Ang usapin tungkol sa pakikipagtalik ay sadyang tanggap na ng ating lipunan. Napakahalagang usapin din ito tungkol sa mga mag-asawa o magkarelasyon. Kaya’t hindi na bago kung ang isang tao ay mananaginip tungkol sa pakipagniig. Kadalasan din itong nagiging paksa ng kwentuhan ng mga magkakaibigan.
Interpretasyon ng panaginip tungkol sa pakikipagniig.
Maraming ibig ipahiwatig ang panaginip tungkol sa pakikipagtalik. Hindi naman ibig sabihin na literal na nais ng tao na makipagtalik kung sakaling managinip siya tungkol dito. Ayon sa mga eksperto, kadalasan sinisimbolo nito ang pag-iisa ng magkaibang pananaw ng magkarelasyon. Paminsan, maaring pinapahiwatig din nito ang mga bagay tungkol sa pakikipagtalik na hindi mo magawa sa totoong buhay.
· Pakikipagtalik tungkol sa dating nakarelasyon
Hindi laging ibig sabihin na kapag nanaginip tungkol sa dating karelasyon ay may nararamdaman pa ang nakaranas nito, pero pwede din naman na ikonsidera ito. Maaring din sobra kang nasaktan sa nangyari at may mga bagay na hindi naresolba patungkol sa inyong paghihiwalay. Pwede rin naman na may mga pangyayari sa kasalukuyan na nagdadala sa iyo ng takot na ito ay maaring humantong din sa paghihiwalay katulad ng nangyari dati.
· Pakikipagtalik sa isang artista
Ang isang simpleng eksplanasyon nito ay ang sobrang pagkahumaling mo sa artistang ito. Ang isa pang paliwanag ay ang pagnanais ng tao na maging matagumpay sa buhay at makikilala base sa kanyang mga nakamit na tagumpay.
· Panaginip na nagtataksil sa karelasyon
Hindi agad ibig sabihin na ikaw ay literal na nagtataksil o magtataksil sa iyong minamahal. Kung sa iyong panaginip ikaw ay nakikipagtalik sa iba, maaring may mga bagay sa inyong relasyon na sa palagay mo ay hindi sapat, pisikal man ito o emosyonal. Dapat din isaalang-alang kung sino ang kasama sa pakikipagniig. Kung ito ay isang tao na napapadalas mong kasama, maaring bigyan ng pansin kung gaano na nagiging malalim ang inyong pagkakaibigan.
· Panaginip na pinagtataksilan
Kadalasan ito ay nangyayari sa mga kababaihan kaya huwag mag-alala. Kung ikaw ay nanaginip na pinagtataksilan, maaring pinapaalala nito ang pagtataksil mo sa inyong sarili sa totoong buhay at kinakailangan na mas magtiwala sa sariling kakayanan at talento at kung paano ito nakikita ng ibang tao.
· Panaginip na nakikipagtalik sa kapwa babae o lalaki
Hindi ibig sabihin na ikaw ay bakla o tomboy kung sa iyong panaginip ay nakikipagtalik sa kapwa. Maaring pinapahiwatig lamang nito ang iyong pagtanggap at pagmamahal sa sarili.
· Panaginip tungkol sa pakikipagtalik sa miyembro ng pamilya
Pakatadaan na hindi ito imoral dahil ito ay isang panaginip lamang. Maaring ito lamang ay ang iyong pagnanais na mas mapalapit sa taong napanaginipan.
· Panaginip tungkol sa kakaibang pantansya sa pakikipagtalik
Kung ang panaginip na ito ay nagdala sa iyo ng kakaibang pakiramdam pagkagising, tandaan na normal lang na managinip ng ganito. Maaring tinutukoy lamang nito ang iyong pagiging malaya na gumawa ng desisyon para sa iyong sarili.
· Panaginip patungkol sa matinding kasapatan pagkatapos makipagtalik
Ito ay isang masayang panaginip, pero marahil ay nagtataka ka din kung bakit ka nanaginip ng ganito. Pwedeng pinapahiwatig nito ang matinding pagnanais sa pakikipagtalik na kailangan mailabas sa tamang paraan.
· Pakikipagtalik sa kasamahan sa trabaho na nakakataas
Depende sa relasyon mo sa katrabaho. Maaring ito ay isang magandang bagay o dapat ikabahala. Pwedeng ito ay isang paalala na dapat mas maging kontrolado ka sa kung ano ang nangyayari sa iyong buhay.
· Pakikipagtalik sa hindi kilalang tao
Pwedeng pagpapahiwatig ito na kailanganin mong mas manindigan sa mga pangyayari sa paligid mo hindi lang basta sumunod sa agos ng mga pangyayari.
Ang pakikipagtalik ay isang napakaespesyal na gawain sa pagitan ng dalawang tao. Sinasabing ito ay pagsasama ng kanilang mga kaluluwa. Kung kaya’t ang bawat panaginip patungkol dito ay isa ring paraan para makipag-isa sa iyong sariling katauhan.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation