ANO KAHULUGAN NG PANAGINIP NA NAWAWALA, NALILIGAW, NAHULI, NA-LATE, NAIWAN?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ikaw ba ay nawawala, may hinahanap o hindi alam kung saan pupunta?

Ang mga sumunusunod ay ang mga halimbawa ng pagkawala sa panaginip, lugar kung saan ka nawala, sino ang nawawala at ang ibig sabihin nito:
 
1. Ikaw ay nawawala - ay mensaheng gumigising sa iyong utak kung binibigyan mo ba ng importansiya ang mga bagay o taong malapit sayo tulad ng kapamilya, katrabaho, kasintahan o maging ang iyong mga kaibigan. Ginagamit mo ba ng maayos at tama ang iyong oras at atensyon o baka naman ginugugol ito sa maling bagay. Kung ganun, wala nga sa pokus at tamang direksyon ang iyong buhay. Magandang huminto, magnilay-nilay at pagisipan ang kahihinatnan ng iyong mga ginagawa. Pansinin kung ang asawa, kasintahan, anak at ang iyong ispiritwal na aspeto ay hindi naisasawalang bahala.
 
2. Ikaw ay nawawala sa isang lugar na hindi pangkaraniwan - ito ay isang uri ng panaginip kung saan nasa nakakatakot kang lugar o sitwasyon. Dahil sa takot, pinipigilan mo ang iyong sarili na magtanung kung anong lugar, ano ang iyong ginagawa o kung saan ang daan palabas. Ang tanging alam mo lang ay gustong gusto mo ng mahanap ang daan pauwi sa inyong tahanan. Pero kahit saang direksyon ka pumasok o lumusot ikaw ay babalik at babalik pa rin sa lugar na hindi pangkaraniwan. Kaya naman magigising ka sa nginig at takot. Ang mensahe nito ay nahihirapan kang magdesisyon sa suliranin o problemang kinakaharap. Ikaw ay tuliro kung anong daan ang iyong tatahakin. Sa unang daan, ay ang lugar kung saan ito ay karaniwan pero ilalayo ka sa tunay mong kaligayahan. Samantalang ang kabilang daan ay hindi pangkaraniwan at bago ngunit sa kalaonan makapagbibigay ng matagalang kaginhawaan at kaligayahan. Kailangang magisip ng mabuti kung mananatili o susubukan ang makapabago o hindi pangkaraniwan. Tunay nga naman na nakakatakot magsimula pero isiping mabuti kung ano ang magiging epekto at dulot nito.
 
3. Ang pagkawala ng bagay o taong mahalaga sayo - kung ikaw ay abala sa iyong panaginip na hanapin ang isang tao o bagay na importante sayo at kahit anong gawin mo ay hindi mo talaga ito makita at magigising ka na lamang na umiiyak at nalulungkot. Ito ay isang maliwanag na mensahe kung saan ipinapaalala sayo na may isang taong naging bahagi ng buhay mo na wala ng kontak sayo o hindi na nagpaparamdam. Mainam na tawagan o itext man lang ito upang maibsan ang pagaalala at makibalita kung kumusta na siya.
 
4. Ang pagkawala sa isang mall - ang mall ay simbolo ng materyal na kagustuhan, kayamanan, kaginhawaan at seguridad. Ibig sabihin nito maging kalmado at matutong makuntento sa buhay. Kailangang maunawaan na hindi makukuha sa materyal na bagay ang tunay na kaligayahan ang dulot nito ay panandalian kasiyahan lamang.
 
5. Ang pagkawala sa paaralan - ito ay normal na pakiramdam kapag ikaw ay tumigil at matagal na bumalik sa eskwela. Kapag ikaw ay nahihirapang hanapin ang iyong silid aralan, sinasabing may aspeto sa iyong buhay na walang kasiguraduhan. Kapag hindi mo mahanap ang iyong locker sa panaginip, sinasabing magpokus ka upang mas maging maganda ang direksyon ng iyong buhay. Kung ikaw ay naglalakad sa paaralan na hindi alam ang pupuntuhan ibig sabihin nito ay nahihirapan kang magtiwala sa iba.
 
6. Ang pagkawala sa hotel - ang hotel ay simbolo ng iyong pangarap at karakter. Kapag ikaw ay nawawala sa magarbo at mamahaling hotel ikaw ay may haharaping pagsubok sa iyong karera, pakiramdam na hindi ka sineseryoso o isinasantabi lamang.
 
7. Ang pagkawala sa dagat – ang dagat o tubig ay konektado sa iyong emosyon. Ang mawala sa dagat ay senyales na hindi pinapahalagan ang ibinibigay mong tiwala, atensyon at pagmamahal.
Kung ikaw naman ay nakasakay sa bangka at hindi alam kung saan pupunta sinasabing may magandang koneksyon at maayos ang komunikasyon mo sa mga taong nasa paligid mo.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.