ANO KAHULUGAN PANAGINIP BUNTIS?NAGDADALANG TAO SANGGOL NAKUNAN PAGPALAGLAG PREGNANT

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Sinisimbolo ng panaginip tungkol sa pagbubuntis ang isang bagong simula sa buhay o mayroong aspeto sa iyong personal na buhay, na umuusbong o lumalago. Maari din na ang pagbubuntis sa iyong panaginip ay isang panibagong ideya, direksyon, proyekto o layunin. Samantalang sa mga buntis na kababaihan, sinisimbolo nito ang iyong mga alalahanin o takot sa lahat ng pinagdaraanan o daranasin pa.
 
·         Pagpapalaglag
Ang panaginip patungkol sa pagpapalaglag ay nagpapaalala na mayroong isang bagay na humahadlang sa iyong paglago. May mga takot o alinlangan ka sa pagpursige ng mga bagong direksyon o mga bagong kaganapan sa buhay mo. Kung ito ay nangyari sa babaeng nakaranas na magpalaglag ng anak minsan sa buhay nila, pwede itong magsilbing paraan para maghilom at mapatawad ang sarili sa kamalian na nagawa.  Pwede rin itong magsilbing paalala sa iyong sarili na ingatan at alagaan ang kalusugan. Sinasabi rin na kapag ganito ang iyong napanaginipan at namatay ang sanggol, may mga paraan ka sa pagharap ng problema na hindi mo ginagawa ng tama.

·         Sanggol
Sinasabi na ang ibig sabihin ng sanggol sa iyong pagsisimula ay kamusmusan, pagkakaroon ng sigla at bagong simula. Sinisimbolo ng sanggol sa iyong panaginip na ikaw ay may dalisay na puso, pagiging mahina, walang kakayahan at hindi masisira. Kung ang sanggol sa iyong panaginip ay nakangiti sinasabi na ito ay pagiging kuntento sa buhay at masaya. Pwede rin na kinakaila mo ang iyong tinatagong potensyal. Kung napapanaginipan na nakalimutan na ikaw ay mayroong anak, sinasabi na pilit mong itinatago ang iyong kahinaan at hindi hinahayaan na makita ito ng ibang nakakakilala sayo. Pwede rin itong magsilbing paalala na balikan ang mga dating ginagawa at nakahiligan.
Kung sa panaginip ikaw ay papunta sa ospital para manganak, pinapahiwatig nito ang mga usapin tungkol sa iyong pagiging palaasa sa iba at alagain. Kung ikaw naman ay tunay na buntis, maaring ang ibig sabihin nito ay ang mga kinakatakutan sa mismong oras ng panganganak.
Kung ang sanggol naman ay umiiyak, sinasabing may parte sa buhay mo na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Sa ibang pananaw, nirerepresenta nito ang mga hindi mo naabot na pangarap at mga kakulangan sa iyong buhay. Sa ibang pananaw, ito ay sumisimbolo ng mga takot at alalahanin sa sariling mga anak.
Kung ang sanggol naman ay sumasayaw at naglalakad, tinutukoy nito ang isang magandang hinaharap. Pwede rin na kailangan mong humakbang paunti unti para maabot ang iyong pangarap. Kung ikaw ay may tunay na baby sa buhay, pwedeng sinisimbolo nito ang iyong mga pangarap para sa kanya.
Ang panaginip patungkol sa isang napakaliit na infant ay nagpapahiwatig ng iyong mga takot na makita o malaman ng iba ang iyong mga kahinaan at kakulangan. Maaring takot kang humingi ng tulong sa iba at pinipilit mong gawin ang mga bagay base sa iyong kakayahan.
Ang pagkamatay ng sanggol sa iyong panaginip ay sumisimbolo ng pagtatapos ng isang bagay na minsan ng naging parte ng iyong buhay.
·         Panganganak
Ang pagduduwal sa iyong panaginip ay sumisimbolo ng panganganak ng isang bagong proyekto sa buhay mo. Pwede rin na ito ay isang bagong pananaw, bagong pagsisimula o isang malaking kaganapan sa buhay. Kung nanaginip ng kambal, maaring patungkol ito sa magkaibang ideya. Kung ang pinanganak ay kulang sa buwan, pinapakita nito na may ginagawa na hindi matapos tapos at ang kakulangan na magsimula muli. Kung sakaling ang napanaginipan ay panganganak sa hindi tao, pinapahiwatig nito ang matinding pagalala tungkol sa kalusugan ng iyong anak. Kung ang nanay ang namatay sa panganganak pinapakita nito ang pagtatapos ng isang bagay at ang pagdating ng bagong pagsisimula.
 
Pakatandaan, na sa bawat pagtatapos ay may nakaabang na panibagong pagsisimula. Hindi lamang sa panaginip pwedeng mangyari ang pagkakaroon ng bagong simula kundi pati na rin sa tunay na buhay.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.