ANO DAHILAN NG PAGSUSUKA NG DUGO O NAGDUDUWAL SA BATA? BAKIT SUMUSUKA NG DUGO ANG BABY SANGGOL?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano mga Posibleng Dahilan o Sanhi ng Pagsusuka o Pagduduwal?
Ang pagduduwal o pagsusuka ay isang natural na paraan ng ating katawan para ilabas sa pamamagitan ng ating bibig ang mga di kanais nais na laman ng tiyan. Maaaring ito ay isang minsanang pangyayari na dahil sa pagkain na hindi natunaw sa tiyan o paulit ulit na pagsusuka dahil isang kondisyong medical.
 
Mga Dahilan ng Pagsusuka:
·       Pagkalason sa pagkain
·       Hindi natunawan
·       Impeksyon
·       Motion Sickness o Pagkahilo sa tuwing nagbihiyahe
·       Pagbubuntis
·       Sakit ng Ulo
·       Gamot na Iniinom
·       Anesthesia o Pampamanhid
·       Chemotherapy
·       Crohn’sa Disease
 
Ang paulit-ulit na pagsusuka na walang kinalaman sa mga nabanggit ay maari din na sintomas o senyales ng isang sakit na tinatawag na “Cyclic Vomiting Syndrome”. Ito ay ang pagsusuka na umaabot ng hanggang sampung araw. May kasama din ito na pagkahilo at sobrang panghihina. Dumadapo ito sa mga bata na may edad na limang taon. Subalit ito ay makikita lamang sa tatlo sa bawat isang daan na libong bata. Ang kondisyon na ito ay maaring magdulot ng pabalik balik na pagsusuka sa bata kung hindi maagapang gamutin. Pwede rin itong umabot sa mga seryosong komplikasyon tulad ng:
·       Dehyrdration o pagkaubos ng tubig sa katawan
·       Pagkabulok ng ngipin
·       Esophagitis
·       Sugat sa lalamunan
 
Pagsusuka na Nangangailangan ng Agarang Medikal na Atensyon
Ang pagsusuka ay isang normal na pangyayari subalit ang mga sumusunod na simtomas ay nangangailangan ng agarang pagpunta sa pinakamalapit na ospital:
·       Pagsusuka ng higit sa isang beses sa loob ng isang araw.
·       Pagkalason sa pagkain
·       Pagsakit ng ulo na may kasamang paninigas ng leeg.
·       Matinding pagsakit ng tiyan.
 
Ang dugo sa suka ay isa ring dahilan ng agarang atensyong medical. Ang pagsuka ng dugo ay tinatawag na “hematemesis”. Ito ay ang kondisyon kung saan ang pasyente ay:
·       Sumuka ng maraming mapulang dugo.
·       Dumura ng maitim na dugo
·       Dura na ang itsura ay giniling na kape.

Ang pagsuka ng dugo ay madalas na sanhi ng ulcer, pagputok ng ugat sa katawan o pagdudugo sa bituka. Maari din dahil ito sa isang klase ng kanser. Ang kondisyong ito ay kadalasan may kasamang pagkahilo. Ang taong sumuka ng dugo ay kinakailangan na agarang dalhin sa pinakamalapit na ospital.
 
Komplikasyon ng Pagsusuka
Ang dehydration o pagkaubos ng tubig sa katawan ay isa sa pinakamadalas na komplikasyon ng pagsusuka. Nilalabas sa pamamagitan ng pagsusuka hindi lamang ang mga pagkain na laman ng tiyan kundi ang mga likido din na laman nito. Ang dehydration ay maaring magdulot ng:
·       Panunuyo ng bibig
·       Pagkahapo
·       Matingkad na kulay ng ihi
·       Minsanan pag-ihi
·       Pananakit ng ulo
·       Pagkalito

Ang mga komplikasyong nabanggit ay mas dapat na bigyang pansin sa mga sanggol at bata dahil mas maliit ang kanilang pangangatawan at kaunti ang tubig ng kanila katawan. Kinakailangang patingnan agad sa doctor ang batang kakakitaan ng ganitong simtomas. Ang malnutrisyon o kakulangan sa nutrisyon o sustansya sa kinakain ay isa ring komplikasyon ng pagsusuka. Sa kadahilanan na inilalabas ng katawan ang anumang kinakain ng pasyente, nawawala din pati bitamina at sustansya na kailangan nito. Ang sinumang nakakaranas ng labis ng panghihina dala ng pagsusuka ay dapat magpatingin agad sa doktor.

Ano mabisang gamot o tamang paglunas / panlunas sa Pagsusuka?
Hindi kinakailangan uminom ng gamot kung ito ay paminsan lang. Ang pag-inom ng sapat na tubig ay lubhang kailangan ng katawan. Kelangan din bigyan ng tubig na may electrolytes ang pasyente upang agad maibalik ang sapat na nutrisyon ng katawan. Ang mga pagkain na mahirap tunawin ng tiyan ay dapat din munang iwasan dahil maari nitong palalain ang pagsusuka. Iwasan din ang mga mamantikang pagkain. Dalasan na lamang ang pag-inom ng paunti-unti ng tubig hanggang mabawasan o tuluyan mawala ang pagsusuka. Ang mga alternatibong gamot tulad ng luya o tanglad ay maaring makatulong subalit siguraduhin na kumunsulta pa rin sa mga eksperto pagdating dito.

Ano lunas sa Pagsusuka sa Batang baby o Sanggol?
Ang gastroenteritis ay kadalasang sanhi ng pagsusuka sa mga bata. Ito ay kadalasang hindi nagtatagal at hindi rin naman delikado. Subalit ang mga bata lalo na ang mga sanggol na hindi kayang uminom ng sapat na tubig at sinabayan pa ng pagtatae ay maaring maubusan ng tubig sa katawan na pwedeng magdulot ng ibang komplikasyon. Importante na alagaan mabuti ang mga bata na may sakit nito para sa agarang paggaling nito.

Ano gamot o tamang Paglunas sa Sanggol na Wala pang Isang Taon?
Huwag basta bibigyang ng tubig ang sanggol maliban na lang kung ito ay sinabi ng doktor at siguraduhing tama ang dami. Ang simpleng tubig ay maaring magdala ng peligro sa sanggol. Ang sanggol na wala pang dalawang buwan na nagsusuka sa kada pag-inom ng gatas ay kinakailangan na agad dalhin sa doktor. Sa mga sanggol na ekslusibong pinapasuso ng ina o purong gatas ng ina ay maaring bawasan ang oras ng pagpapasuso dito hanggang tuluyan ng masanay ang kanyang tiyan sa dami ng gatas na iniinom nito. Samantalang, ang sanggol na umiinom ng gatas sa lata ay maaring bigyan ng oral electrolyte solution na dalawang kutsarita. Siguraduhin na kumunsulta muna sa doctor para tama ang gamot na maibibigay sa sanggol.

Mga Paalala sa Upang Agad Maibalik ang Nawalang Tubig sa katawan ng Bata
·       Iwasan ang pagpapainom ng gatas o anuman inumin na may gatas. Ang pag-inom ng oral electrolyte solution ng pakonti konti ay kelangan.
·       Iwasan din ang pagpainom ng softdrinks o kahit na anong pinrosesong inumin dahil maari nitong palalain ang kanyang pagsuska.
·       Huwag pilitin na kumain ang batang maysakit. Maari silang bigyan ng sopas, dinurog na patatas o mga biskwit kung sila ay magugutom.

Importanteng huwag balewalain ang sakit na pagsusuka. Maging maagap sa mga simtomas nito lalo na sa mga bata at sanggol. Kelangan din na panatilihin ang malinis na pangagatawan at paligid upang maiwasan ito.
 

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)