Ano ang Kahulugan ng Panaginip na Nagloloko ang Asawa o Syota? Pagtaksil Pakikiapid ng Kabiyak Kapareha Dyowa Jowa Live in Partner

Precious Gomez
is in the Philippines

Batay sa survey, maraming mga asawa ang nananaginip tungkol sa pagloko ng kapareha. Ito ba ay may ibig sabihin o totoo ba talaga ang panaginip?
 
Wala ng ikakasira ng araw na nagising ka at nagkaroon ng masamang panaginip. Lalo na kung ang panaginip mo ay tungkol sa mga malalapit na kaibigan o di kaya ay pamilya. Mas nakakainis kung ang napanaginipan mo ay kung paano nagtaksil ang asawa mo sa iyo. Hindi mo pa rin maiwasan na mainis kahit na alam mo kung gaano ito katapat sa’yo.

Hindi mo maiwasan na komprontahin o awayin ang asawa kung napanaginipan mong nagtaksil siya. Dahil dito hindi mo maiwasan na mabahala sa inyong relasyon.

Pagtataksil sa Kabiyak
Ang panaginip na nagtaksil ang kabiyak ay nangangahulugan na nakakaramdam ka ng insecurities o walang bilib sa sarili. Nakakaramdam ka ng takot na baka ikaw ay pangit at hindi sapat para sa asawa. Naiisip mo na walang ng oras ang iyong kabiyak at napapabayaan kana niya, dahil dito nag-aalala ka na baka paggising mo isang araw ay iiwan kana niya.

Simbolo din ito ng walang tiwala sa kabiyak. Nagkakaroon ka ng pagdududa kung mahal ka ba talaga ng asawa mo at kung may tiwala ba siya sayo.

Maaari din na ang iyong panaginip ay nagbibigay sa iyo ng babala, upang may ideya ka sa nangyayari. Nagpapahiwatig na ang iyong syota o asawa ay tinataksilan ka o di kaya ay nawalan na ng interes sa iyo. Mas mainam na kausapin ang kapareha ng masinsinan habang hindi pa huli ang lahat.

Kung ikaw ay nanaginip ng pagtaksil sa kabiyak ito ay simbolo ng hindi pagiging totoo o tapat sa sariling nararamdaman. Maaari nakakaramdam ka ng pagkakasala dahil nagkakagusto ka sa iba.

Maaari simbolo din ito ng paghahangad sa sarili na magkaroon ng bago at kapanapanabik pagdating sa pakikipagtalik sa iba. Dahil hindi mo kayang gawin sa personal, dinadaan mo na lang sa panaginip.

Ang lalaki o babae sa panaginip mo ay maaaring kumakatawan ng iyong kaaway na natutunan mo ng patawarin at kalimutan ang lahat ng mga nangyari sa inyo.

Pakikiapid mo sa Iyong Boss o Amo
Pananigip sa pakikiapid sa iyong boss or sir sa trabaho. Ito sumisimbolo ng kagustuhan sa sarili magkaroon ng kapangyarihan at paghahangad na kontrolin ang lahat na nasa paligid.
 
Panaginip na may Nandadaya sa Laro
Ang kahulugan nito ay hindi ka tapat sa iyong sarili sa totoong buhay. Ang pagkakamali mo ay hindi mo inaamin bagkus pilit mong isinisisi sa ibang tao.
Maaari din na nararamdaman mong ginugulangan ka sa totoong buhay. Alam mong may karapatan kang sumbatan ito, ngunit hindi mo magawa.

Maaari din na nakasaksi ka ng maling gawain ng iba sa iyong buahy, ngunit hindi mo ito kayang isumbong o ibuko.  Hanggang ngayon ay dala dala mo pa din sa iyong dibdib, na naging dahilan ng mabigat na pakiramdam dahil hindi mo naitama ang mali.
 
Panaginip na Nandaya ka sa Laro
Sumisimbolo ito na minsan hindi ka naging tapat sa iyong sarili sa totoong buhay. O di kaya ay nakaramdam ka ng konsensiya sa nagawa mong pagkakamali, na hanggang ngayon ay ikaw lamang ang nakakaalam.

Nalilito ka na din kung tama nga ba ang ginawa mo at kung ito nga ba ay nararapat sa iyo. Dahil sa kabilang parte ng iyong utak nararamdaman mo na hindi ka nararapat sa ginawa mo, na mali talaga ang ginawa mong iyon. Nakakaramdam kana ng pang-uusig ng iyong konsensiya/konsensya.
 
Kung hindi ka mapakali o hindi mo matanggap na nagtaksil ang asawa sa iyong panaginip mas maiging kausapin ito ng masinsinan. Mas makakatulong kung maging open kayo sa isa’t isa. Tandaan maraming mga panaginip ay hindi totoo. Huwag magpaapekto sa mga ganitong klaseng panaginip. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.