ANO ANO ANG MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG? MGA HALIMBAWA AT KAHULUGAN

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ano ang Anyong Lupa?
Ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya.

Mga Anyong Lupa
1. Kapatagan
Ang kapatagan ay isang malawak at patag na anyong lupa. Naayon ito sa pagsasaka at pangangalakal. Sikat ang kapatagan sa Gitnang Luzon dahil dito makikita ang mga malalawak na taniman ng palay. Tinatawag din itong “Kamalig ng Palay ng Pilipinas.” Makikita dito ang maawak na taniman ng mga palay. Mayroon din mga pananim gaya ng niyog, pinya, tabako, gulay, tubo, at iba pa.
May malalawak na kapatagan din sa Panay at Negros Occidental sa Visayas, at sa Agusan, Cotabato, Davao, Zamboanga del Sur sa Mindanao.
 
2. Pulo
Ang Pulo ay isang uri ng anyong lupa na napapalibutan ng tubig. Ang maliit na pulo ay tinatawag na “Isla”. Samantala “Kapuluan” naman ang mga pangkat na pulo na maliliit at malalaking pulo. Isa sa sikat at dinadayo ng mga turista na pulo ay ang Boracay Island.

 
3. Tangway
Ang tangway ay isang makitid at pahabang anyong lupang nakausli mula sa mas malaking masa ng lupa. Kadalasang napapaligiran ito ng tubig. Ang Bataan, Bikol, at ilang bahagi ng Zamboanga ay halimbawa ng mga pook na kabilang sa tangway.
 
4. Bundok
Ito ay matayog na anyong lupa. Ang pinakamataas na bahagi sa dulo ng bundok ay tinatawag na taluktok.
Mga kilalang bundok sa Pilipinas
a. Bundok ng Halcon- Oriental Mindoro
b. Bundok Kitanglad- Bukidnon
c. Bundok Kanlaon- nasa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental
d. Bundok Arayat- Pampanga.
e. Bundok Apo- Davao, Mindanao
Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Bundok ng Apo sa Davao, Mindanao. Mayroon itong taas na 9,692 talampakan.
 
5. Bulubundukin
Bulubundukin ang tawag sa mga dugtung-dugtong at magkakasunod na bundok. Ito ay kabit-kabit, at kawing-kawing ang serye ng mga bundok na bumubuo rito.
Ang Sierra Madre ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Ang Cordillera at Caraballo ay mga bulubundukin din. Dito nanggagaling ang mga troso, halaman, at mineral na ginto, tanso, at marmol. Ang mga bulubundukin ang nagsisilbing pangharang sa mga bagyong dumaraan sa ating bansa.

 
6. Burol
Ang burol ay anyong lupa na mas mababa kaysa sa bundok. Ang kadalasang taas nito ay hindi lumalampas sa 300 metro. Tumutubo dito ay mga damo at halamang-gubat lamang. Ginagawang pastulan ng mga hayop gaya ng kalabaw, baka, kambing at kabayo.
Ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Bohol ang pinakamaganda at pinakakilalang burol sa ating bansa.
 
7. Lambak
Isang uri ng anyong lupa na patag na nasa pagitan ng mga bundok. Ito ay isa sa magandang taniman ng mga magsasaka dahil sa taglay ng matabang lupa at malamig na klima. Mabilis mabuhay dito ang mga palay, mais, tabako, at iba pang mga produktong sinasaka.
Matatagpuan sa Cagayan ang pinakamalaking lambak sa ating bansa. Tanyag rin ang Lambak ng La Trinidad sa Benguet bilang Salad Bowl of the Philippines dahil sa malawak na taniman ng gulay rito. Malaki rin ang pakinabang sa mga lambak ng Marikina at Koronadal.
 
8. Bulkan
Ito ay kahalintulad ng bundok na bukas ang pinakatuktok. Lumalabas dito ang kumukulong putik, mainit na bato, makakapal na usok, at abo. Pinakatanyag na bulkan sa Pilipinas ay Bulkang Mayon sa Albay. Kilala rin ang Bulkan ng Hibok-Hibok sa Camiguin at Bulkang |Bulusan sa Sorsogon.
 
9. Talampas
Isang anyong lupa na malawak at patag na makikita sa itaas ng bundok. A ng malamig na klima dito ay angkop na taniman ng mga bungangkahoy at mga halamang namumulaklak.
Mga Halimbawa ng Talampas:
a. Baguio
b. Tagaytay
c. Bukidnon
d. Lanao
e. Tablas- Negros Occidental
 
10. Tangos
Isang uri ng anyong lupa na makikita sa mataas na baybaying dagat. Ang hugis nito ay patulis. Ang tangos ay maaaring daungan o himpilan ng mga sasakyang pandagat lalo na kung may bagyo. Isa sa halimbawa ng tangos ay ang Bolinao na malapit sa Golpo ng Lingayen, Pangasinan.
 
Ano ang Anyong Tubig?
Ang anyong tubig ay isang uri ng kahit na anong naiipon na tubig sa mundo. Kadalasan ito ay nakatakip sa daigdig.

Mga Anyong Tubig
1. Karagatan
Pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig. Matatagpuan ditto ang mga maraming klase ng mga isda, halamang-dagat, korales, at iba pang yamang dagat. Nagsisilbing daanan ito ng malaking barko na ginagamit sa mga kalakalan at komersyo. Ang karagatang Pasipiko na matatagpuan sa silangang bahagi ng Pilipinas ang siyang pinakamalaking karagatan sa buong mundo.
 
2. Dagat
Isang anyong tubig na mas maliit kaysa sa karagatan. Nag-uugnay ito sa mga pulo at lalawigan. Dinadaanan din ito ng mga barkong gamit sa pakikipagkalakalan. Dito kinukuha ang asin na ginagamit ng mga tao, dahil maalat ang tubig nito. Ang Dagat Timog Tsina, Dagat Mindanao at Ang Dagat Celebes ay isa sa mga halimbawa ng dagat.
Ang Philippine Deep ang pinakamalalim na bahagi ng dagat sa bansa at pangalawa naman sa pinakamalalim na bahagi ng daigdig.
 
3. Look
Ito ay malawak na bahagi ng dagat na hanggang dalampasigan lang ang sakop. Kadalasan, dinadaungan ito ng mga barko at ng mga maliliit na sasakyang-dagat.
Mga Look sa Pilipinas:
a. Look ng Maynila- Ang pinakamalaking look sa Pilipinas
b. Look ng Subic sa Zambales
c. Look ng Iligan sa Lanao
d. Look Carigara sa Leyte


4. Golpo o Gulf
Ito ay bahagi ng karagatan na mas malawak sa loob at nasa bukana ng dagat. Ito ay umaabot sa lupa. Matatagpuan ito sa paligid ng Tangway.
Ilan sa mga Golpo sa Pilipinas ay:
a. Golpo Lingayen sa Pangasinan
b. Golpo ng Leyte
c. Golpo ng Lagonoy sa Bicol
d. Golpo ng Davao
e. Golpo ng Moro- Mindanao.
Ang Golpo ng Moro ang siyang pinakamalaki sa Pilipinas.


5. Lawa
Ang lawa ay napapalibutan at nakakulong sa lupa. Ang tubig nito ay dumadaloy at umaangos. Nakapirmi lamang ito sa kanyang kinalalagyan.
Mayroong 52 lawa sa Pilipinas.
a. Lawa ng Laguna- Pinakamalaki
b. Lawa ng Lanao (nasa gitna ng Lanao del Sur)- Pangalawa
c. Lawa ng Buhi sa Camarines Sur- Nakukuha ang sinarapan na isa sa pinakmaliit na isda sa buong mundo
d. Lawa ng Taal- Batangas (Dito din makikita ang Bulkang Taal)
 
6. Kipot
Isang klase ng anyong tubig na makipot, makitid at nagdurugtong sa dalawang malalaking anyong tubig.
Mga Halimbawa ng mga Kipot sa Pilipinas:
a. Kipot ng San Juanico- Kilalang kipot, dahil ito ang nagdurugtong sa Dagat ng Samar at Golpo ng Leyte.
b. Kipot ng Basilan- Nagdurugtong sa Basilan at Zamboanga
c. Kipot ng Surigao- ag-uugnay naman sa Dagat Pilipinas at Dagat Mindanao
 
7. Bukal
Ang bukal na nanggagaling sa ilalim ng lupa at bumubukal sa ibabaw. Paboritong dayuhin ito ng mga taong may karamdaman sa katawan o pananakit ng katawan dahil sa maligamgam ang tubig. Ang tubig nito ay may natural na sangkap ng mineral na mas mabuting inumin kaysa sa tubig na iniinom galing sa gripo. Ang mainit na bukal ay may sangkap din na mineral na mainam sa balat at kalusugan ng mga tao.
Isa sa mga Bukal sa Pilipinas:
a. Bayan ng Los Baños
b. Alaminos
c. Pakil- Lalawigan ng Laguna
d. Mambucal- Bacolod
 
8. Talon o Falls
Ang tubig ng talon ay nagmumula sa mataas na lugar at bumubulusok pababa sa ilog o sapa. Hindi lamang paliguan ang kapakinabangan ng talon dahil maaari rin itong pagkunan ng lakas-elektrisidad.
a. Talon ng Maria Cristina- Ang pinakamataas at pinakamalaking talon sa bansa na napagkukunan ng elektrisidad
b. Talon ng Pagsanjan sa Laguna- Kilalang pasyalan at isa sa mga magagandang tanawin sa bansa.
 
9. Ilog
Ito ay anyong tubig na tuluy tuloy na umaagos patungong dagat, lawa o sa kapwa ilog. Karaniwang mahaba at paliko-liko ang daloy ng tubig nito.
Malaki ang naging silbi ng ilog sa mga magsasaka dahil magagamit ang tubig nito sa irigasyon ng palayan at tubuhan.
 
Nakakahuli din ng mga isda, hipon, talangka, alimango, at iba pang makakain. Sa pamamagitan ng ilog ay naiayos ang dam katulad ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija at Angat Dam sa Bulacan.
May 132 ilog sa buong bansa. Ilan sa mga ilog ng bansa ay:
a. Ilog Agusan- Mindanao
b. Ilog Mambusao- Visayas
c. Ilog Quinale- Bicol
d. Ilog Pasig- Pinakatanyag na ilog dahil naging saksi ito sa iba’t ibang makasaysayang pangyayari sa bansa.
 
ANO ANG PUERTO PRINCESA UNDER GROUND RIVER?
Ang Puerto Princesa Underfround River ay ang itinuturing na pinakamahabang underground river sa buong mundo. Ito ay may habang 8.2 kilometro na dumadaloy direkta sa dagat. Noong Nobyembre 11,2011, naideklara ito bilang isa sa New 7 Wonders of Nature.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.