Ano ang Pinagkaiba ng Trabaho sa Hanapbuhay? Manggagawa Trabahador Trabahante Sahod Sweldo

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang trabaho ay ang tinatawag na hanapbuhay kung saan dito ka kumukuha at kumikita ng pinansyal para sa pangangailangan. Ito ay ginagawa ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi na tinatawag nilang sahod o sweldo kada buwan. Mayroon pinagsisilbihan o may amok ang sinusunod. Kalimitan tumutukoy sa karir o posisyon na hawak ng isang employer.
 
Mga halimbawa ng trabaho:
- guro
- doktor
- karpintero
- panadero
- magsasaka, at iba pa
 
Ang hanapbuhay o hanap-buhay ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang magkapera. Ito ay mismo itinayo mo at tagapamahala. Madalas tumutukoy sa kabuuang pinagkukunan ng kita o yaman. Madalas nitong tukuyin ang negosyo ng isang tao. Ito ay pwede din tawagin na trabaho.
 
Halimbawa ng hanapbuhay ay:
- negosyante
- pangingisda
- pangangaso at iba pa

Trabaho:
1. Naninilbihan sa isang tao o gumagawa para sa iba.
 
2. Gawain para magkapera o pinagkakakitaan.
 
3. Pare-pareho ang natatanggap na sahod kada buwan.
 
 4. Kailangan mong sundin dahil sa utos ng amo o boss.
 
5. Pinanggagalingan ng sahod na tinatanggap at pinagkakaabalahan.
 
6. Paggawa ng bagay o isang proyektong nararapat gawin sa takdang oras.
 
7. Pumapasok araw-araw para mabuhay.
 
8. May mga alituntunin na sinusunod gaya ng pagkaroon ng day-off. Hindi pwedeng magpahinga kung kelan mo gusto.
 
9. Kailangan magpaalam bago umabsent o mag-leave.
 
10. Mayroon nagagalit oras na nahuli sa pinapasukan.
 
Hanapbuhay:
1. Ang hanapbuhay ay isang paggawa na batay sa ikinabubuhay ng isang tao.
 
2. Isang bagay na ikaw mismo ang nagtayo. Sa madaling salita ikaw mismo ang nangangalaga at nagtatrabaho para sa iyong sarili.
 
4. Hawak mo ang iyong oras.
 
5. Kailangan malawak ang pag-iisip upang mapaunlad ang negosyo.
 
6. Walang amo o batas na sinusunod.
 
7. Pinagkukuhaan ng panggastos sa araw araw.
 
8. Makakapagpahinga kung kelan mo gusto.
 
9. Maaaring malaki o maliit ang makukuhang kita kada buwan.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.