Ano ang Kahulugan ng Gagamba sa Panaginip? Ano ang Simbolo ng Sapot, Itlog, at Kulay ng Gagamba o Spider sa Dream?

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Ang gagamba ay simbolo ng iyong pagkababae o mga babaeng dominante na may malaking impluwensya sa iyong buhay.  Upang lubos na maunawaan ang kahulugan ng iyong panaginip kailangang alalahanin ang bawat detalye nito. Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang panaginip na may kaugnayan sa gagamba:
 
1. Ang gagamba sa iyong katawan - kapag napanaginipan mo na ang gagamba ay lumalabas sa iyong bibig o lalamunan o kinakain ito, ipinapakita nito na kontrolado mo ang isang sitwasyon o bagay. Hindi ka takot ipakita na ikaw ay dominante sa inyong relasyon. Pinapaalalahan ka din na ipahayag ng maigi at maayos ang iyong kaalaman at opinyon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
 
2. Ang sapot ng gagamba - kapag nakakita ka ng gagamba na walang ibang ginagawa kundi umikot sa kanyang sapot ang mensahe nito ay ang iyong paghihirap at pagpupursigi sa trabaho ay mapupuna at ikaw ay mapaparangalan. Ang iyong pinakaaasam asam na promosyon ay darating na. Kapag ikaw mismo ang paikot ikot sa sapot ibig sabihin nito ay ikaw ay may trabaho o proyekto na napakakomplikado at konektado sa ibang tao upang matapos ito. Kung ikaw naman ay abala sa paglilinis ng bahay ng gagamba ikaw ay nasa sitwasyon kung saan inaayos mo lalo na ang mga problema o pagsubok sa iyong buhay.
 
3. Ang itlog ng gagamba - katulad ng isang itlog ito ay nababalutan ng matigas na balat, ang kahulugan ng iyong panaginip ay ang pagtatago mo ng iyong tunay na emosyon, kaalaman o opinyon. Ikaw ay nakabalot at hindi mo pa tunay na inilalabas ang iyong angking potensyal. Kapag napaniginipang unti unting lumalabas ang gagamba sa itlog sinasabing ikaw ay naguumpisa ng maglabas ng iyong saloobin o kaalaman at ito magandang simua upang maipahayag kung anuman ang iyong saloobin. Kapag nakakita ng gagamba na nangingitlog maaaring isa sa iyong kakilala ay magbubuntis.
 
4. Ang aktibong gagamba - ang makitang umaakyat ang gagamba paakyat ng kisame ay simbolo na ang iyong mga minimithing pangarap ay unti unti mo ng makakamtan. Ngunit kung ang gagamba ay pababa mula sa kisame ikaw ay nahihirapang umalis o makipaghiwalay sa iyong karelasyon. Kapag nakapanaginip ng sanggol na gagamba senyales ito ng bagong pagibig.
Ang makitang mahulog ang gagamba mula sa kisame ay ang pagkawala ng mga babaeng dominante sa iyong buhay. Ang gagambang kinikiliti ka sa iyong panaginip ay isang paalala na maikli lang ang buhay, maging masaya at magenjoy.
 
5. Ang pagsasalita ng gagamba – ito ay bihirang mangyari kaya naman makinig at unawain ang sinasabi dahil may mahalagang mensahe ito.
 
6. Mga gagambang nagaaway o nagpapagalingan - ay sinasabing may babaeng kaibigan, kapamilya o katrabaho na hindi nagkakasunduan.
 
7. Ang patay na gagamba - ang makakita ng patay na gagamba ay simbolo ng tagumpay sa iyong aspetong pagkababae. Ngunit ang pagpatay mo mismo sa gagamba sa iyong panaginip ay senyales ng kamalasan at kasawian.
 
8. Ang pagkagat ng gagamba - ang maramdamang makagat ka ng gagamba kahit hindi mo ito nakikita ay sinasabing ikaw ay nahihirapang makipaghiwalay sa iyong kasintahan. Ang kagatin ka sa kamay at paa ay paalala ng sugat ng nakaraan. Ang pagkagat ng gagamba sa iyong ulo ay senyales na ikaw ay sunud-sunuran sa mga babaeng dominante sa iyong buhay.
 
Ang kulay ng gagamba at kung ano ang sinisimbolo nito:
 
1. Puting gagamba - paggaling, pagasa, at enerhiya
 
2. Itim na gagamba - kasinungalingan, kabiguan
 
3. Pulang gagamba - bantay, masaya, pasyon
 
4. Berdeng gagamba - kalma, kalungkutan, kailangan ng oras at panahon upang makapagsimula
 
5. Bughaw na gagamba - pagiging kontento, kompromiso, panimula
 
6. Dilaw na gagamba - masaya, pagbabago
 
7. Kulay kahel na gagamba - pagbibigayan, kasiglahan, pakikitungo
 
8. Kulay rosas na gagamba - pagibig, saya, lambing
 
9. Kulay ginto na gagamba - ginhawa, swerte
 
10. Kulay kayumanggi na gagamba - ginhawa, materyalistik

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.