Ano ang Pinagkaiba ng Tama sa Mabuti? Wasto Matuwid Korek Kabutihan Kaaya-aya Kabutihan Kagandahang loob

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang tama ay maaaring wasto o matuwid. Ito ay isang uri ng positibong gawain na nakakatulong upang tayo ay magkaroon ng maunlad at mapayapang pamumuhay. Hindi lahat ng tama ay mabuti dahil maaaring ang ginagawa natin ay hindi nakakabuti sa iba. Mayroon nasasaktan kahit tama ang ginagawa natin. Halimbawa, ang hindi pagsabi ng totoo (white lies). Kailangan mong magsinungaling para sa iba. May benipisyo para sarili o sa ibang tao ang pagsisinungaling mo ngunit mali ang ginawa mo. Nakatulong ka pero hindi sa tamang paraan
 
Tama:
1. Ito ay kabaliktaran ng mali.
 
2. Hindi lahat ng tama ay nakakabuti para sa mga tao na nasa paligid mo. Maaaring may masasaktan sa pagiging prangka mo dahil sa pagsasabi ng tama.
 
3. Ginagamit sa pag korek ng pagsusulit kung ito ba ay tama.
 
4. May positibo at negatibong naidudulot.
 
5. Ang tama ay nararapat o dapat gawin ng isang tao na may kaugnayan sa kabutihang panlahat.
 
6. Isang proseso ng paggawa ng mabuti ng isang tao tungo sa kaniyang hangarin.
 
7. Mga bagay na totoo o umaayon sa katotohanan.
 
Ang salitang mabuti ay kasingkahulugan ng kagandahang-loob. Ito ay hango sa salitang buti na ang ibig sabihin ay kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan. Kapag sinasabi mong mabuti, ito ay makakatulong o makaka benepisyo para sa marami. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ito ay ang paggawa ng maganda para sa sarili at sa kapwa. Ngunit laging tandaan sa paggawa ng mabuti minsan may mga taong nakakaramdam ng inggit o di kaya pagsasamantala sa kabutihan. Kaya magingat sa mga taong kinakaibigan o tinutulungan. May kasabihan “Pinakain mo na, ngunit pati siko mo ay kakainin pa”.
 
Mabuti:
1. Mas mabilis ang pag-unlad ng isang lugar dahil sa mabuting Gawain.
 
2. Walang maaapakan na tao.
 
3. Maraming magmamahal sa’yo sa paggawa ng mabuti.
 
4. Nakakapagpataas ng pagpapahalaga sa sarili.
 
5. Ang mabuti ay paggawa ng tama o wastong gawain.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.