ANO ANG KAHULUGAN NG LIPUNAN? ANO IBIG SABIHIN LIPUNAN? MGA LAYUNIN AT TUNGKULIN

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan. Nagsimula sa salitang ugat na lipon na ang ibig sabihin any pangkat. Sila ay binubuo ng iba't ibang pangkat etniko o katutubo, organisadong grupo o asosasyon kagaya ng relihiyon,  kultural, politikal, pamilya at edukasyon. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
Ito din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa, sa ekonomiya, panlipunan at imprastrakturang industriyal ng lipunan.  Ang pagiging huwaran sa pagkakaugnayan ng bawat isa upang ibahagi ang naiibang kultura sa ano mang institusyon na kinabibilangan.
Ang kahalagahan ng lipunan ay higit sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi, dahil hindi matutumbasan ang pagtutulungan ng mga tao o bayanihan ng kahit ano pa man.
Ang lipunan lalo na ang lipunang pampolitika ay nakaangkla sa mga pananagutan.  Ito ay ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabuong kasaysayan ng pamayanan.  Iginagawad sa pinuno ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang grupo patungo sa pupuntahan, sa paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi. At pangangasiwa sa pagsama-sama ng grupo.
Sa pag-unlad ay di lamang gawa ng pinuno kundi pati ng mamamayan. Gawa ito ng pagtutulungan ng bawat isang indibidwal sa lipunan.  Marami man ang pagkakaiba o pagkakabanggaan ng kultura iisa lang din ang hangarin ng bawat isa…ang mapagtagumapayan ang bawat layunin.
 
Mga Layunin at tungkulin sa Lipunan:
·                     Layunin ng mga tao sa bayan ay maging tapat, igalang ang bandila ng bayan, mahalin at ipagmalaki  ang ating bansa. Pagbibigay ng tamang serbisyo na walang kinikilingan at ipagtanggol ang bansa sa kaguluhan, pagsubok at gyera man o digmaan.

·                     Layunin ng lipunan ang kabutihang panlahat. Ang pagkakaroon ng tiwala sa kakayahan upang makatulong sa pag-unlad ng bayan.

·                     Pagluklok o pagboto ng mga mamumuno sa bayan na siyang maging silbing pinuno ng pangkalahatan. Kung ang pinuno na nahalal ay isang mandarambong o taksil karapatan ng mamayan na patalsikin ito at hindi ipagtanggol.

·                     Paggalang ng lipunan sa karapatang pantao lalo na ang pagpapahalaga ng buhay ng bawat isa sa mundo.

·                     Ang paggalang sa bawat indibidwal sa lipunan ay hindi nawawala sa sistema ng bawat isa.  Alam ng lahat na hadlang sa pagkamit ng isang matiwasay na pamumuhay ang pakikinabang lamang sa serbisyong hatid sa kabutihang panlahat.

 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.