ANO KAHULUGAN NG PANAGINIP NA TUNGKOL SA UMIIYAK AKO? ANO IBIG SABIHIN

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano nga ba ang interpretasyon ng luha o pag-iyak mo sa iyong panaginip?
Karamihan sa atin ay nadadala ng matinding emosyon ng panaginip kaya naman maging sa pag-gising, tayo ay naluluha o naiiyak pa rin.

Sa totoong buhay, tayo ay umiiyak dahil sa galak, tuwa, minsan galit o dahil sa matinding kalungkutan o emosyon. Ang luha ay simbolo ng pagkahabag, panlunas ng emosyon at panghugas sa aspetong ispiritwal. Dahil sa iba't ibang kadahilanan kung bakit tayo umiiyak tunay nga namang mahirap maunawaan kung ano ang interpretasyon ng ating panaginip. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng iyong pagiyak, ng tao o bagay sa paligid mo:
 
Ang pagiyak ng iyong nanay - sinasabing ito ay may mensaheng negatibo na magbibigay ng misteryo ng lungkot. Ang plinaplanong business ay hindi matutuloy o isa sa mga mahal mo sa buhay ay pwedeng sumakabilang buhay.
 
 Ang pagiyak ng iyong tatay - ang tatay ay ang haligi ng tahanan at sila ang may pinakamalakas na personalidad. Ang makita silang umiyak ay hindi pangkaraniwan. Ang mensahe nito ay may paparating na sakuna, pangyayari o pagbabago depende sa iyong sitwasyon at personalidad. Anuman ang mangyari, siguraduhing matuto at tignan ang positibong maidudulot nito.
 
Ayaw mong matigil sa pagiyak - ito rin ay isang negatibong senyales na ang emosyon o bagay ay kinikimkim na kailangan mong harapin para ikaw ay makapagsimula ng maayos. Ang mensaheng dala nito ay kailangan mong bumangon at tulungan ang iyong sarili at magisip ng mga positibong pamamaraan.
 
 Pagiyak dahil may namatay - nakakatakot at nakakaiyak nga naman na makitang wala ng buhay ang mahal mo ngunit ang panaginip na ito ay may dalang magandang mensahe, maaring ikaw ay mapopromote sa trabaho o makakaisip ng magandang ideya sa business na makakapagbigay ng malaking kita.
 
Pagiyak ng iyong kabiyak - ang makita na ang katuwang sa buhay na umiiyak ay sinasabing may matinding pagsubok na kakaharapin. Maaring pagtibayin o magdulot ng hindi pagkakaunawaan.
Nakikita na ang iyong kaaway o nakaalitan na umiiyak - ito ay isang paraan para makaganti sa iyong kaaway. Ikaw ay nagagalak na makita siya sa ganitong sitwasyon dahil hindi mo ito kayang gawin sa tunay na buhay.
 
Mabilisang pagiyak - sinsasabing madali kang makuntento at masayahin sa kung  anuman ang iyong estado sa buhay.
 
Umiiyak ng walang dahilan - sinasabing simbolo ito na kailangan ng matinding pagbabago sa iyong buhay.
 
Hindi makatotohang luha o mapagkunwaring pagiyak – “Huwag kang magalala”, ito ang mensahe ing iyong panaginip dahil kontrolado mo ang sitwasyon, bagay o mga pagsubok na paparating sa iyong buhay.
 
Umiiyak dahil sa pagkawala ng isang bagay - ito ay isang normal na pakiramdam ng pagkabahala at pagaalala lalo na kung ang bagay na ito ay mahalaga.
 
Panaginip na may umiiyak na bata – nakita mo man ito o narinig lang na umiiyak sinasabing pangit na pangitain ito. May paparating na problemang pribado o suliranin sa aspetong pinansyal na magdudulot ng matinding sakit ng ulo at bigat sa buhay.
 
Nakikitang umiiyak ang isang bagay o hayop - sinasabing may pagsubok na darating ngunit dahil ikaw ay may malakas na personalidad, ispiritwal at  matinong pagiisip mapagtatagumpayan mo ito.
 
Pinapatahan mo ang isang tao sa pagiyak – ang taong ito ay maaring nagtaksil o nanloko sayo. Senyales din ito na kailangan mo ng humingi ng saklolo o tulong sa iba para matulungan ka sa anumang prolemang kinakaharap.
 
Pagiyak dahil namimis mo ang isang tao – dahil sa pananabik na nararamdaman sa isang tao, makakaramdam ka ng pagkalungkot at pagkalumbay. May mensahe ito tungkol sa pagbabago ng aspetong pinansyal at ang iyong pribadong buhay. Maging pokus , positibo at tanggalin ang mga bagay na makakapagbigay ng karagdagang stress o bigat ng pakiramdam.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.