Ano ang mga Negrito? Paano namuhay ang mga Negrito noon? Mga Negrito

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang mga Negrito
Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, isang antropologo, ang lahing Pilipino ay mula sa lahi ng tatlong pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas : ang Negrito, ang Indones at ang Mangyan.
Negrito, Aeta, Ati, Ita o Agta ang unang pangkat ng mga tao na dumating sa bansa. Nakarating sila ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa mga lupang tulay, dahil noong huling Panahon ng Yelo, ang Pilipinas ay bahagi ng malakin ng kontinente ng Asya.
Ang mga Negrito ay halos apat na talampakan lamang ang taas, itim ang kulay ng balat, kulot na kulot ang buhok, pango ang ilong, makapal ang labi at payat ang katawan.
Ang mga Negrito ay tinuturing na mga nomads(nomad - taong hindi nananatili sa iisang lugar lamang). Narating nila ang iba’t ibang bahagi ng kapuluan upang maghanap ng pagkain. Mahusay silang mangaso at mangisda. Karaniwang matatagpuan sila sa kagubatan. Ang kanilang mga kagamitan ay punong yari sa kahoy at pinatulis na bato. Gumagamit sila ng pana at busog sa pangangaso, pangingisda at pagtatanggol sa sarili.
Ang mga halaman at balat ng puno naman ang ginamit nilang pantakip sa katawan. Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga Negrito ang paggawa ng bahay, pagtatanim ng mga halamang ugat, at paggawa ng apoy.
Sa kasalukuyan, Maraming mga Negrito ang makikita sa Bulubundukin ng Sierra Madre, Panay, Negros at Zambales. Lumipat sa ibaba ng bundok and mga Negrito sa Zambales dahil tuwirang naapektuhan sila ng pinsalang sanhi ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.