ANO KAHULUGAN NG PANAGINIP NA KINAGAT NG ASO? PARTE KATAWAN NILAPA PUSA

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang mga panaginip ay ang mga nakikita at naririnig ng isang tao sa kanilang isip kapag sila ay natutulog. Kadalasan magkapareho ito sa tunay na buhay ng tao. Ngunit maaari ring magkasalungat sa buhay mo ngayon. Ang mga panaginip ay maaaring mukhang totoo. Habang nangyayari ito, maaaring isipin ng tao na sila ay gising kahit na aktwal ng natutulog. Kung minsan, mararamdaman mo na tila kontrolado mo ang iyong panaginip kahit na hindi.
 
Kadalasan sa panaginip mo ginagawa ang mga bagay na masaya, na hindi mo kayang gawin sa tunay na mundo. Karamihan sa mga tao ay naalala ang kanilang mga panaginip sa ilang bahagi lamang, maliit man o malaki na parte ng panaginip. Madalas natatandaan ng mga bata ang kanilang panaginip at ng mas malinaw, kung kaya't madalas nagkakabangungot ang bata, tulad ng pagpapanaginip ng pagkagat ng aso. Ang mga bangungot ay karaniwang naguugat sa mga pang-araw-araw na takot ng tao, tulad ng mga gagamba o madilim na lugar.
 
 Ang mga sanhi ng bangungot ay ang mga sumusunod:
1. Hindi komportable sa pagtulog 
2. May karamdaman o sakit
3. Stress
4. Kumain bago matulog.
 
Naniniwala ang ilang psychologists na ang panaginip ay nagpapakita kung ano ang nangyayari sa tao kapag walang malay ang isip. Sa buong kasaysayan ng tao, sinusubukan ng tao na magkaroon ng kahulugan ang bawat panaginip, dahil maraming naniniwala na marami tayo matutunan na sikreto dito, kaya't madalas rin ginagamit ang panaginip para sa panghuhula o pagsasabi ng kapalaran.
 
Kapag nanaginip ka na yayakapin mo sana ang isang aso, ngunit bigla ka na lang nito kinagat, makakaramdam ka sigurado ng takot at ang pandama ng kagat ng aso ay ramdam na ramdam mo sa katawan. Kadalasan bigla ka na lang magigising dahil sa takot at pagkabalisa.
 
Ang malaking katanungan na sasagi sa kaibaturan ng yong isip ay: Ito ba ay isang panaginip lamang o may mas malalim na kahulugan sa kagat ng aso? Ang nakakaranas ng isang panaginip na may aso ay maaaring makaramdam ng matinding takot na mahirap mabura sa isip.

Ang kahulugan ng mga panaginip ay nag-iiba depende sa sitwasyon. Mayroong ilang karaniwang interpretasyon para sa ganitong uri ng panaginip.
 
1. Kamay- Kung ikaw ay kinagat sa kanang bahagi ng kamay, ito ay kumakatawan ng iyong katapangan, lakas at aktibidad. Ang kaliwang kamay ay kumakatawan sa kahinaan, pambabae na pag-uugali at pagkabukas-palad. Kapag ang aso ay kumagat sa iyong kamay, karaniwang nangangahulugan ito na may isang tao na balak kang kontrolin. Ginagamit nila ang mga salita, panirang puri o tsismis upang subukan kang saktan. Kung sa bandang kaliwa ka nalaplap ng aso, ito ay sumisimbolo, na may gustong manakit sayo sa paraan kung saan ikaw mahina.
 
2. Braso- Kung sa braso ka naman nakagat ng aso, ang ibig sabihin nito ay may hindi magandang mangyari sa paligid mo. Isa sa mga kasamahan mo sa trabaho ay masyadong agresibo. Malaki ang posibilidad na isa sa mga katrabaho mo ay pagtataksilan ka.
 
3. Bukong at Hita- Oras na nakagat ka sa bukong-bukong o sa hita, ito ay nangangahulugan na isa sa malapit mong kaibigan ay napapalayo ang loob sa’yo.
 
4. Paa- Ang paa ay sumisimbolo ng buhay at balance ng ating buhay. Kung sa paa naman, ibig sabihin nito ay ang pundasyon mo sa buhay ay sinisira ng isang tao na lubos mong pinagkakatiwalaan.
 
5. Daliri ng Paa-  Kapag ang daliri ng paa ang kinagat ng aso, ibig sabihin takot kang humarap sa bagong yugto ng iyong buhay. Ayaw mong baguhin ang buhay na nakasanayan na at ayaw mong mas lalo mapabuti ang buhay mo.
 
6. Balikat- Kapag ang isang aso ay kumagat ng iyong balikat sa panaginip, nagpapakita nito na ikaw ay nalulula sa iyong mga responsibilidad. Isa sa mga malalapit sayo ang nagpapahirap sa mga responsibilidad mo. Ito ang hihila sayo pababa.
 
7. Mata at Tainga- Kapag kinagat ka sa iyong mga mata o tainga, ito ay nagpapakita na ang isang taong mahal mo at pinagkakatiwalaan pagdating sa emosyonal ay umiiwas sa mga gusto mong gawin sa buhay. Kumbaga, nagiging hadlang sa mga mithiin mo.
 
8. Leeg- Oras na kinagat ka ng aso sa leeg, ipinapakita nito na ang isang taong malapit sa iyo ay nagbibigay ng payo sayo, sa pagitan ng iyong puso at isipan. Makakaramdam ka ng pagkalito kung ano ba talaga ang dapat sundin, ang damdamin o ang isip.
 
9. Mukha- Kung ang aso ay kumagat ng iyong mukha, ipinapakita nito na magkakaroon ka ng isang isyu sa isang taong malapit sa iyo. May taong pagsasabihan ka ng mga mali mo, pero hindi makakatulong sa iyong pagbabago, bagkus ay lumala pa.
 
10. Pagdurugo- Oras nanaginip ng pagdurugo dahil sa kagat ng aso, ikaw ay dumaan sa matinding pag-aaway. Mapapisikal man o mapadamdamin, makakaramdam ka ng pagsisisi kung bakit ka nakipag-away.
 
11. Pagkagat sa Buto- Kapag napanaginipan mo na ang aso ay kumagat ng buto, ibig sabihin ikaw ay mapalad. Ibig sabihin nito naiintindihan mo ang hinaharap at handing-handa ka.
 
12. Kagat sa Muwebles- Kung ang aso ay kumagat ng mwebles, may gustong sumira ng iyong pamilya. Maaaring ito ay isang malapit na kaibigan o miyembro ng pamilya na naiinggit sa tahimik at masasya mong pamilya.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.