ANO DAHILAN NG PAMAMANAS NG PAA KAMAY MUKHA? BAKIT NAMAMANAS PAA KO?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano mga Posibleng Sanhi ng Pamamaga ng Paa at Kamay
Ang pamamaga ay maaaring sanhi ng labis na likido na siyang nangongolekta sa mga tisyu ng katawan na karaniwang nangyayari sa kamay, paa, braso, binti, bukung-bukong at kasukasuan. Maaaring nagiging sanhi ng pamamaga ng paa’t kamay ang mga kondisyong medikal, gamot, kilos at mga gawain ng isang tao. Ito ay maaaring magdulot ng komplikasyon na nagpapahina ng sirkulasyon ng dugo, pagkasira ng balat at impeksyon. Narito ang mga posibleng sanhi ng pamamaga o pamamanas ng mga paa at kamay.
 
Edema o Pamamanas
Ang karaniwang kondisyon na kung saan ang labis na likido ay nabuo sa tisyu ng iyong katawan. na nagdudulot ng pamamaga at pagkabalisa ng tisyu sa ilalim ng iyong balat sa iyong mga paa, kamay, bukung-bukong, binti, at braso.
 
Pagbubuntis
Sa panahon ng pagbubuntis, ito ay karaniwang nangyayari dahil pinapanatili ng iyong katawan ang labis na tubig at bumubuo ng maraming dugo at likido sa katawan. Mas madali kapitan ng pamamaga sa paa sa gabi lalung-lalo na pagkatapos ng buong araw na paggamit ng iyong mga paa.
 
Panahon ng Taginit
Sa panahon ng taginit, lumalaki ang ating mga ugat sa paa at kamay na nagdudulot ng pamamaga nito. Ang paglaki ng mga ugat ay bahagi ng natural na proseso ng paglamig ng ating katawan upang patuloy na dumaloy ang mga likido sa mga kalapit na tisyu.
 
Pinsala o Injury sa Paa at Kamay
Kapag nasaktan ang iyong mga kamay at paa, ito ay nagdudulot ng pamamaga bilang resulta ng pagdaloy ng dugo sa apektadong lugar. Nagkakaroon ng pamamaga dahil sa mga pinsalang dulot ng pagkasira ng mga buto, pagkatapilok at pagkapilay. Kapag hindi ito maigalaw o nakakaranas ng pamamanhid, kumunsulta agad sa doktor.

Sakit sa Bato at Atay
Ang pagkakaroon ng sakit sa bato at atay ay nagdudulot ng pamamaga sa paa kapag hindi na gumagana ng wasto ang mga ito. Ito ang mga dahilan upang manatili ang tubig sa apektadong lugar na maaaring humantong sa pamamaga ng iyong paa at bukung-bukong.
 
Blood Clot o Namuong Dugo
Ito ay ang pagkakaron ng matigas na kumpol ng dugo na namumuo sa ating mga ugat. Nagiging sagabal ito sa pagdaloy ng dugo sa mga ugat sa paa na nagdudulot ng pamamaga na kadalasang nangyayari sa isang bahagi ng katawan.
 
Mga Impeksyon
Ang namamagang paa ay sanhi ng impekyon dahil sa pagkakaroon ng paltos, paso at kagat ng insekto. Maaari ding makaramdam ng sakit, pamumula at pangangati na nagagamot sa pamamagitan ng mga antibiotics na pagpapagaling ng mga impkesyon.
 
Mga Epekto sa Medikasyon
Maaaring maging sanhi ng pamamaga sa mga paa at kamay ang epekto ng mga ilang gamot na ating iniinom. Kung ang iyong gamot ay nagdudulot ng pamamaga, kumunsulta agad sa doktor upang malaman kung may iba pang mga pagpipilian sa mga tuntunin ng mga paggamot o mga dosis.
 
Heart Failure o Pagpalya ng Puso
Nangyayari ito kapag hindi na tama ang pagbomba ng dugo ang iyong puso. Maaari itong magdulot ng pamamaga sa paa dahil ang dugo ay hindi na makadaloy ng maayos patungo sa puso. Ang sakit na ito ay nangangailangan ng habambuhay na gamutan. Kasama sa mga pagpipilian sa paggamot ay ang surgery at mga makabagong medical devices.
 
Arthritis
Ito ang tawag sa ibat-ibang kondisyon ng rayuma na may kinalaman sa kasukasuan at nakapaligid na bahagi ng katawan. Ito ay sanhi ng mataas na uric acid sa iyong katawan. Kapag umaatake ang arthritis, nagiging sanhi ito ng pananakit at pamamaga ng ibat ibang parte ng katawan kabilang na diyan ang paa. Hindi ito nagagamot, ngunit mayroong mga puwedeng inumin na makapagtatanggal ng pananakit at pamamaga.
 
May mga simpleng sanhi ng nagkaka manas o pamamaga ng mga kamay at paa na pwedeng gumaling kahit hindi idaan sa gamutan. Ngunit kadalasan, ang ibang mga sanhi nito ay maaaring magdulot ng isang malubhang sakit. Komunsulta agad sa doktor kapag mayroong napansing hindi maipaliwanag na pamamaga. Ugaliing mag-ehersisyo, kumain ng tama, at maging maingat sa pag-aalaga sa sarili upang maiwasan ang mga ito.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)