ANO HALIMBAWA AT KAHULUGAN NG BUGTONG? SAGOT WITH ANSWERS ENGLISH JOKES URI NG BUGTONG

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ano nga ba ang bugtong?
Ang bugtong ay isang uri ng pangungusap na patanong. Ito ay may dobleng nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Isa sa mga tawag dito ay “Palaisipang bugtong”. May dalawang uri ng bugtong ito ay talinghaga at enigma.  Ito ay suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika. Ang bugtong ay kinakailangan ng katalinuhan at maingat na panilay-nilay, para sa kalutasan at mga palaisipan.
 
1. Baboy ko sa Bukidnon,
Kung hing sakyan hindi lalamon.
Sagot: Kudkuran
 
2. Dalawang bagay na maganda,
Nasa gilid ng mga mata.
Sagot: Hikaw
 
3. Hindi madangkal, hindi madipa,
Pinagtutulungan ng lima.
Sagot: Karayom
 
4. Dumaan si Ulikba,
Ang mga tao ay nahiga.
Sagot: Gabi
 
5. Kung ikaw ay mamamatay,
Pati siya ay madadamay.
Sagot: Anino
 
6. Wala sa langit, wala sa lupa,
Lumalakad ng nakatihaya.
Sagot: Bangka
 
 
7. Isda ko sa Maribeles,
Nasa loob ang kaliskis.
Sagot: Alimango
 
8. Dalawang bolang maitim,
Malayo ang nararating.
Sagot: Mata
 
9. Nang ihulog ko’y buto,
Nang hanguin ko’y trumpo.
Sagot: Singkamas
 
10. Nang ihulog ko’y ganggabinlid,
Nang hanguin ko’y ganggaihip.
Sagot: Labanos
 
11. May ulo’y walang mukha,
May katawa’y walang sikmura,
Namamahay ng sadya.
Sagot: Palito ng posporo
 
12. Walang pintong pinasukan,
Nakapasok sa kaloob-looban.
Sagot: Pag-iisip
 
13. Oo nga’t niyog,
Nasa loob ang bunot.
Sagot: Mangga
 
14. Bahay ni Huli,
Haligi’y bali-bali,
Ang bubong ay kawali.
Sagot: Alimasag
 
15. May binti ay walang hita,
May balbas ay walang baba,
May mata’y walang mukha.
Sagot: Tubo
 
16. Buhok ni Adan,
Hindi mabilang.
Sagot: Ulan
 
17. Pagsipot sa maliwanag,
Kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
 
18. Puno ay buko-buko,
Dahon ay abaniko,
Bunga ay parasko,
Perdegones ang mga buto.
Sagot: Papaya
 
19. Hindi tao, hindi hayop,
May tainga’t may buhok,.
Sagot: Mais
 
20. Nakalantad kung gabi,
Kung araw ay nakatabi.
Sagot: Banig
 
21. Ang dalawa’y tatlo na,
Ang maitim ay puti na,
Ang bakod ay lagas na.
Sagot: Matanda
 
22. Pantas ka man at maalam,
Angkan ka ng mga paham,
Kita’y dinadaanan.
Sagot: Plantsa
 
23. Bumubuka’y walang bibig,
Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: Bulaklak
 
24. Nagsaing si Hudas,
Kinuha ang hugas,
Itinapon ang bigas.
Sagot: Gata ng Niyog
 
25. Maitim na parang uwak,
Maputing parang busilak,
Walang paa’y nakakalakad,
At sa hari’y nakikipag-usap.
Sagot: Liham
 
26. Bahay ni Ligaya,
Nalilibot ng mata.
Sagot: Niyog
 
27. Kung kalian ko pa pinatay,
Saka nagtagal ang buhay.
Sagot: Kandila
 
28. Dahong pinagbungahan,
Bungang pinagdahunan.
Sagot: Pinya
 
29. May binti, walang hita,
May tuktok, walang mukha.
Sagot: Kabuti
 
30. Ako’y nagtanim ng Granada,
Sa gitna ng laguwerta.
Pito ang puno at pito ang bunga,
Pitong pare ang nangunguna.
Sagot: mga Sakramento
 
31. Nakaluluto’y walang init,
Umaaso kahi’t malamig.
Sagot: Yelo
 
32. Hindi tao, hindi ibon,
Umiikot kung itapon.
Sagot: Yoyo
 
33. Eto na si bayaw,
Dala-dala’y ilaw.
Sagot: ALitaptap
 
34. Eto na si Kaka,
May sunog na dampa.
Sagot: Pagong
 
35. Duwag ako sa isa,
Matapang ako sa dalawa.
Sagot: Tulay na Kawayan
 
36. Tabla magkabila,
Alulod ang gitna.
Sagot: Dahon ng Saging
 
37. Ang anak ay nakaupo na,
Ang ina’y gumagapang.
Sagot: Kalabasa
 
38. Alin sa mga ibon,
Ang di-makadapo sa kahoy?
Sagot: Pugo
 
39. Gintong binalot sa pilak,
Pilak na binalot sa balat.
Sagot: Itlog
 
40. Mga kaloobang pinaghalu-halo,
Na niluto sa init ng pagkakasundo.
Sagot: Dinuguan
 
41. Kung manahi’y nagbabaging,
At sa gitna’y tumitigil.
Sagot: Gagamba
 
42. Di naman isda, di naman itik,
Nakakahuni kung ibig.
Maging sa kati, maging sa tubig,
Ang huni’y nakabubuwisit.
Sagot: Palaka
 
43. Hugis puso, kulay ginto.
Mabango kung amuyin, Masarap kung kainin.
Sagot: Mangga
 
44. May puno walang sanga,
May dahon walang bunga.
Sagot: Sandok
 
45. Malalim kung bawasan,
Mababaw kung dagdagan.
Sagot: Tapayang may Tubig
 
46. Walang itak, walang kampit.
Gumagawa ng bahay na ipit.
Sagot: Gagamba
 
47. Lumalakad walang paa,
Lumuluha walang mata.
Sagot: Pluma
 
48. Puno’y layu-layo,
Dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: Bahay
 
49. Nagtanim ako ng dayap,
Sa gitna ng dagat,
Marami ang nagsihanap,
Iisa lamang ang nagkapalad.
Sagot: Pagliligawan
 
50. Hindi pari, hindi hari.
Nagdaramit ng sarisari.
Sagot: sampayan
 
51. Mataas kung nakaupo,
Mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso
 
52. Lumalakad ay walang humihila,
Tumatakbo’y walang paa.
Sagot: Bangka
 
53. Apat, naging dalawa,
Sa huli ay tatlo.
Sagot: Tao
 
54. Palasyo ni Laura,
Palibot espada.
Sagot: Langka
 
55. Hindi kutsilyo, hindi itak.
Malalim kung makasugat.
Sagot: Dila
 
56. Kung pabayaan ay nabubuhay,
Kung himasin ay namamatay.
Sagot: Makahiya
 
57. Magkakapatid na prinsesa,
Lahat nama’y pawing negra.
Sagot: Duhat
 
58. Hinila ko ang baging,
Nagkagulo ang mga matsing.
Sagot: Kampana
 
59. Kung araw ay bumbong,
Kung gabi ay dahon.
Sagot: Banig
 
60. Ako’y may kaibigan,
Kasama ko saan man.
Mapatubig ay di nalulunod,
Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: Anino
 
61. Nagbibigay na’y,
 sinasakal pa.
Sagot: Bote
 
62. Isang barko,
Puno ng mga negro.
Sagot: Plantsa de uling
 
63. Mukha ko’y tinikan,
Busilak ang kalooban.
Sagot: Rambutan
 
64. Binuksan nag kanyon,
Perdigones ang nakabaon.
Sagot: Papaya
 
65. Kayumanggi ang balat ko,
Kasiya-siya ang pabango.
Sagot: Tsiko
 
66. Isang matinik na tampipi,
Pinagsama’y asim at tamis.
Sagot: Guyabano
 
67. Kulay rosas pulseras niya,
Pumuputok walang bala.
Sagot: Kamatsili
 
68. Istorya ni Mang Isko,
Walang puno’t walang dulo.
Sagot: Bahaghari
 
69. Yumuko man ang reyna,
Di malaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
 
70. Bahay ni Tiya Sela,
Saan man pumunta’y dala.
Sagot: Pagong
 
71. Buhay ni Guring-Guring,
Butas-butas ang dingding.
Sagot: Salaan
 
72. Tinago ko sa gubat,
Sa bayan nag-iiyak.
Sagot: Kampana
 
73. Isang kahon,
Puno ng kalansay
Sagot: Posporo na may Palito
 
74. Ayan na si Kaka,
Bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
 
75. Buto at balat,
Lumilipad.
Sagot: Saranggola
 
 
76. Tubig na pinagpala,
Walang makakakuha,
Kundi munting bata.
Sagot: Gatas ng Ina
 
77. Kampanilya ni Kaka,
Laging mapula ang mukha.
Sagot: Makopa
 
78. Tubig na naging bato,
Baton a naging tubig.
Sagot: Asin
 
79. Oo nga’t alimango,
Nasa loob ang ulo.
Sagot: Niyog
 
80. Isang prinsesa,
Nakaupo sa sa tasa.
Sagot: Kasoy
 
81. Nagtago si Pedro,
Labas ang ulo.
Sagot: Pako
 
82. Ate mo, ate ko,
Ate nating lahat.
Sagot: Atis
 
83. Dalawang magkaibigan,
Laging nag-uunahan.
Sagot: Paa
 
84. Hindi sa akin, hindi din sa’yo,
Pag-aari ng lahat ng mundo.
Sagot: Mundo
 
85. Heto na sa Delay,
May sunong na bahay.
Sagot: Pagong
 
86. Dalawang tindahan,
Sabay kung Buksan.
Sagot: Mata
 
87. Isang balong malalim,
Punong-puno ng patalim.
Sagot: Balon
 
88. Malayo pa ang sibat,
Nakanganga na ang sugat.
Sagot: Bibig
 
89. Sariling-sarili mon a,
Ginagamit pa ng iba.
Sagot: Pangalan
 
90. Bahay ni Nano,
Walang bintana, walang pinto.
Sagot: Itlog
 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.