Madalas mo bang mapanaginipan ang tungkol sa tubig? Yun bang lumalangoy ka pero matagal na nakakahinga sa ilalim ng tubig, dagat na kulay berde o baka itim pa nga, mga tsunami at sari-sari pang panaginip. Isa sa pinaka-karaniwang panaginip yung tungkol sa tubig at baka araw-araw mong nararansan iyan. Hindi naman mahirap intindihin ang mga panaginip na iyan.
Ang totoo, may mensahe na gustong ipahatid sayo ang mga iyon lalo na tungkol sa emosyon mo. Masasabi iyan depende sa kulay at kalagayan ng tubig, at yung pakiramdam mo habang nananaginip ka. Kung minsan, baka nahihirapan kang intindihin ang emosyon mo pero matutulungan ka ng mga panaginip may kaugnayan sa tubig para mas makilala mo ang sarili mo. Ano ba ang ilan sa mga kahulugan ng panaginip tungkol sa tubig. Heto ang ilan sa mga yan:
- Kung naliligo ka o naglilinis ng katawan, sinasabi niyan na gusto mong alisin ang mga negatibong ala-ala o emosyon. Kung nasa ilalim ka naman ng tubig, baka may mga problema ka sa pinansyal o pang personal na halos malubog ka na sa tindi ng stress at gusto mong mapag-isa.
- May mga panaginip na nalulunod ka o may mga trahedya sa tubig gaya ng bagyo o tsunami. Sinasabi nito na talagang pagod na pagod ka at balisang-balisa sa mga problema mo at baka kailangan mo ng tulong gaya ng isang nalulunod.
- Kung kulay at pakiramdam naman ang pag-uusapan eh iba-iba din ang interpretasyon. Kapag matining at malinaw ang tubig, maginhawa ang pakiramdam mo at naaaliw ka sa payapang kaugnayan mo sa iba. Sinasabi din niyan na may maganda kang relasyon sa mga kasama mo sa panaginip mo na iyon. Kung nanaginip ka naman ng pula o kumukulong tubig, baka may galit ka o hinanakit sa puso mo o maaaring sa kasama mo sa panaginip na iyon. Kung makulay naman ang tubig sa panaginip mo gaya ng dilaw o berde, na-eenjoy mo ang buhay mo at talagang masaya ka.
- Baka napansin mong naglalakad ka sa tubig. Indikasyon naman yan na may kontrol ka sa mga nangyayari sa buhay mo at nagpapakita din yan na baka may mga natatago kang kakayahan na di mo pa nadidiskubre.
- Kung nakakakita ka naman ng ilog sa mga panaginip mo, nagpapakita yan na mapayapa ang buhay mo at nakakasabay ka sa pagbabago gaya ng ilog na tuloy tuloy lang ang agos. Minsan, mga alon naman ang napapanaginipan ng isang tao. Baka hindi siya makagalaw sa damin ng problema at pakiramdam niya ay bigat na bigat siya at nasasakal sa sitwasyon niya. Gaya yan kapag nakatayao ka sa gitna ng mga alon, mahirap gumalaw o manatiling nakatayo.
- Kung lumalangoy ka naman, ibig sabihin niyan eh may bagong destinasyon o plano ka na pupuntahan. Baka mag-aaral ka ulit, mag-aasawa o papasok sa bagong trabaho. Ang pagdive naman o pag-talon sa tubig eh nagpapahiwatig na may sinusubukan kang maunawaang tao o sitwasyon o baka nagiisip ka ng mabisang paraan sa mahirap na problema.
- Baka may panaginip ka na nagbibigay ka ng tubig sa isang tao. Ibig-sabihin niyan, tinutulungan mo ang tao na iyon sa problema niya o na magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
- Kapag naman umiinom ka ng tubig sa talon, sapa o kahit anong anyong tubig na may makukunan ng nakarerepreskong tubig, baka may gusto kang alisin sa sarili mo at gusto mo na mas maging payapa at malinis ang kaugnayan mo sa iba. Baka kailangan mo din ng tulong.
Mas mauunawaan mo ang sarili mo sa mga panaginip mo kahit gaano pa yan kasalimuot. Depende iyan sa pakiramdam mo sa panaginip mo, kung natakot ka ba o naginhawahan at sa mga tao na kasama mo sa panaginip. Baka mas makilala mo pa ang sarili mo kung susubukan mong unawain ang mga iyon.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation