ANO KAHULUGAN NG PANAGINIP SA PERA SALAPI KWARTA DATUNG? IBIG SABIHIN SIMBOLO LAPAD

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Kadalasan ay napapanaginipan natin ang pera. Ang kwarta ay ginagamit natin sa araw-araw upang makabili ng ating mga pangangailangan kaya hindi nakapagtataka na maaari rin natin itong mapanaginipan. Ngunit kahit isa lamang itong bagay, maaari din itong magkaroon ng simbolikong kahulugan kapag ito ay ating napapanaginipan.

Siyempre, depende pa rin ito sa sitwasyon tungkol sa napanaginipan at sa kung ano ang kaugnay na kahulugan ng pera sa iyong panaginip. Narito ang mga interpretasyon at kahulugan ng panaginip tungkol sa salapi o datung:

Panaginip tungkol sa paghahanap ng pera o kwarta
Ang panaginip na ito ay mag positibong kahulugan. Magkakaroon ka raw ng napakaraming swerte sa buhay at magiging matagumpay ka sa lahat ng mga bagay na gusto mong gawin. Maaari kang magkaroon ng tagumpay sa iyong trabaho. Ito rin ay magdadala ng swerte sa iyong personal na buhay. Kung ikaw ay single, matatagpuan mo raw ang iyong soulmate sa di inaasahang pagkakataon.

Panaginip tungkol sa pagbabayad ng isang bagay
Kung ikaw ay may binabayaran sa iyong panaginip, ito raw ay nangangahulugang may paparating na mga pagsubok sa iyong buhay. Ang mga bagay raw ay hindi sasang-ayon sa iyong plano kaya dapat maging handa ka sa pagharap sa darating na mga suliranin.

Panaginip tungkol sa pagkawala ng pera o salapi
Susubukin ka umano ng ilang mga problema na magiging balakid sa daan ng iyong tagumpay. Ito ay magbibigay sayo ng gabay upang harapin ang mga hamon sa lahat ng iyong pagdadaanan sa buhay.

Panaginip tungkol sa pagbibilang ng pera o datung
Ang panaginip na ito ay mayroon negatibong kahulugan. Maaaring hindi mo raw mababayaran ang lahat ng iyong mga gastusin. Malamang dapat kang maging maingat sa paggastos at higpitan ang iyong mga gastusin sa mga pangunahing mga bilihin at mga pangangailangan.

Panaginip tungkol sa pagnanakaw ng pera
Nagsisimbolo ito na maaaring haharap ka sa ilang mga panganib na manggagaling sa mga taong nakapalibot sa iyo. Dapat maging maingat sa pagkakataong ito ng iyong buhay at iwasang masangkot ang sarili sa anumang mapanganib na sitwasyon.

Pananginip tungkol sa pag-iipon ng pera
Nangangahulugan ito na magkakaroon ka raw ng maraming swerte sa pinansyal at kikita ng malaki sa pamamagitan ng iyong negosyo o ikaw daw ay mananalo sa lotto. Sa pagkakataong ito, ang kapalaran ay magiging nasa iyong panig kaya siguraduhin na gamitin ang panahong ito upang makaipon sa abot na iyong makakaya.

Panaginip tungkol sa napakaraming pera
Ang pagkakaroon ng lapad lapad na pera raw ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng isang komportableng buhay sa hinaharap. Matatamo mo raw ito kapag ikaw ay mag-aasawa na o di kaya’y magsisimula ka ng isang matagumpay na negosyo na magdadala sayo ng malaking kayamanan.

Pananginip tungkol sa pagbibilang ng mga barya
Nagpapahiwatig ito sa iyong sarili bilang isang tao na pagiging makunat at hindi mahilig sa paggastos ng maraming pera sa mga bagay-bagay o sa paggasta ng pera sa pangkalahatan o hindi pagiging maluho.

Panaginip tungkol sa panghihiram ng pera
Ang panaginip na ito ay nangangahulugan raw na ang mga tao sa iyong paligid ay pinaparamdam nila sa iyo na ikaw ay ang taong may maraming magagawa sa buhay.

Panaginip tungkol sa paggastos ng pera ng iba
Ito ay nangangahulugan na ikaw raw ay gagawa ng mga ilegal na bagay o isang bagay na  magdadala sa iyo ng napakaraming problema sa buhay. Ito ay may kaugnayan sa iyong problemang pinansyal, kaya kung anuman ang iyong pinaplanong gawin, siguraduhin na ito ay legal at hindi magiging sanhi ng mga karagdagang mga problema sa iyong buhay.

Pananginip tungkol sa pagpipira-piraso ng pera
Ito ay nagbibigay babala na dapat kang mag-ingat sa paggastos ng pera lalong lalo na sa mga bagay di di mo gaanong kailangan.

Panaginip tungkol sa pagkita ng pera
Ang panaginip na ito ay magdadala umano ng kamalasan. Makakagastos ka raw ng maraming pera sa isang bagay, sa kalaunan, ito ay magdudulot sa iyo ng malaking problema sa pananalapi.

Panaginip tungkol sa pamumuhunan
Nagpapahiwatig raw ito na may paparating na bagong miyembro ng iyong pamilya. Maaaring ito ay ang pagkakaroon ng asawa o bagong silang na sanggol.

Panaginip tungkol sa donasyon
Ito raw ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng matiwasay at tahimik na buhay.

Panaginip tungkol sa pagkapanalo ng pera
Kung ikaw ay nanalo ng lotto sa iyong panaginip o nakatanggap ka ng malaking halaga ng pera galing sa isang tao, maaari mong madiskubre ang mga bagong katangian tungkol sa iyo na hindi mo alam noon. Maaaring ito ay negatibong katangian na malamang hindi mo magugustuhan ang iyong mga salita o pagkilos sa susunod na panahon. Maging maingat na hindi ka maka-insulto sa isang tao o makasakit ng damdamin sa iyong masamang pag-uugali, dahil maaaring hindi ito ang magiging problema sa iyong buhay, kundi ang iyong pag-uugali mismo.

Panaginip tungkol sa pagkakaroon ng napakaraming pera
Kapag nanaginip ka tungkol sa pagiging sobrang mayaman o limpak limpak na salapi, ito raw ay magbibigay sa iyo ng isang pribilehiy sa iyong buhay at magkakaroon ng maluhong buhay. Mangyari ay huwag mong hayaan na may makakahadlang na maisakatuparan ang lahat ng mga ambisyon mo sa buhay.

Sa panaginip, karaniwang sumisimbolo ang pera sa kapangyarihan, kayamanan, kaginhawaan, kahalagahan ng sarili, tagumpay, o kumpyansa sa sarili. Ngunit kahit ano pa man ang mga kahulugan at interpretasyon nito, ang pinakamahalaga sa lahat ay panghawakan natin ang realidad ng buhay dahil mas importante pa rin ito kaysa sa mga kuru-kuro at sabi-sabi ng iba tungkol dito.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello,
ano po ibig sabihin pag lagi nakakapulot ng pera sa panaginip…

Salamat po

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.