Ano ang Kaibahan ng Globo at Mapa? Ano ang Pagkakatulad nila? Ang Kasaysayan ng Globo at Mapa, Sino Lumikha Mapa at Globo?

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Ano ang Globo?
Ang globo ay hugis bilog na parang bola. Ang salitang globo ay nagmula sa salitang lani na “globus”, na ang kahulugan ay globo. Ang Globo ay tinatawag na modelo ng mundo dahil isang oblate spheroid ito. Ang mga Griyego ang unang lumikha nito. Ito ay nilikha ni Crates noong 150 B.C. Ang pinakamatandang globo na buo pa rin hanggang sa kasalukuyan ay matatagpuan sa Museo ng Nuremberg sa Germany.  Ito ay ginawa ni Martin Behaim taong 1492. Ang makikita sa globo na ito ay ang kontinente lamang ng Europa.
Makikita dito ang eksaktong posisyon ng lokasyon, direksyon, distansiya, hugis at sukat ng mga lugar na nasa ibabaw ng daigdig.  Ito ang ginagamit upang lubos na maintindihan natin ang daigdig.


Ang Globo ay may iba’t ibang guhit na nasa isip lamang, ito ay tinatawag na “Imaginary Line”. Tinawag na nasa isip lamang ito dahil kung pagmasdan natin ang mundo, wala naman tayong nakikitang guhit. Ang Imaginary Line ay ginawa upang matukoy ang saktong lokasyon, hugis, laki, at sukat ng isang lugar.
Sa gitna ng globo ay mayroong pahalang na guhit na magkasinlaki ang sukat. Ito ay ang Hilaga at Timog. Hatingglobo ang tawag sa bawat bahagi. Ang nasa itaas na bahagi ay tinatawag na Hilagang Hatingglobo o “Northern Hemisphere”. Samantala ang nasa ibabang bahagi naman ay Timog Hatingglobo o “Southern Hemisphere”.

Ang mga pahalang na guhit sag lobo ay tinatawag na “Parallel o Latitude”. Ang mga guhit na ito ay umiikot hanggang 90 degree pataas at pababa mula sa ekwador. Ang Ekwador ay nasa 0 degree. Magkapareho ang distansiya ng mga parallel na guhit mula sa ekwador patungong Polong Hilaga at Polong Timog.
 
Ano ang Mapa?
Ang mapa ay isang papel na hugis kuwadrado. Dito naglalarawan ng kalakihan, mga lokasyon at tinatayang sukat ng isang lugar gamit ang mga simbolo. Nakikita ang pagkakaugnay ng mga rehiyon at tema na nagsasabi ng lawak at hulma nito.

Ito ay ginagamit sa pag-aaral ng tungkol sa daigdig. Makikita dito ang anyo at hugis ng mga kontinenteng matatagpuan sa daigdig. Ang mapa naman ay naipapakita ang lahat ng lugar sa isang tinginan lamang. Sa mapa madali mong makikita ang mga lugar na bumubuo sa ating daigdig.

Kasaysayan ng Mapa ng Daigdig
Taong 1537 natapos ni Gerardus Mercator ang kauna-unahang “Solong Produksyon”, ito ay mapa ng Israel. Ang lumang naitala ay nasa 30 pangalan ng lugar at karamihan ay nasa maling lokasyon. Samantala nasa 400 na lugar ang makikita sa nilikhang mapa ni Mercator. Makikita din ang ruta sa disyerto na dinaanan ng mga Israelitas sa kanilang paglisan sa Ehipto (Egypt).

Dahil sa matagumpay na pagguhit ng mapa, nagpasya si Mercator na gumawa ng mapa ng daigdig noong 1538. Si Mercator ang unang gumamit ng pangalang

“Amerika” para sa mga Hilaga at Timog-Amerika.
Taong 1541, nakalikha si Mercator ng mas detalyadong globo.
 

Kasaysayan ng Mapa ng Pilipinas
Taong 1732 ng inutusan ni Gobernador-Heneral Fernando Vales Tamon na gumawa ng mapa ng kapuluang Filipinas si Padre Murell Velarde.

Ang Mapa de las yslas o Mapa ng mga isla ng Filipinas ay ginawa ni Padre Murillo Velarde at inilimbag taong 1734. Ito ay itinuturing na “Ina ng mga Mapa ng Filipinas”.

Taong 1744 inilimbag ang maliit na bersiyon ng map ani Murillo at inilathala sa kasaysayan ng probinsya noong 1749.

Noong 1762-1764 nawala ang plate ng mapa sa panahon ng pananakop ng mga Ingles.

Taong 1934 itinala ni Padre Miguel Selga ang 125 na mga importanteng isla na matatagpuan sa mapa.

Taong 2012 Naibalik ang map ani Velarde sa kamay ng sambayanan dahil sa agawan ng Pilipinas at China sa Panatag Shoal (Scarborough Shoal). DIto nagpapatunay na pagmamay-ari ng Pilipinas ang Shoal sa paglalarawan ng mapa na dati tinatawag itong Bajo de Masinloc.
 
Ang Eskala ay isang paraan ng pagpapakita ng saktong sukat ng mga lugar sa mapa na tinutumbasan ng mas maliit na sukat.
Kartograper ang tawag sa mga taong gumagawa ng mapa.

Mga iba’t ibang uri ng mapa
1. Mapang Pampolitika- Dito makikita ang lungsod, kabisera, lalawigan, bayan, at barangay.

2. Mapang Pisikal- Naglalawaran ng anyong lupa at tubig.

3. Mapang Ekonomiko- Nagpapakita ng mga iba’t ibang produkto ng isang lugar.

4. Mapa ng Klima- Nagsasaad ng tipo ng klima sa iba’t ibang lugar.

5. Mapa ng Kalatagang-Lupa- Makikita dito ang topograpiya

6. Mapang Historikal- Matatagpuan ang mga makasaysayang lugar, tanggulan,  bahay ng mga bayani, parke, at iba

7. Mapa ng Transportasyon- Sinasaad sa mapa ang mga daan, riles, tren, paliparan, aklatan

8. Mapang Kultural- Nagsasaad ng museo, teatro, palaruan at iba pa

9. Mapang Botanikal o Soolohikal- Nagsaad ng mga kakaibang halaman at hayop

10. Mapang Demograpiko- Nagsasaad ng populasyon sa bawat rehiyon

11. Mapang Pang Aeronotikal- Nagsasaad ng airport, trips, runways, air traffic, at iba pa

12. Mapang pandaigdig- Makikita dito lahat na mga bansa sa buong mundo.
 
Pagkakatulad ng Mapa at Globo:
1. Lawak ng isang lugar

2. Eskalang ginamit sa pagtukoy sa sukat at layo.

3. Direksiyon mula sa guhit na itinakda sa sukat at layo.

4. Hugis o anyo ng mga kalupaan at katubigan sa mundo.

5. Ginagamit sa pagtuturo ng lokasyon ng isang lugar sa daigdig.

6. Ginagamit upang mas lalong maunawaan ang daigdig.

7. Pareho ang mga anyo at hugis ng mga kontinenteng matatagpuan sa daigdig.

8. Mayroong pahalang at patayong guhit

9. Mayrrong pananda at simbolo
Mahalaga ang mga guhit na ito upang matukoy ang ang saktong kinalalagyan ng isang lugar.
 
Pagkaiba ng Globo at Mapa
1. Ang globo ay iisa lamang, samantala ang mapa ay maraming uri.
 
2. Ang globo ay bilog, samantala ang mapa ay malapad.
 
3. Ang globo ay hindi natitiklop, samantala ang mapa ay natitiklop.
 
4. Naipapakita ng globo ang pag-ikot ng mundo, samantala hindi ito kayang ipakita na mapa.
 
5. Nakikita sa globo ang lokasyon ng kalahating daigdig, samantala nakikita agad sa mapa ang buong daigdig.
 
6. Ang globo ay mabigat at mahirap bitbitin, samantala sa mapa ay madaling bitbitin.

7. Ang globo ginagamit upang gawing modelo sa ating mundo dahil magkamukha sila, samantala ang mapa ay malayo ang hitsura.
 
8. Ang globo ay mahal, samantala mura lamang ang mapa
 
9. Ang globo ay napapaikot, samantala hindi pwede paikutin yong mapa.
 
10. Ang globo ay isang nasa isang posisyon lamang ito, samantala ang mapa ay maaring nakahiga o nakahalang dahil flat ito.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.