Ano ang Pinagkaiba ng Tao sa Hayop? Kaibahan Sino ang mas Nauna Hayop o Tao Sino mas Matalino?

Precious Gomez
is in the Philippines

Ayon sa pag-aaral o eksperto, ang pinagmulan ng tao ay mga unggoy. Ang istorya ng ebulosyon ng tao ay nanggalimg sa bansang Africa, anim na milyong taon ng nakalipas. Ito ay pinatunayan sa mga labi na natatagpuan. Habang kanilang pinagaaralan ang teoryang ito, nakakahukay sila ng mga labi na lalong nagpatibay at nakakuha sila ng ebedinsya dito. Ang mga scientists ay naniniwala na ang tao ay nanggaling sa unggoy.
 
Ang tao ang siyang makapangyarihan na nabubuhay sa ibabaw lupa. Tayo ang siyang gumagawa at nagmamaniobra ng mundo. Ang ating pag-uugali ay may kahalintulad sa mga hayop o at mayroon tayong mga kapareho sa kanilang panlabas na anyo. Ngunit lagging tandaan na ang hayop ay malayo ang pinagkaiba sa ating mga hayop pagdating sa kabuuang anyo.
 
Mga Pinagkaiba ng Tao sa Hayop:
1. Respeto- Oras na may namatay isa sa ating mga mahal sa buhay, nakakaramdam tayo ng sobrang pighati o dalalamhati. Ang samahan ng bawat tao ay napakatibay. Lahat ng tao na namamatay ay binibigyan natin ng magandang libingan at seremonya dahil ito ay simbolo ng respeto. Ngunit, alam niyo ba na may mga iilan sa mga hayop na nagpapakita din ng respeto sa kanilang kapwa ito na namatay? Ayon sap ag-aaral may mga hayop na oras may namatayan sila, naglalagay sila ng mga dahon sa katawan nito. Ngunit hindi nila kayang ilibing at bigyan ng magandang burol ang kasama.
 
2. Pag-iisip- Ang mga tao ay nagkakaroon ng instincts na tinatawag o dinidikta ng kanilang isipan, ngunit ang ganitong paraan ay kayang kaya kontrolin ng mga tao. Samatala ang mga hayop ay mas nagpapatalo sa dikta ng kanilang isipan at konti lamang ang kanilang ginagawa sa talagang dapat ay tama. Mas nanaig sa kanila ang talagang gusto ng kanilang utak. Ang mga hayop simula pinanganak sila ay mayroon ng naka-program sa kanilang utak kung ano ang mga dapat nilang gawin. Madalas alam na nila kung ang mga dapat kainin at kung paano kainin ang isang pagkain. Alam na din nila kung paano sila magparami, saan sila lilipat at marami pang iba na nakasulat na sa kanilang isipan. Halimbawa ang isang pagong na pagkapanganak pa lang ng bata ay alam na nila kung paano lumangoy.
 
3. Pagkatapos mamamatay o Afterlife- Maraming mga hayop na hindi alam ang tinatawag na afterlife o pagkabuhay. Nabubuhay sila sa kasalukuyan, nasa isip lamang nila ang ngayon. Wala sa isip nila kung ano ang mangyayari sa kanila pagkatapos mamamatay. Nasa utak lamang nila araw araw kung paano sila makakain, saan matulog, magparami, at paano mabuhay o maka-survive. Samantala ang tao ay mas maraming oras ang ginugugol sa pagisip para sa kanilang hinaharap, nakaraan, at sa kasalukuyan. Lagi natin iniisip kung paano pa lalong pagandahain ang ating buhay, kung paano tayo umasenso, kung paano natin mabigyan ng magandang buhay ang ating mga anak, at higit sa lahat kung ano ang mangyayari sa atin o kung saan tayo pupunta kapag tayo ay namatay na.
 
4. Tama at Mali- Lahat ng tao ay nakakaramdam ng konsensya sa mga mali na nagawa. Samantala ang mga hayop ay pumapatay ng kapwa hayop na hindi muna pinag-iisipan. Handa silang pumatay para sa kanilang pagkain at base sa kanilang kagustuhan o dahil sa gusto nila. Hindi iniisip ng mga hayop na ang pagpatay ay malaking kasalanan.
 
Kapag ang tao ay pumatay ng kapwa, mayroon tayong pananagutan sa batas. May karunungan ang tao na ang pagtokhang ng kapwa ay isang napakalaking kasalanan. Malaking pinagkaiba ng hayop sa atin dahil tayo alam natin ang ating ginagawa at kaya nating kontrolin ito. Samanatala ang hayop ay pumatay sa intension na may makain o depensahan ang sarili.
 
5. Pagkakaintindihan- Ang mga tao ay nakakabasa ng damdamin ng ibang tao, nakakapagsalita, nakakapagsulat, marunong magbasa ng mga salita, marunong ng tamang kilos, at iba pa. May ibang tao na nakakapagsalita ng mas higit sa isa na mga lenggwahe. Samatala ang mga hayop ay marunong din makipagusap sa kanilang kapwa, ngunit malayo sa ginagawa ng mga tao.
 
6. Utak- Pagdating sa talino, mas lamang ang tayo o human sa mga hayop. Ang mga tao ay may kakayahang mag-isip ng mabuti o ng ikakabuti, nakakahanap ng solusyon sa problema, gumagawa ng imbento, at marami pang iba. Ang mga hayop ay mas simple lamang mag-isip.
Halimbawa:
Ang Anteater walang ginagawa kundi maghanap ng langgam upang gawin pagkain sa buong maghapon.
 
Ang bear o oso ay walang ginagawa sa maghapon kundi lumusong sa tubig upang makakuha ng salmon upang gawin pagkain.
 
Hindi sila nag-iisip ng mas madaling gawin upang hindi sila mapagod sa kakahanap ng kanilang pantawid gutom sa araw araw. Hindi gumawa ang bear ng net para panghuli sa isda upang hindi na siya mapagod. Ngunit, mas nanatili sila sa kanilang nakaugalian na Gawain. Samantala ang mga tao ay gumagawa ng paraan kung paano mapabilis ang mga Gawain at patuloy na nag-iisip para sa ikakabuti ng lahat at mapadali ang trabaho.
 
7. Teknolohiya- Tayong mga nilalang na tao ay madali at mabilis natin napag-aralan ang teknolohiya, at nagagamit natin sa araw araw natin na pamumuhay. Nakakagawa tayo ng mga makina at computers upang mas lalong mapabilis ang trabaho. Walang hayop na kayang gawin ang ginagawa ng tao. Ang bagay na ginagamit lamang ng mga hayop ay ang mga bato at kahoy, ngunit nahihirapan pa silang gamitin ito ng tama.
 
8. Kapanganakan- Maraming mga hayop na marunong ng tumayo at maglakad pagkaluwal sa kanila ng kanilang mga ina. Samantala ang mga tao ay lilipas muna ang taon bago makapaglakad. Ang mga hayop ay may kakayahan ng humanap at pumatay para sa sariling pagkain. Ilanga raw at ilang linggo lamang ang kanilang pagdede sa ina, pagkatapos ay kaya na nilang humanap ng sariling makain. Samantala ang mga tao kapag sila ay sanggol pa lamang, taon ang inilalagi sa piling ng ina para makakain.
 
Ito ay iilan sa mga halimbawa ng pagkakaiba ng hayop sa tao. Mas marami pa silang pagkakaiba gaya sa pisikal na katawan ang ating mga buto, pakikipagkapwa, at maging sa katalinuhan o pag-iisip.
 
Laging tandaan, iisa lang ang mas klaro na malaki ang pinagkaibhan natin sa hayop. Tayo ay nilikha ng Diyos batay sa kanyang imahe. Noong nilikha niya si Adan, may binigay siya dito na wala sa iba niyang nilikha. Unang una, nilikha niya ito ayon sa kanyang imahe. Pangalawa, pag-uugali at katalinuhan. At higit sa lahat binigyan ng Diyos si Adan ng abilidad para mag-isip, lumikha, pagkakaroon ng rason, at higit sa lahat esperitwal upang komonekta sa kanya.
 
Ang ating mga utak ay naka-program na tayo ay magkaibang makaiba sa hayop. Kahit na nag unggoy ay hinahalintulad sa ating mga tao, wala pa din tatalo sa katalinuhan ng tao. Ngunit alam niyo ba na nag dolpin ay mas matalino kaysa sa tao? Ang ating utak ay nasa 100%, ngunit gumagana lamang dito ay 10%. Samantala an dolpin, buong utak niya ay gumagana o 100%. Ganun katalino ang mga dolpin kaya kung ating pagmasdan, mabilis sila matuto at kaya nilang magligtas ng kanilang kapwa maging sa mga tao na nalulunod sa karagatan.
 
Ngunit masasabing mas makapangyarihan pa din tayo sa mga dolpins dahil tayo may mga kamay na siyang napakahalaga sa paggawa at imbento ng maraming mga bagay. Kaya huwag natin sayangin ang regalo sa atin ng Diyos, Matuto tayong maging kontento at iwasan ang magkaroon ng inggit.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.