker.
 
Positibo Ugali
Ayon sa eksperto ang mga taong Gemini ay malikhain, at edukado na tao. Mahilig din silang magpatawa sa mga kaibigan na nakakaranas ng lungkot. Ang mga Gemini ay naniniwala na lahat ng mga lalaki ay mabuti. Isa sa kanilang personalidad din ay hindi mareklamo.
 
Negatibo ugali
Kapag ang gemini ay nakaranas ng matinding stress, sila ay hirap upang labanan ito.  Ayon sa astrolohiya, isa sa negatibo katangian nila ay ang pagiging mainipin. Kadalasan sa mga Gemini ay mahilig din sa tsismis at maaaring gumawa ng mga kwento-kwento patungkol sa mga taong nakapaligid sa kanila.
 
Pagibig
Mahilig ang Gemini sa mga adventure pagdating sa kanilang buhay pagibig. Sila din ay napakatapat at malambing sa kanilang partner. Sabi nila masarap magmahal ang Gemini dahil tinuturing nilang reyna o hari ang kanilang mahal.
 
Pera
Masasabi na ang Gemini daw ay magaling mambola, at dahil dito marami silang nakukuhang mga kleyente. Mahilig din sila gumastos ng mga mamahalin na gamit, lalo na kung kanila itong natipuhan. Ayon sa astrologers, mas inuuna ang pagbili ng mamahaling gamit para sa party kesa sa bayaran ang duedate na bayarin.
 
Kalusugan
Madalas na problema ng Gemini ay ang mga kamay, daliri, kasukasuan at mga buto.  Ito ay maaaring sanhi ng rayuma, arthritis, at pagkabali.
 
 
4. CANCER
·         Birth Dates – June 21st – July 22nd
·         Lucky Colors – Silver, White
·         Lucky Numbers – Two, Three, Seven
 
Ang personalidad ng Cancer ay mahilig managinip ng gising at nangangarap. Sila din ay sentimientong tao o nabubuhay sa nakaraan. Hindi kana magtataka kung sa loob ng kanilang bahay ay puno ng mga lumang gamit gaya ng albums at mga sentimental na mga gamit. Hindi rin sila basta basta nakakalimot ng mga birthdays at anniversaries. Sila yung tipo ng tao na hindi pinapakita ang kanilang pagiging mahina.
 
Positibo Ugali
Ayon sa astrolohiya, mapababae man o lalaki ang mga Cancer ay matatag at hindi umaasa. Sila din ay isang mabuting asawa sa kanilang kapareha dahil sa taglay nilang pagiging matapat at maalaga
 
Negatibo Ugali
Ayon sa eksperto, mahihirapan kang basahin ang ugali ng Cancerian lalo na kung ngayon mo pa lang ito nakilala. Minsan sobrang bait sayo,  ngunit ilang sandali lang ay galit na at hindi mo alam ang dahilan. In short pabago-bago ng ugali. May posibilidad din na sila ay nagtatanim ng galit sa kanilang mga nakaaway.
 
Pagibig
Pagdating sa pagibig sila ay emosyonal at maawain sa kabiyak. Kung titingnan mo, sila ay kalmado na tao at tahimik. Ngunit ang totoo sila ay ubod ng selosa/seloso at possessive. Ang mga Cancerian ay maalaga at masasabing isa sa mga mabuting maging partner.
 
Pera
Mahalaga sa mga Cancerian na may naitatabi para sa emergency at maraming ipon sa banko. Likas sa kanila ang may matalas na isip at dahil dito madali lang sa kanila kumita ng pera.
 
Kalusugan
Mabilis kumapit ang virus, baktirya, at fungi sa taong Cancer na maaaring maging sanhi na kanilang sakit. Mainam din na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
 
 
5. LEO
·         Birth Dates – July 23rd – August 22nd
·         Lucky Colors – Gold, Orange
·         Lucky Numbers – Five, Nine
 
Ang taong Leo ay malaki ang kompyansa sa sarili, dahil dito malaki ang maitutulong upang maging matagumpay. Mabilis sila ma-promote sa trabaho at makapag-ipon ng pera sa batang edad pa lamang. Ayon sa eksperto, wala sa bukabularyo ng Leo ang salitang “hindi”. Ibig sabihin ayaw nila na sinusuway sila sa kahit na anong bagay.
 
Positibong ugali
Ang personalidad ng Leo ay kayang tumayo sa sariling mga paa. Sila ang isa sa mga taong totoo at may malaking puso.
 
Negatibo ugali
Ayon sa mga astrologers, ang Leo ay medyo matigas ang ulo. Hindi nila ugali ang humingi ng tulong at ayaw nilang pinagsasabihan kung paano ang gagawin para magtagumpay.
 
Pagibig
Kapag sinabing romatiko, isa ang Leo na nagtataglay ng ganitong klase ugali. Mahilig silang bumili ng mamahaling regalo para sa kanilang mahal. Pagdating sa romansa, gusto ng Leo sumubok ng mga bagong bagay sa kama.  Sila din daw ay ubod ng lambing.
 
Pera
Ang taong Leo ay mabilis maka-attract ng pera at napapaligiran ng mga mayayamang tao. Ayon sa astrolohiya, naniniwala ang Leo na ang pera ay mabilis makuha kung gugustuhin nito.
 
Kalusugan
Karamihan sa Leo ay may posibilidad na makakaranas ng problema sa puso gaya ng heart attack. Kaya mag-ingat sa kinakain at mag-ehersisyo. Maaari makaranas din sila ng pananakit ng likod, baga, at problema sa mata.
 
6. VIRGO
·         Birth Dates – August 23rd – September 22nd
·         Lucky Colors – Navy Blue, Grey
·         Lucky Numbers – Eight, Four
 
Ayon sa eksperto ang mga taong Virgo naman ay matalino, maganda, mahinhin kumilos, at mahiyain. Sila din daw ay napakalinis sa katawan, gamit, at bahay. Maalaga din sila sa kanilang kalusugan. Dahil dito madalas silang nag-eehersisyo at maingat sa kanilang kinakain.
 
Positibo ugali
Ang Virgo ay mahilig maglaro ng puzzle games at mga logic games. Magaling din sila humawak ng pera. Isa sa dahilan kung bakit nagtatagumpay ang Virgo, dahil sa sa taglay na galing mag-analisa at sumuri. Isinasantabi ng Virgo ang sariling problema, kapag ito ay may mahalagang gagawin o trabaho.
 
Negatibo Ugali
Lalaki o babae man na Virgo ay hirap sa pag-balanse ng kanilang buhay. Mas gusto nila nakatutok sa trabaho kesa gumugol ng oras para sa kanilang kasiyahan. In short, sila ay workaholic.
 
Pagibig
Ang personalidad ng mga Virgo pagdating sa pagibig, ay kinakailangan ng mahabang oras na pagsasama sa partner, bago sila maging komportable sa kama. Madalas ay hindi sila adventurous o exciting sa kama dahil sa kanilang pagkamahiyain. Ang Virgo ay lagi din nakapostura at madaling pakisamahan.
 
Pera
Magaling ang Virgo sa larangan ng organizational management at personal relationhips. Sila ay napakametikuluso sa trabaho at magaling magbigay ng advice sa trabaho at kakilala.
Ayon sa astrologers, ayaw nilang gumastos ng sobra at matatapon lang sa wala ang perang pinaghirapan. Mas gustuhin pa nilang ipunin ang pera para sa kanilang pagtanda, kesa sa iwaldas ang pera sa mga mamahaling gamit.
 
Kalusugan
May posibilidad na maging lapitin sa sakit ang mga Virgo dahil maaaring mahina ang immune system. Maaaring makakaranas ng pananakit sa mata at lalamunan. Maaari din na magkaroon ng insomnia na makapagdudulot ng problema sa utak kapag hindi iinngatan.
 
7. LIBRA
·         Birth Dates – September 23rd – October 22nd
·         Lucky Colors – Pink, Blue, Lavender
·         Lucky Numbers – Six and Nine
 
Ayon sa astrolohiya, mahilig makipag-usap ang Libra sa taong nakapaligid sa kanila. Mahalaga sa kanila na laging kasama ang mga mahal sa buhay, dahil nakakapagbigay ito ng matinding galak sa kanila. Sila ay likas na mabuting tao, may karisma, mahinahon magsalita, at mahinhin kumilos.
 
Positibo ugali
Ang Libra ay laging positibo ang pananaw sa buhay na nagdudulot sa kanila ng pagiging masayahin. Dahil dito, mabilis sila makahanap ng bagong kaibigan.
 
Negatibo ugali
Ayon sa eksperto, mataas ang tingin ng Libra sa kanilang sarili. Dahil dito, maaari tingin ng ibang tao sa kanila ay sakim. Isa din sa maaaring ugali  nila ay ang pagiging malapit sa kanilang kakilala (opposite sex), kahit na sila ay may asawa na. Ito ay maaaring pagmumulan ng away nilang mag-asawa.
 
Pagibig
Ayon sa astrolohiya, pinapakita ng Libra ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipag-sex. Mabilis din silang ma-inlove sa mga taong makulit sa kanila at laging dumadamay sa kanila. Ang Libra daw ay hindi nawawalan ng karelasyon, dahil ayaw nilang nag-iisa o single.
 
Pera
Malaki ang naitutulong ng kanilang karisma sa trabaho lalo na sa kanilang mga boss. Bilang isang empleyado, ang libra ay maayos ang trabaho at malayo sa gulo.
Pinag-iisipan nila maigi, bago sila gusmastos at sa huli laging tama ang kanilang desisyon pagdating sa pera. Mahalaga para sa kanila ang bawat sentimo.
 
Kalusugan
Madalas ang Libra daw ay makakaranas ng sakit sa kidney o bato. Paminsan-minsan ay makakaranas din sila ng rashes sa balat, pimples, at iba pang sakit sa balat. Mahilig silang kumain ng mga matatamis, kaya kailangan magingat sa pagkaroon ng diabetes.
 
8. SCORPIO
·         Birth Dates – October 23rd – November 22nd
·         Lucky Colors – Red and Black
·         Lucky Numbers – Three, Five
 
Ang mga Scorpio ay makikitaan ng pagiging determinado at malayang tao. Mas gustuhin nilang magtrabaho mag-isa at sa lahat ng bagay. Sila din ang tipo ng tao na mapamaraan, napapansin nila ang mga bagay na hindi napapansin ng iba. Mahirap basahin ang kanilang isip, magaling sila magtago ng kanilang nararamdaman. Sila din daw ay mapagkakatiwalaan sa mga sikreto ng kaibigan.
 
Positibo Ugali
Ang Scorpio daw ay isa sa mga kalmadong tao. Pinapangalagaan nila mabuti ang kanilang pamilya at kaya nilang itaya ang sariling buhay alang alang sa pamilya.
 
Negatibo ugali
Madalas ang Scorpio ay mas gustong mapag-isa palagi, kaya hirap din silang makahanap ng kaibigan. Kung sila ay lumaki sa masamang kapaligiran, malaki ang epekto nito sa kanila dahil pinagdududahan nila ang lahat ng taong nasa paligid nila. Matagal bago sila magkaroon ng tiwala sa tao. Ayon sa astrologers may posibilidad na ang Scorpio ay may masamang ugali gaya ng hindi makontrol na galit, sama ng loob, at madalas naghihiganti.
 
Pagibig
Sa usaping relasyon daw sa Scorpio, babae man o lalaki ay maaaring mahirap pakisamahan. Nais nila na sila ang laging nasusunod at namumuno sa relasyon. Kilala din sila na palaging umaalis para magbakasyon kasama ang partner. Sa kama naman, sila ay adventurous sa sariling pamamaraan. Walang problema ang relasyon, basta lagi lamang sila napapasaya.
 
Pera
Malaki ang tiwala ng Scorpio sa kanilang sarili at sila ay masipag sa trabaho. Ito din ang dahilan kung bakit mabilis lamang sila umasenso. Kung sila naman ay mayaman at makapangyarihang tao, sila ay nirerespeto at kinatatakutan. Sila ay kalmado sa trabaho at handang tumulong sa kanilang kasamahan sa trabaho.
 
Kalusugan
Madalas ang Scorpion ay nagkakaroon ng sakit sa pribadong katawan. Maging maingat at alagaan mabuti ang maselang bahagi ng katawan upang makaiwas sa sakit.
 
9. SAGGITARIUS
·         Birth Dates – November 23rd – December 21st
·         Lucky Colors – Red, Purple
·         Lucky Numbers – Nine
 
Ang personalidad ng Sagittarius ay mahilig makipagsapalaran at laging handa upang sumubok ng mga bago sa buhay nila. Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay hindi basta basta makaramdam ng lungkot. Nakakahanap lagi sila ng solusyon sa mga problema. Ang pagiging makwela at masigla nila ang dahilan kung bakit marami silang totoong kaibigan,
 
Positibong ugali
Ayon sa eksperto, ang Sagittarius ay may likas na tiwala sa sarili at masayahin. Sila ay prangka, masaya, tapat, at happy-go-lucky. Pinapatawad din nila agad ang mga nagkakasala sa kanila.
 
Negatibo ugali
Kadalasan hindi nauubusan ng pera ang Sagittarius. Ngunit maaaring makasanayan nila ang magsugal at magwaldas ng perang pinaghirapan. Sila ay kalmado na tao, ngunit maaaring uminit ang ulo nila sa walang kawenta-kwentang dahilan.
 
Pagibig
Ayon sa astrolohiya, pagdating sa pagibig, sila ay magaling. Mabilis nila mapapaibig ang babae o lalaki.  Gumagawa sila ng paraan upang matuklasan kung ano ang mga gusto at hindi gusto ng kanilang karelasyon.
 
Pera
Masasabing hindi mahirap pakisamahan ang mga Sagittarius pagdating sa trabaho. Nakakatulong din ang mataas na energy nila sa kanilang hanap buhay. Hilig nilang mag-travel sa buong mundo, gumastos, at kung minsan magmayabang ng mga mamahaling gamit. Wala sa bukabularyo ng karamihan na Sagittarius ang mag-ipon at magtipid, ngunit maswerte pa rin sila sa pera. Madalas sila ay mapagbigay at matulungin sa mga nangangailangan, oras na sila ay may hinahawakang pera.
 
Kalusugan
Madalas ang babaeng Sagitarrius ay makakaranas ng sakit sa matris. Kailangan din magingat sa pagkakaroon ng sugat, pasa, pilay, at pamumulikat.
 
10. Capricorn
·         Birth Dates – December 22nd – January 19th
·         Lucky Colors – Dark Green, Brown
·         Lucky Numbers – Three, Seven
 
Ang mga taong Capricorn ay kilala bilang matatag kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Ang simbolo ng Capricorn ay kilala bilang “workaholic” o masipag sa trabaho. Hindi sila naniniwala sa mabilisang solusyon o shortcut sa buhay.
Ang Capricorn ay nagtataglay ng pagiging totoo, matiyaga, at may determinasyon sa buhay na magdadala sa kanila sa tagumpay. Sila ay pasensyoso at mahusay sa kahit na anong ipagawa sa kanila sa trabaho.
 
Positibong ugali
Ang taglay nilang pagiging kalmado at panatag ay mahalagang katangian ng tao sa oras ng emergency. Ang taong Capricorn ay malawak at malalim mag-isip. Bago gawin ang isang bagay, sinusuri nila ito ng maigi, inaalam kung ano ang maging epekto nito sa kanilang buhay. Mapababae man o lalaki, hindi basta basta tumatanggap ng tulong ang Capricorn pwera lang kung wala na talaga silang choice.
 
Negatibo ugali
Ang Capricorn ay maaaring pinanganak na matigas ang ulo at dominante sa tao. Hindi din nila priority ang kanilang emosyon at damdamin. . Sila ay sobrang sensitibo, na hindi natatanggap ang mga mababaw na pang-iinsulto sa kanila. Ang Capricorn daw ay  medyo boring, dahil masyado silang seryoso sa buhay. Mas inuunan nila ang importanteng gawain kesa sa gumimik kasama ng mga kaibigan.
 
Pagibig
Ang Capricorn ay matibay at tapat sa kanyang partner sa buhay. Ang mga ito ay mabilis magkaroon ng buhay pag-ibig sa opisina at mabilis magkaroon ng kasintahan o  minsan ay mabilis magkagusto sa may mataas na posisyon sa kompanya o lipunan. Mabilis mahulog ang loob ng isang Capricorn sa taong joker o nakakaaliw. Mas gusto din ng Capricorn sa karelasyon ang tanggap kung sino sila, sa halip na pilit silang baguhin o pakialaman ang kanilang katauhan.
 
Pera
Sa mga Capricorn na nagtatrabaho, sila ay likas na pasensyoso at naniniwala na pagdating sa trabaho dapat ay patas lamang. Pinapahalagahan ng Capricorn ang kanilang imahe, pananamit, at asal sa loob ng opisina upang sila ay respetuhin ng mga ka-opisina. Sa usaping pinansyal naman, ang Capricorn ay may malaking pondo at mahusay mamahala ng pera.
 
Kalusugan
Sa kalusugan naman ng Capricorn, may posibilidad na magkaroon ng problema sa buto o pagkabali ng buto. Maaaring magkaroon din ng sakit gaya ng impatso o hindi matunawan, problema sa pag-iisip, hirap matulog, at madalas na pagsakit ng ulo.
 
11. Aquarius
·         Birth Dates – January 20th – February 18th
·         Lucky Colors – Electric Blue
·         Lucky Numbers – Seven, Nine
 
Isa sa katangian mayroon ang Aquarius ay kikilos sila kung kelan nila gustong gawin ang isang bagay. Sila ay matalino, malikhain, sobrang mahiyain, mahinhin, o minsan naman ay energetic at masigasig.
 
Positibo Ugali
Ayon sa astrolohiya, kilala ang mga Aquarius na matalino at may malawak na pag-iisip. Ang mga imposibleng ideas ay naiisip ng mga ito. Mahilig silang matuto ng mga bagong bagay upang madadagdagan ang kanilang kaalaman.  May katangian ang Aquarius na mas gustuhin mapag-isa kesa makihalubilo sa iba, sila din ay may taglay na pagkamahiyain.
 
Negatibo ugali
Madalas sinasabi na ang Aquarius ay deadma at hindi interesado sa ibang tao. Nananatili silang ilang sa mga tao at ayaw nilang sumali sa mga group activities. May posibilidad din na ang Aquarius ay mapagmataas.
 
Pagibig
Sa usaping relasyon hanap daw ng taong Aquarius ang matagalang relasyon. Sila ay mapagmahal, tapat, seryoso, at hindi sinasakal ang karelasyon. Binibigyan nila ito ng kalayaan sa mga desisyon.
 
Pera
Ayon sa Astrolohiya, wala sa priority list ng Aquarius ang pera. Mas gustuhin nilang magtayo ng negosyo kesa sa maging empleyado. Hindi sila ang taong mahilig sa shopping at hindi sila yung tipo na nanghihiram ng pera sa kapwa. Kapag may pinautang daw sila, inaasahan nila na babayaran sila sa araw na pinangako ng umutang sa kanila.
 
Kalusugan
Sabi nila ang Aquarius daw ay may problema sa sirkulasyon sa dugo na nasa parte ng hita hanggang tuhod, dahilan ng madalas na pamumulikat. Maaari din daw na madalas makakaranas ng matinding lungkot. Makakabuti na iwasan ang alak alang-ala sa kalusugan.
 
12. Pisces
·         Birth Dates – February 19th – March 20th
·         Lucky Colors – Pale Green
·         Lucky Numbers – Eight, Five
 
 
Ang personalidad naman ng Pieces ay isang independent na tao. Pabago-bago ang ugali, maunawain, maalaga, at maawain sa tao. Bihira  din sa kanila ang kumontra sa kahit na kanino.
 
Positibo ugali
Ang pagiging mahinahon, mahinhin, at mapagmahal na katangian ang dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanila. Mabilis silang mag-adjust sa sitwasyon para iparamdam sa isang tao na mahalaga ito sa kanila. Babae man o lalaki na Pieces ay gustong-gusto magpasaya ng ibang tao. Magaling din silang makisama sa kapwa
 
Negatibo ugali
Isa sa nakakainis na ugali ng Pesces ay ang pagiging absent minded nito o lutang. Sobrang emosyonal naman sila sa kanilang partner. Masyadong sensitive sa lahat ng bagay. May posibilidad din na ang Pisces ay mahilig sa tsismis. Parehong babae at lalaki na pisces ay malandi minsan.
 
Pagibig
Sa pagibig naman, may personalidad ang Pisces na masyadong mabagal umaksyon sa nililigawan o nanliligaw. Maaari sila ay takot at hindi pa sigurado. Oras na malagpasasn nila ang ganitong pakiramdam, ang buhay pagibig na kasama ang Pisces ay puno ng saya.
 
Pera
Ang Pisces ay nahulaan na hindi mahalaga sa kanila ang pera, mas priority nila ang kanilang pangarap. Ganunpaman, nakakapagtaka na hindi sila namomroblema kung paano magkaroon ng pera. Mangingibabaw sila sa larangan kung saan kailangan ng pagiging malikhain, gaya ng writing, drama, arts, at music.
 
Kalusugan
Ayon sa eksperto, malaki ang senyales na masyadong emosyonal ang Pisces, na maaaring mahulog ito sa labis na depression. Sila ay malapitin sa mga bisyo gaya ng alak, sigarilyo, at droga. Laging tandaan, hindi ito sagot sa problema.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.