ANO KAHULUGAN NG PANAGINIP NA MAY HUMAHALIK, KAHALIKAN O HALIK SA NOO?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano ang kahulugan ng halik sa iyong panaginip?
Ang halik ay simbolo ng pasyon, pagnanais, pagmamahal o pakikipagkaibigan.

Para lubos nating maunawaan ang ibig sabihin ng halik sa iyong panaginip dapat malaman natin kung sino ang nakahalikan, saang parte ng katawan ang hinalikan, at kung anong klaseng halik ito.
 
Sino ang kahalikan?
1. Ang paghalik sa bofriend, girlfriend o asawa ng iba - ang mapanaginipang nakikipaghalikan sa hindi mo naman karelasyon ay hindi ibig sabihin na may gusto ka sa taong ito o nagkakainteres ka. Ito ay senyales na may inggit ka sa kanilang relasyon at ikinukubli mo ang iyong pagnanais na magkaroon din ng karelasyon.
 
2. Ang paghalik sa hindi mo naman kakilala - marahil nagtataka ka kung sino ang iyong nakahalikan pero hindi ibig sabihin nito na siya ang nawawala mong soulmate. Ang kahulugan nito ay ang pagpapaalala sa iyong sarili na may isang parte o bagay na kulang sa buhay mo. Maaaring ito ay pagmamahal o pagkagiliw. Ang paghalik mo sa hindi mo kakilala ay ang senyales na tinatanggap mo ang kung anumang kulang sa buhay mo at ang pagganti ng taong hindi mo naman kakilala ay konpirmasyon na tunay ngang may kulang sa iyong buhay.
 
3. Ang paghalik sa taong malapit sayo o kaibigan - ang paghalik at pagganti ng kaibigan o taong malapit sayo ay simbolo ng magandang samahan. Ipinapahiwatig nito ang pagkakaroon ng paghanga at respeto sa isa’t isa. Halimbawa nito ang paghalik sa noo. Isa din itong panggising sa iyong kamalayan na baka ikaw ay nagkakagusto na sa taong ito at mas higit pa sa pakikipagkaibigan ang hinahangad.
 
4. Ang paghalik sa taong hindi mo gusto - ang mensahe ng panaginip na ito ay pagiingat. Ang taong ito ay may plinaplanong hindi maganda sayo at pipilitin kang gustuhan ang isang bagay na ayaw mo. Ang taong ito ay mapanlinlang at sinungaling.
 
5. Ang paghalik sa kapatid - ito ang simbolo na may maayos, matiwasay at magandang samahan sa iyong ate at kuya.
 
6. Ang paghalik sa iyong kabiyak o karelasyon - ito ay ang pagmulat sa iyong kaisipan na baka nagkukulang ka na sa iyong asawa lalo na ang inyong romansa. Ipinapaalala ang matinding pagkagusto at pasyon sa iyong kabiyak o kasintahan. Kapag napanaginipan naman na ang partner ay may kahalikan, ito ay simbolo ng mapanlinlang at hindi tapat nakaraan.
 
7. Ang paghalik sa iyong nanay - pinapakita nito na pinapahalagahan mo ang iyong ina at dahil sa pagiging mabuting anak ikaw ay pagpapalain sa buhay pati narin sa negosyo. Ikaw ay paparangalan, mamahalin at rerespetuhin din ng ibang tao.
 
8. Ang paghalik sa hindi mo lubos na kakilala - ang iyong loob ay unti unting nahuhulog o humahanga sa taong ito. Pwedeng panandalian lamang o ang tinawatag na paghanga o crush. Ang isa pang mensahe nito ay ikaw ay hindi komportable sa ibang parte o aspeto ng iyong buhay.
 
9. Ang paghalik sa bata - ipinapahiwatig nito na may maganda at maayos kang relasyon sa iyong pamilya. Kapag mismong anak ang hinahalikan sinasabing matindi ang iyong pagmamahal at tanungin ang anak dahil baka ito ay may kailangan.
 
10. Ang paghalik sa taong wala sa katinuan - kailangang pakiramdaman ang sarili dahil may mga desisyon, ginagawa at prinsipyo na hindi na pala tama.
 
Saang parte ng katawan hinalikan?
1. Kamay - ang paghalik sa kamay ay simbolo ng paggalang at kaginhawaan. Ito ay senyales din ng katapatan.
 
2. Paa - ang paghalik o pagganti ng tao sa paghalik ng iyong paa ay sinasabing ikaw ay mapagkumbaba at marespetong tao.
 
3. Noo - ang paghalik sa noo ay simbolo na hindi ka masaya sa ginagawa mo at ikaw ay napipilitan lang.
 
4. Pisngi - kapag ikaw o ang iyong kakilala ay hinalikan ka sa pisngi sa panaginip simbolo ito ng pagkakaibigan, katapatan, respeto at paggalang sa isa’t isa.
 
5. Leeg - kapag ikaw o ang taong ito ay hinalikan ka sa leeg sisinasabing ikaw ay nananabik. Ngunit ito ay hindi dahil sa tunay na pagmamahal kundi panandaliang aliw lamang.
 
6. Labi - ang paghalik sa labi ay isang uri ng ispiritwal na komunikasyon. Kung ikaw ay may kasintahan sinisimbolo nito na ikaw ay handa ng pumasok sa mas malalim na pangako at responsibilidad.
 
Uri ng halik
1. Matinding halik (French Kiss) - ipinapaalala nito na kailangang iparamdam mo ang iyong pagmamahal ng tunay, may pananabik at pasyon.
2. Mababaw na halik (The Ground) - ang mensahe nito ay negatibong emosyon. Ikaw ay may pinagdadaanang mabigat na emosyon o pagsisisi sa nakaraang desisyon o nagawa.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.