Kahit na wala ka pang anak, siguradong napanaginipan mo na din na may inaalagaan kang bata o biglang naging sanggol pa nga. Baka bigla kang nagkaroon ng anak, nagpalit ka ng diaper, nagpatahan ng batang di mo naman kilala o kung may anak ka na eh nalimutan mo yon sa panaginip mo.
Sari-sari talaga ang mga kwento tungkol sa panaginip sa mga sanggol. Akala mo eh totoong-totoo na at pagkagising mo eh hinahanap mo ang sanggol na nasa panaginip mo. Normal lang yan pero siguradong nastress ka ng bigla kang nagkaron ng responsibilidad. May malalalim nga bang dahilan iyan? Eto ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit mo yan naranasan.
- Sanggol sa panaginip. Baka kumakain ka, naglalakad sa tubig o napunta sa kakaibang lugar ng biglang nakakita ka ng sanggol. Senyales yan ng kawalang-muwang, pagiging malinis at dalisay ng kalooban mo o mas magaganda pang katangian. Kung nakita mo naman ang isang sanggol na umiiyak, pwedeng may parte sa iyo na nakukulangan ng atensiyon. Baka itinatago mo lang na malungkot ka sa harap ng iba para hindi ka mag mukhang mahina. Kung umiiyak ang sanggol dahil napabayaan ito, baka pakiramdam mo eh napabayaan ka din o kailangan mo pang mag matured. Pwedeng natatakot ka din na magkaroon ng anak sa hinaharap kaya’t napapanaginipan mo ang isang sanggol na umiiyak.
- Kung minsan naman, baka may mga sanggol na namatay sa panaginip mo na senyales na lumalaki ka na at unti-unti mo ng iniiwanan ang mga batang-ugali na nakasanayan mo.
- Nagkaroon ka ng anak. Baka natatakot ka sa posibilidad na mabuntis ka o hindi ka pa handa na magpamilya kaya napanaginipan mo ito. Kung naranasan mo na mag-alaga ng bata at naranasan mo din ang hirap nito eh baka ayaw mo ng magkaroon ng anak. Kaya’t lagi yang sumasagi sa isip mo. Kung minsan naman, napapanaginipan ng iba na nanganganak sila dahil sa pang-aabuso noon o muntikang panghahalay. Pwedeng dahil yan sa takot na manganak o pwede din namang naghahanda ng ang mga hormones sa utak mo sa mga posibleng pagbabago habang nagmamatured ka o nagdadalaga.
- Nakahanap ka ng sanggol. Ibig sabihin niyan eh tanggap mo na ang ideya na nagbabago na ang katawan mo o na naguumpisa ng lumago ang mga kakayahan mo o talento. Nagpapakita din yan na handa ka na sa mga responsibilidad.
- Naging sanggol ka sa iyong panaginip. Senyales yan na may mga kagustuhan, kaisipan at ugali ka na nahahawig sa isang bata. Baka nagiging isip-bata ka minsan o nahihirapan ka sa pag gawa ng mga desisyon? Kailangan mong magbago at alisin ang mga nakasanayang mga ugali na parang bata. Mas nag-eenjoy ka pa sa paglalaro kaysa sa mga gawing pang-adulto. Sa isang banda naman, baka naghahanap ka ng atensyon o kalinga ng magulang na baka hindi mo noon naranasan. Gustong gusto mo na balikan ang kabataan mo at mas masulit ang pagiging inosente.
- Senyales na buntis ka. Karaniwan ng mas nauunang malaman ng walang malay na utak o subconscious mind na buntis ang isang babae at maari nitong padalhan ng signal ang iyong katawan sa pamamagitan ng mga panaginip. Maraming babae ang nanaginip muna tungkol sa pagkakaroon ng sanggol bago pa matuklasang nagbubuntis sila.
Ipinapakita ng mga panaginip mo tungkol sa mga sanggol na may parte sa iyong pagkatao na hindi pa ganap o nagsisimula ka ng iwanan ang mga iyon at nagiging mas ganap na ang iyong isip. Nakatulong sana sayo ang mga yan para mas maunawaan mo ang kahulugan ng mga panaginip mo.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation