Ano ang Pinakamabisang Home Remedies sa Balakubak o Dandruff? 10 Gamot o Lunas sa Balakubak

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines


Ang balakubak ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring maranasan ng sinuman. Ito ay dulot ng pagkakaroon ng tuyong anit. Maaaring dala ito ng pagkakaroon ng ilang sakit sa balat tulad ng eksema, psoriasis at iba pa.
Ang pagkakaroon ng balakubak ay hindi nakakaapekto sa ating kalusugan ngunit magdudulot ng iritasyon at pagkamainitin ng ulo. 
 
10 Gamot o Lunas para sa Balakubak na Maaring Makita sa Loob lamang ng Bahay ngunit epektibo.

1. Kalamansi
Kumuha ng kalamansi at pigain, ilagay ang katas sa malinis na lagayan. Imasahe ito sa buhok at sa anit lalo na sa parte na may balakobak. Pagkalipas ng isang minuto banlawan ang ulo. Maglagay ng isang kutsarang katas na kalamansi sa isang baso na may lamang tubig at ibuhos sa ulo. Ulitin ito araw araw hanggang sa mawala ang dandruff. Ang kalamansi ay epektibo laban sa fungi. Ang Vitamin C nito ay may taglay na nutrisyon sa balat na maaaring magpalusog sa anit.
 

2. Aloe Vera
Ang Aloe Vera ay tanyag na halaman na may magandang dulot para sa pagpapaganda ng buhok at balat. Kumuha ng dahon ng aloe vera, kunin ang parang jelly sa loob nito at ipahid sa anit at hayaang matuyo. Pagkatapos, banlawan ito at gumamit ng shampoo. Ang malamig na nararamdaman ay tumutulong upang maibsan ang pangangakating nararamdaman. Nakakatulong din ang aloe vera sa pagpapakapal ng buhok.
 

3. Baking Soda
Ang baking soda ay isa din sa mabisang gamot sa dandruff na maaaring mabili sa supermarket. Ikuskos ang baking soda sa basang buhok at anit. Banlawan agad at huwag gumamit ng shampoo. Ang baking soda ay pumapatay sa fungus na isang dahilan ng pagkakaroon ng balakubak. Sa simula ay magiging tuyo ang buhok ngunit sa kalaunan ay magiging malambot na ang buhok at mawawala na din ang balakubak.


4. Apple cider vinegar
Ang apple cider vinegar ay isa sa pinakamabisang gamot sa balakubak, ito ay isang acidic at epektibong panlaban sa fungi na maaaring tumutubo sa balat ng anit at nagdudulot ng balakubak. Maglagay ng apple cider vinegar sa parte na may balakubak, ibabad ng ilang minute at pagkatapos ay banlawan. Kung gusto mong hindi aksayado sa suka, pwede din ang kalahating baso ng apple cider at ihalo sa kalahating basong tubig. Haluing Mabuti at Ilagay ito sa anit na may balakubak. Ibabad sa loob ng isang oras at banlawan ang buhok. Gawin ito ng 2-3 beses sa isang lingo.
Ang apple cider vinegar ay isang uri ng suka ngunit maaaring panlaban sa sakit gaya ng highblood, sakit sa bato, at nakakatulong din ito sa pagpapayat.


5. Aspirin
Ang gamot na aspirin ay hindi lamang sa lagnat o pananakit ng katawan, ito ay gamot din sa balakubak. Ang aspirin ay may sangkap na salicylic acid na kagaya din sa mga shampoo laban sa balakubak. Magdikdik ng tabletang aspirin hanggang sa ito ay maging powder o pulbo, ilagay sa malinis na lagayan at lagyan ng shampoo. Ilagay sa buhok at ibabad ng 5 minuto, pagkatapos ay banlawan. Maari kang mag-shampoo ulit na wala ng aspirin.


6.  Bawang at Honey
Ang bawang ay natural na antibiotic na mabisa laban sa mga mikrobyo at fungi na naging sanhi ng pagdami ng balakubak. Ang sangkap nito ay pumapatay ng mga mikrobyo at fungi. Nakakatulong din ito upang maging malusog ang anit. Durugin ang bawang at haluan ng honey upang maiwasan ang masangsang na amoy at ikuskos sa apektadong parte ng anit. Ibabad ng 10-15 minuto at banlawan.
 


7. Langis ng niyog
Bukod sa pagiging natural na moisturizer, ang langis ng niyog ay mabisang gamot laban sa balakubak. Bukod sa panlaban sa balakubak ang langis ng niyog ay nakakatulong din pampadulas at pampakintab ng buhok. Maglagay ng langis ng niyog sa malinis na lagayanan at ipunas ito sa anit, hayaan ito sa loob ng isang oras. Pagkatapos mababad, banlawan mabuti ang buhok.


8. Asin
Ang asin ay nakakatulong din sa pagtanggal ng balakubak lalo na kapag matindi ang kapit sa anit. Maglagay ng asin sa buhok at sa anit, masahiin Mabuti ang anit, pagakatapos ay maligo.


9. Mouthwash
Alam ng nakakarami na ang mouthwash ay panlaban para sa mabahong hininga ngunit nakakatanggal din pala ito ng balakubak. Ihalo ang mouthwash sa tubig at banlawan ang buhok na may shampoo at gumamit ng conditioner. Ang mouthwash ay may sangkap na pumapatay sa fungus na siyang humahadlang sa pagdami ng yeast kaya nagkakaroon ng balakubak ang isang tao.


10. Gugo
Ang gugo ay isang mataas na puno ngunit kasingpayat ng braso ang katawan. Ang bunga nito ay hawig ng sampalok na maraming buto. Ito ay isang natural na shampoo na ginagamit noong unang panahon. Ang balat ng kahoy na bumubula ay mabisa na panggamit kontra sa balakubak.Gamitin ito bilang shampoo hanggang sa mawala ang balakubak.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.