ANO MABISANG GAMOT SA BUNI? PAANO MATANGGAL ANG PEKLAT NG BUNI? BAKIT NAGKAKA BUNI AT NAKAKAHAWA?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano mga Paraan Upang Gamutin Ang Buni sa Balat?
Isang pangkaraniwan at nakakahawang impeksyon sa balat ang Buni, na karaniwang sanhi ng fungus Trichophyton rubrum.

Bakit nakakahawa ang Buni?
Maaaring makahawa ang fungus sa ilang bahagi ng balat mula sa anit hanggang sa paa at lahat ng nasa pagitan ng katawan dahil nabubuhay ito sa maiinit na parte ng katawan. Nakakahawa ang Buni, dahil kapag dumikit ang balat mo sa isang tao na may buni, maaari kang mahawaan. Ganun din kapag nakahawak o nagsuot ka ng damit o gamit ng taong may buni.
 
Ano sintomas o senyales ng Buni?
Nagreresulta ito ng pamumula, pangangati, nagkakaroon ng makinis na mga tagpi sa balat na nakakadiring tingnan. Ito ay maaaring mahirap alisin.
 
Ano pinakamabisang gamot o lunas sa Buni?
Ngunit, bago gumamit ng mga kemikal na gamot, may mga ilang epektibo at natural na mga remedyo sa bahay na pwedeng subukan. Narito ang mga halimbawa:

1.     Bawang
Ang bawang ay tinaguriang “wonder food” dahil kilala ito bilang isang likas na lunas para sa maraming sakit. Ito ang pinakauna sa listahan ng gamot sa buni. Ito ay may katangian ng antibacterial at anti-fungal laban sa mga impeksyon sa balat. Sa katunayan, natuklasan sa isang pag-aaral na mas mabisa pa itong panggamot ng buni kaysa sa gamot na mabibili sa botika.

2. Apple Cider Vinegar
Tulad ng bawang, kilala din ito na may maraming benepisyo sa kalusugan. Ito ay kilala na epektibong gamot sa mga sakit sa balat kabilang na ang buni dahil sa mga anti-fungal properties nito.

3. Tea Tree Oil
Karaniwang sangkap ang langis nito sa paggawa ng mga kosmetiks  na pampaganda kagaya ng shampoo at mga langis sa buhok. Nakakagamot din ito ng sugat, paso, at iba pang mga impeksyon sa balat kabilang na dito ang buni.

4. Turmeric
Ito ay may likas na katangian ng antibyotiko. Pinapahid ang sariwang katas nito sa buni hanggang sa gumaling ito.

5. Suka at Asin
Ayon sa mga gumagamit nito, gumagaling ang buni sa loob lamang ng pitong araw o higit pa. Bumubuo sila ng isang paste ng suka at asin at inilalapat ng direkta sa buni at hinahayaan itong matuyo sa balat ng limang minuto.

6. Aloe Vera
Isang natural na lunas para sa buni at sa iba pang mga problema sa balat ang katas ng aloe vera.

7. Colloidal Silver
Isa itong natural na antibyotiko na sinisira ang daan-daang mga mikrobyo at maaaring gamitin sa paggamot ng buni. Karaniwang ini-espray kapag ito ay isang likido at ipinapahid naman kapag ito ay isang gel. Ginagamit ito dalawang beses sa isang araw hanggang sa lubusang gumaling ang buni.

8. Lavender Oil
Ang langis ng lavender ay isa pang gamot na may malakas na anti-fungal effect. Pinipigilan ng langis nito ang mga fungi mula sa pagbuo at pinapatay ang mga impeksyon ng fungal sanhi ng pagkakaroon ng buni.

9. Lemongrass Tea
Uminom ng isang baso ng lemongrass tea o tanglad na tsaa ng tatlong beses kada araw. Maaari mo ring ipahid ang tea bags nito direkta sa apektadong bahagi ng iyong balat na may buni habang uniinom ng masarap na tsaa.

10. Myrrh o Mira
Mahusay na gamot sa antifungal ang mira na isang uri ng halaman. Pinaghahalu-halo ang sangkap ng katas ng halaman ng mira na may kaunting tubig na syang ipinapahid sa buni ng tatlong beses kada araw hanggang sa gumaling ito.

11. Olive Leaf
Tumutulong ito sa pagpapalakas ng immune system ng katawan. Ang dahon ng halaman nito ay ginagawang gamot sa buni.
 
Narito ang mga simpleng hakbang kapag ang buni ay nagiging malubha na at ang impeksyon ay kumalat na sa katawan:
·       Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng isang gamot na mabibili sa over-the-counter (OTC) sa lokal na botika. May mga gamot din na talagang nangangailangan ng reseta.
·       Ang buni ay sanhi ng isang fungus kaya kailangan ng gamot na pang-antifungal , maging ito ay inilalapat sa balat o mga tabletang iniinom.
·       Kinakailangan ang medikasyon ng ilang linggo at dapat alagaang mabuti ang balat upang hindi na muli pang ma-impeksyon.
 
Maraming mga pamamaraan at mga natural na remedyo sa bahay na nakakatulong sa mabilis na paggaling ng buni. Tulad ng nakasanayan, siguraduhing kumunsulta pa rin sa doktor upang masuri at maresetahan ng gamot. Ugaliing maging malinis sa katawan lalung-lalo na sa bahay at sa iyong kapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng buni sa katawan.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)