Ano ang Pinagkaiba ng Paaralang Babae sa Lalaki sa Panahon ng Espanyol sa Pilipinas

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines


Paaralang Panlalaki- Ang unang paaralan sa mga lalaki ay tinayong Heswitas noong 1589. Pagkatapos mag-College, papasok ang mga lalaki sa Unibersidad. Ang mga guro sa paaralang panlalaki ay mga misyonerong pare. Ang itinuturo sa paaralang panlalaki ay ang katesismo,wikang Espanyol at Latin, pagsulat, kasaysayan, musika, heograpiya, pilosopiya, lokiha at retorika,, magandang-asal, pagbasa at matematika.

 
  Unibersidad ng San Carlos

Ang Unibersidad ng San Carlos (USC o colloquially shortened sa San Carlos) ay isang pribadong katoliko at pananaliksik ng unibersidad sa Cebu City na pinangangasiwaan ng Kapisanan ng Banal na Salita mula noong 1935. Nagbibigay ito ng pangunahing edukasyon (Montessori academy, paaralang baiting, junior at senior high school), undergraduate at graduate studies higher education. Ayon sa USC sila ang “Pinakalumang institusyong pang-edukasyon o paaralan sa Asya”. Dahil dito nagkaroon sila ng alitan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila, ito ay isang mahabang panahon na paksa na sa kabilang banda ay inaangkin na ang pinakalumang unibersidad sa Asya.


Paaralang Pambabae- Ang paaralang pambabae ay may dalawang uri, ang una ay Colegio, ito ang paaralan para sa mga babae na hindi magiging madre at ang pangalawa naman ay Beatrio, Ito ang paaralan para sa pagmamadre o nunnery sa ingles.

Ang mga guro sa paaralang pambabae ay misyonerong madre.  Ang itinuturo sa paaralang pambabae ay katesismo, wikang Espanyol at Latin, pagsulat, kasaysayan, musika, mgandang asal, pagbasa, matematika, at pagpipinta. Binigyaang diin ang pagtuturo ng kaalaman tungkol sa gawaing pantahanan tulad ng pagluluto, pagbuburda, pag-aayos ng bulaklak, at iba pa.


Colegio de Santa Potencia

Royal College of Santa Potenciana o Kolehiyo de Santa Potenciana ay ang pinakamatandang paaralan para sa mga babae. Ito ay itinatag noong 1589 ni Philip II sa paghimok ng bishop ng Manila, Domingo de Salazar, OP at mga Franciscans. Ang kolehiyong ito ay para sa mga anak ng mga sundalong Espanyol at mga ulila. Pagkalipas ng dalawang taon, binuksan ng paaralan ang mga pintuan nito sa ibang mga mag-aaral. Sa ika-17 siglo, ang paaralan ay inilipat sa sulok ng Cabildo at Sta. Potenciana; ito ay ipinahiwatig sa mapa ng Muñoz noong 1671.

Ang pinagkaiba ng paaralang pambabae sa paaralang panlalaki ay ang sumusunod:

-Ang guro sa paaralang pambabae ay misyonerong madre at ang guro naman ng paaralang panlalaki ay misyonerong pare.

-Mas madami ang kailangang matutunan sa paaralang pambabae kaysa sa paaralang panlalaki.

-Nagtuturo ng tamang paraan ng pagtatanim, pagkakarpintero at pagpipinta para sa mga lalaki at pananahi at pagbuburda naman para sa mga babae.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.