Ano ibig sabihin o kahulugan ng panaginip tungkol sa AHAS? What does dream about snakes mean? Interpretation

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Madalas mo bang mapanaginipan ang mga ahas? Yung sa iba eh simpleng mga panaginip lang naman tungkol sa ahas pero may iba naman na parang binabangungot at pawis na pawis matapos maalimpungatan. Iba-iba ang interpretasyon ng mga tao tungkol dyan.

Baka narinig mo na sa iba na malas ang ibig-sabihin niyan. O na baka nagtataksil ang asawa o karelasyon mo kaya’t pati sa panaginip ay inaahas ka. Pero kung mga eksperto naman ang tatanungin, may mas malalim na kahulugan ang ganyang mga panaginip. Ito yung ilan sa mg dahilan na sinasabi nila kapag nananaginip ka ng mga ahas:

- Takot. Kung madalas mong mapanaginipan ang mga ahas, baka may itinatago kang takot sa isang bagay, pangyayari o baka tao pa nga. Halos lahat ay takot sa lason o kamandag mula sa ahas o baka sa mismong ideya na lalapitan ka at tutuklawin ng ahas. Kaya sa anumang bahagi ng buhay mo habang gising ka, maaring pagkatakot sa paparating na sitwasyon, mga pag-aalala sa naka-ambang panganib o nakakatakot na nakaraang halos ayaw mo ng maalala, maaari kang makakita ng mga ahas sa iyong panaginip. Hindi lang basta mababaw na pagkatakot yan. Pwede din namang sa mismong araw na iyon ay nakakita ka ng ahas kaya’t nasagi ito sa panaginip mo. Pero ang takot ang numero unong posibleng dahilan sa mga panaganip tungkol sa ahas. Kapag naman nanaginip ka ng napakadaming ahas na gustong umatake sayo, posibleng dahilan niyan ay yung grupo ng mga tao na kinatatakutan mo.

- Mga impormasyon na hindi mo pwedeng malaman o pilit na itinatago sayo. Gaya ng isang ahas sa masukal na paligid, hindi mo alam kung kailan ka nito tutuklawin o kung malayo o malapit ba ito sayo dahil sa simpleng dahilan, nagtatago ito at sobrang ilap pa. Baka may isang bagay na gutsong-gusto mong alamin pero hindi pwede. Pwede din namang, may isang katotohanan sa buhay mo na hindi mo matanggap.

- Baka may sinusolusyonan kang problema o nagpapahilom ng sugat sa damdamin. Ayon sa isang dream therapist na si Tony Crisp, ang tanging solusyon para mas mahusay mong maunawaan ang mga panaginip mo ay ang ipagkumapara ito sa pang-araw araw mong buhay. Ang pananaginip tungkol sa mga hayop na kinatatakutan mo bukod sa ahas eh senyales na may malalim kang iniisip. May mga problema ka siguro na natapos na pero naaapektuhan ka pa din.

- Mga pagbabago sa buhay mo o mga pagbabagong pinaplano mo palang. Nagpapalit-balat ang mga ahas, na pwedeng sa realidad naman eh gusto mong gumawa ng pagbabago sa buhay mo. Baka nitong mga nakaraan eh natanggap ka sa trabaho, napaglabanan mo ang isang bisyo, naglipat kayo ng bahay o nagmomove-on ka sa isang nasirang relasyon. Pwede ring dahil mas nagiging espirituwal na tao ka o nagiging mas maunawain ka sa mga bagay bagay.

- Sinasabi naman ng iba na kapag nakikipagusap ka sa ahas sa panaginip mo, sa realidad ng buhay eh mas nagiging bukas ka sa mga magagandang posibiidad o mas nauunawaan mo na kung sino ka. Kapag naman hinahabol ka ng ahas, tinatakasan mo ang isang mabigat na problema o may pilit kang kinakalimutang masamang karanasan. Kapag naman napanaginipan mong natuklaw ka at nalason ng ahas, pwedeng may masasakit na salita kang narinig o nasaktan ka sa pisikal na talagang nakaapekto sa damdamin mo.

Iba-iba ang sinasabi nila at baka iba din ang interpretasyon mo sa mga panaginip. Pero anuman ang totoo, tiyak na may dahilan yan. Baka kailangan mong gumawa ng pagbabago o mas maging matapang sa pagharap ng mga problema. Sino ba naman ang ayaw ng tahimik at masayang buhay at syempre, mahimbing na tulog sa gabi? Nakatulong sana sayo ang mga nabasa mo.

 


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.