ANO ANG KAHULUGAN NG PANITIKAN? ANO ANG IBIG SABIHIN NG PANITIKAN? MGA URI PANITIKAN

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.  Ito'y isang talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at mga buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan sa malikahaing pamamaraan. Layunin ng panitikan na maipakita ang realidad at katotohanan at maglikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.
Nagsimula ang salitang panitikan mula sa pang titik an kung saan ikinabit ang mga unlaping pang hulaping an sa ugat na titik. Ang literatura ay pang katawan para sa larangan ng panitikan. Nagsimula ang salitang literatura sa salitang latin na littera na ibig sabihin ay titik.
 
May Dalawang uri ang Panitikan
 
·           Kathang isip - ginagamit ng manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang isip lamang. Nageembento ng mga kathang isip na tauhan, pangyayari, sakuna at pook o lugar na pinangyarihan ng kwento para sa kanilang sulat na nobela o maikling kwento.
 
·         Di kathang isip - bumabatay dito ang may akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa mga kaalaman tungkol sa paksa. Kailangan makuha ang tamang detalye ng mga pangyayari at hindi gawa-gawa lamang ang mga kwento.  Kabilang sa mga hindi bungang isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiograpiya, talaarawan, sanaysay at mga akdang pang kasaysayan.
 
Mahalaga ang panitikan dahil nagsisilbing itong salamin ng galing ng pinoy.  Naging sukatan din ito kung gaano kayaman ang kultura ng isang bansa.
Malaki ang naging kontribusyon ng panitikan sa kasaysayan, dito natin nakikita ang pamumuhay ng mga sina-unang tao noon. Bahagi din nito ang mga salawikain, sawikain, at mga bugtong. At sa pamamagitan naman ng mga tula, nobela, maikling kwento, kantahin o talumpati nalalaman natin ang mga obserbasyong ng mga manunulat sa kanilang paligid at payak na pamumuhay noon.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.