Ano ang Pinagkaiba ng Pantay sa Patas? Kaibahan Kahulugan Pagkakaiba ng Dalawa Hindi Magkapareho

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang kahulugan ng pantay ay pagkakapareho o pagkakatulad ng dami o bilang ng bagay na tinutukoy. Ang kasingkahulugan ng pantay ay walang labis at walang kulang.
 
Ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao o pagbibigay ng nararapat para sa tao. Pero ang parusa sa lalabag ng batas ay dapat patas ayon sa bigat ng kanyang krimen. Kunwari, mayroong magnanakaw at mamamatay tao, patas lang na mas maiksi ang itatagal ng magnanakaw, kesa sa mamamatay. Dahil mas mabigat na krimen ang pagpatay kaysa pagnanakaw.
 
May mga nagsasabi namang hindi pantay-pantay dahil may mga mayayaman at may mga mahihirap. Nasa ating kamay ang kakayahan nating mamili maging sino ka man sa dalawang yon.
Pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos.
 
 Halimbawa ng Pantay:
1. Ang pantay ay pare-pareho kahit anong sitwasyon.

2. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng mga tao.

3. Ang pantay ay ang pagkakasindami ng haba o ng taas man.

4. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. 

5. Ang pantay ay basehan lang kung anong distansya, haba o laki ng isang bagay.

6. Ginagamit ang pantay kapag naghahati o humahati.

7. Nagbibigay din ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan.
Pantay ay maaaring maging hindi patas.
 
Halimbawa ng Patas:
1. Ang patas ay naaayon sa kalagayan kaya hindi siya pare-pareho.

2. Ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan at batay sa kanyang pangangailangan.

3. Ang patas ay ang pagkaka-pareho ng isang bagay sa isa't-isa.

4. Ang patas ay ginagamit kapag nagdedesisyon.

5. Ang patas ay naikakabit sa salitang katarungan.

6. Patas ay nakabatay sa kalagayan.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.