ANO KAHALAGAHAN NG WIKA SA EDUKASYON AT SA LIPUNAN? WIKANG PAMBANSA SA PAG-UNLAD NG BANSA

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Makulay ang kasaysayan ng ating wika, tulad ng kasaysayan ng ating lahi. Bukod sa pagiging makulay, mahaba rin ang panahong iniukol sa paglinang nito hanggang sa marating ang kasalukuyang kalagayan. Tulad ng ating mga dakilang PiIipino na katakut-takot na luhang tumulo, pawis na tumigis at dugong dumanak bago sila ganap na nagtagumpay sa kanilang pakikibaka laban sa mga dayuhang kapangyarihang sumakop sa atin. Mayroon na nga tayong sariling wika, ngunit tayo ba’y ganap nang malaya? Iyan ang mahalagang tanong.
 
Kung ang pagbabatayan ng kalayaan ay ang paglaya sa_pananakop ng mg dayuhan, maaari nating sabihin “Oo”. Katunayan, dalawa pa nga ang naging petsa ng pagdiriwang ng araw ng ating paglaya - Hulyo 4 noong una at Hunyo 12 nitong huli. Ngayon may baJlak na naman ang ating mga mambabatas na ibalik na muli sa Hulyo 4. Kaya ang tanong, kailan ba talagang ganap tayong lumaya?
 
Kayhaba ng ating pagkabilanggo sa dayuhang kapangyarihan. Mahigit na tatlong dantaon sa kamay ng Kastilang bumusabos sa atin at yumurak sa dangal ng ating pagkalahi, humigit-kumulang na 50 taon sa pananakop ng Amerikano at tatlong taon sa mga Hapones. Kaawa-awang Iahing Pilipino! Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi makabitiw sa dayuhang impluho. Patuloy pa ring nakakulong sa hawla ng kolonyalismo ang damdami't kaisipang Pilipino. Kailangan natin ngayon ay magisip bilang Pilipino, magsalita sa wikang Filipino at gumawa para sa sambayanang Pilipino.
 
Hindi sapat na kilalanin lamang natin ating sarili, kung sino at ano tayong talaga, Ang ganap na paglaya ng ating kamalayan ay ng kasinghalaga ng ating kalayaang pang-ekonomiya at pangkabuhayan. Sapagkat hanggang tayo'y hindi nagsisikap na mapalaya ang ating diwa sa mga impluho ng paniniwalang kolonyal na iniwan sa atin ng mga dayuhang panginoon, hindi tayo magiging ganap na Pilipino. Ang totoo, ito marahil ang nagiging sagabal sa pag-unlad. Hindi tayo makahulagpos sa kaisipang kolonyal; lagi tayong alipin ng diwa at salaping kanlurarun. Maaaring hindi lamang ito pagkahilig at paghanga sa anumang dayuhan at paghamak sa anumang sariling atin kung di lubusang pagkawasak at pagkahati na rin ng ating pagkabuklud-buklod. Bukod sa ating mithiing paglaya sa kolonya1ismo, kailangang lumaya rin tayo sa umiiral na rehyonalismo. Sikapin nating matanggal ang mahigpit na pagkakabuhol sa pangkat na ating kinabibilangan. Sa gayon ang mamayaning kaisipan ay "Atin ito" sa halip na ~'Amin ito". Kayong mga kabataan ang magsisilbing patnubay sa pagtatamo ng adhikaing ito. Kayong mga kabataan na siyang itinuring na pag-asa ng kinabukasan. Ang wika ni Simon, ang pangunahing tauhan sa walang kamatayang nobela ni Jose Rizal, ang El Filibusterimos - ''Habang ang bayan ay may sariling wika, taglay niya ang kalayaan pagkat ang wika ang siyang diwa ng bayan. Ang wikang banyaga kailanman ay di magiging pangkalahatang wika ng isang bansa. Ang bawat isa'y nakalilimot na kapag pansamantalang pinanatili ng isang bayan ang kanyang wika, pansamantala rin niyang pinanatili ang kanyang kalayaan".
 
Nakahihiyang isipin na kung minsan nagaaral tayo ng wikang dayuhan upang sila' y maunawaan at kung sila naman ang may nais na makipag-unawaan sa atin, tayo pa rin ang nag-aaral ng kanilang wika. Sinasabing ang wika ang isang haligi ng matatag na pagkamakabansa. Ang tanong ko' y ito - '' Kailangan pa ba nating hiramin ang naturang haligi'?"
 
Wika ang ginagamit natin upang malayang_ maipabayag ang ating iniisip at nadarama. Subalit bawat laya ay may katumbas na hangganan. Totoo ngang Malaya tayong makakapagpahayag sa pamamagitan ng wikang salita o pasulat. Datapwat hanggang saan ang kalayaang ito? Paano tayo nagsasalita at nagsusulat? Nakasusugat ba tayo ng damdamin ng ating kapwa? Nakabubuwag ba tayo ng isang paniniwala? Nakasisira ba tayo ng isang umiiral na pagtitiwala at paninindigan?
Ang tunay na Kalayaan ay mababakas sa angking katatagan ng isang bansa sampu ng sambayanang nalulukob nito. Masasabing tunay na tayong Malaya kung kaya na nating tumayo sa sariling paa at di na kailangang umasa sa tu!ong ng ibang bansa at kung kaya na nating magpasiya para sa ating sarili pagkat mayroon tayong sambayanang marunong manindigan. Anong halaga ng kalayaan kund hindi natin alam gamitin ang mga biyayang idinudulot nito? Ano rin ang halaga ng wika kung hindi naman natin aktwal na ginagamit sa malayang pagpapahayag ng ating mga mithiin at pangarap? Habang tayo ay nagsusumiksik sa paggamit ng wikang dayuhan patuloy pa ring nakabilanggo ang ating puso at diwa. Hindi natin ganap na maipahahayag ang ating kaisipang Pilipino, damdaming Pilipino sa wikang Filipino. Mahirap manatiling bilanggo sa isang hawlang tayo rin ang lumikha, sapagkat kailangang tayo rin ang sumira sa hawlang ito upang tayo'y maging lubusang malaya.
 
Ang wikang Pambansa ang kaluluwa ng lahi, kaya marapat lamang na atin itong mahalin at ikarangal. ang kaluluwa ng lahi ikarangal. Sa pamamagitan ng sariling wika nakakadalangin tayo sa Diyos, nakakausap natin ang bayan at naipahahayag natin agn bawat tibok ng puso at bawat tilamsik ng diwa. Pagsikapan nating mapaunlad ang wikang pambansang Filipino na magiging tagapamansag ng kabihasnan, kabuhayan, sining, panitikan at agham ng ating bansang sinilangan. Kapag narrating na natin ang antas na ito, sadyang sumapit na ang bukang-liwayway ng tunay na kalayaang ating pinapangarap.

Kaya ang sagot sa tanong kung bakit mahalaga ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dahil ito ay susi ng ating kalayaan.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.