Ano ang Pinagkaiba ng Mahal sa Gusto? Kaibahan ng crush sa love Paghanga Inlove

Precious Gomez
is in the Philippines

Pagdating sa relasyon maraming emosyon ang dapat na isaalang-alang. Mayroon na gusto mo ang tao at meron din mahal mo ito. Halimbawa sa relasyon ng mag-ina. Mas madalas natin naririnig ang salitang “mahal kita” na lagi binibigkas ng nanay o anak sa isa’t isa. Hindi tayo nakakarinig ng salitang “gusto kita” pagdating sa relasyon ng mag-ina o mag-ama. Ag pagmamahal ng magulang sa anak at anak sa magulang ay tinatawag na wagas na pag-ibig o unconditional love.
 
Ang pagkakagusto sa isang tao ay masasabing isang atraksiyon sa panlabas na anyo. Madalas sa mga bagong relasyon maririnig natin ang salitang “gusto kita” kesa sa “mahal kita”. Maaari nagaalangan pa sila kung ano ba talaga ang kanilang nararamdaman para sa kabiyak. Nakakatakot marinig ang salitang “I love you” dahil nangangahulugan nito ng malalim na nararamdaman. Ito ay isa sa mga senyales na seryoso ang karelasyon at gusto kang makasama habambuhay.
Ano ang Pinagkaiba ng Mahal sa Gusto? Kaibahan ng crush sa love Paghanga Inlove
Ang mahal ay ginagawa mong ingatan yong taong yon kaysa sa inaakala mo. Nais mong ibigay lahat ng kaya mo para sa kanya at kung ano ang karapat-dapat sa kanya.
Samantala,
Ano ang Pinagkaiba ng Mahal sa Gusto? Kaibahan ng crush sa love Paghanga Inlove
Masasabi mong gusto mo ang isang tao kapag humahanga ka lamang rito dahil sa taglay nitong katalinuhan o di kaya sa kagandahan nito sa panlabas na kaanyuhan.
 
Pinagkaiba ng Mahal sa Gusto
1. Kapag gusto mo ang isang tao, wala ka ng makikita na kagaya niya. Samantala, kapag mahal mo, hindi mo nakikita ang sarili na kasama habambuhay ang iba.
 
2. Kapag gusto mo nakikita mo ang mga positibong katangina nito. Kapag mahal mo nakikita mo ang pinanegatibong pag-uugali ng mahal mo.
 
3. Ang gusto ay para lamang sa kasalukuyan. Samntala ang mahal ay walang hanggan.
 
4. Ang like ay nakakasira, samantala ang love ay bumubuo.
 
5. Kapag may gutso kang bulaklak, agad mo itong pinipitas. Kapag mahal mo ang bulaklak, dadalhin mo sa bahay at didiligan araw-araw.
 
6. Masaya ka kapag gusto mo ang isang tao. Samantala, kapag mahal mo, hindi mo kaya mabuhay kapag wala siya.
 
7. Ang pagkakagusto ay nagpaparamdam sayo na parang may mga paru-paru sa iyong sikmura o kinikilig ka. Samantala, ang pagmamahal ay mas naisin mon a mas lalo pang malalim ang inyong samahan.
 
8. Ang gusto ay ang isang tao na gusto mo lang siya makasama. Samantala, ang mahal ay ang taong hinahangad mo na nasa sayo lang siya.
 
9. Kapag gusto mo ang isang hayop, gusto mong mag-selfie ditto. Samantal, pagmahal mo nais mo siyang alagaan at makasama.
 
10. Ang gusto ay madalas sa pisikal na anyo o physical attraction. Samantala, ang mahal ay sa paguugali ng tao, maging negatibo o positibo man ito.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.