Ano ang Pinagkaiba ng Kakapusan sa Kakulangan? Kahulugan ng Likas at Di-likas Meaning Kulang Kapos

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang kakapusan ay likas na katangian ng pinagkukunang yaman. Ito tumutukoy sa limitasyon o hangganan ng isang produkto na nililikha o lilikhain pa lamang, isa itong permanenteng kaganapan. Ito ay isang kalagayan na kaakibat ng buhay ng tao, ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa upang matugunan ang mga pangangailangan.
 
Kakapusan:
1. Hirap mabigyan ng solusyon.
 
2. Natural na problema sa mundo.
 
3. Di-sapat na pinagkukunan ng yaman o isang bagay.
 
Ang kakulangan ay di-likas, nauugnay ito sa maling plano ng produksyon at pagkosumo. Ito ang pansamantalang kaganapan. Isa sa halimbawa ay ang pagtatago ng suplay ng produkto na madalas ginagawa ng mga rice kartel o nagbebenta sa bigas. Ito ay pansamantala na suliranan na naging dulot ng maling gawain ng mga tao. Masasabi na may aspeto ng pagkakatulad ang kakapusan at kakulangan. Pareho silang kumikilala na may pangangailangan at kagustuhan ang tao na hindi kayang punan ng ekonomiya.
 
Kakulangan:
1. Mas mabilis na mabigyan ng solusyon ang suliranin.
 
2. Ang tao ang gumawa ng suliranin.
 
3. Magkakaroon ng sapat oras na maayos ng tao ang problema.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.