ANO KAPALARAN KO SA 2019? HOROSCOPE PAG-IBIG PERA TRABAHO ZODIAC SIGN PANANALAPI KALUSUGAN DATUNG KARERA

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano kaya ang iyong kapalaran sa taong 2019?
Lahat tayo ay gustong malaman ang mga maaaring mangyari sa ating hinaharap, maging suwerte o malas man ito. Ang taong 2019 ay sinasabing the year of the Earth Pig. Ito na kaya ang taon mo para magsimula ng negosyo o lumipat ng trabaho? Mahahanap mo na ba ang pinakahihintay mong pagibig? Ano kayang magiging lagay ng iyong kalusugan, pera, at trabaho sa taong 2019? Narito ang mga prediksyon sa parating na taon ayon sa pagkakaayos ng mga planeta.

Ang bawat pagpapalit ng taon ay nagbibigay din sa bawat isa ng bagong pag-asa at bagong pagkakataon. Maaring ang 2018 ay bahagyang hindi naging maganda para sayo, ang darating na 2019 ay puno ng pag-asa, pangarap at  hangarin. Panibagong taon upang baguhin ang hinaharap. Sa pamamagitan ng astrolohiya, maaring malaman sa pamamagitan ng inyong mga bituin kung ano ang nakalaan sa darating na tao. Maari mo itong gamiting gabay sa mga desisyon o plano na maari mong gawin.

ARIES

Ito ay ang mga ipinanganak mula Marso 21 hanggang Abril 19. Ito ang pinakaunang zodiac sign na tinatawag din na 'Fiery Aries'. Ang Aries ay may personalidad na gustong manguna sa lahat ng bagay at may taglay na lakas ng loob at tapang. Ikaw ay hindi takot na magumpisa ng isang bagay, proyekto o gawain dahil sa positibong pananaw at awra sa buhay na madali lang matapos ito. Ayaw ng Aries ang paligoy ligoy, may pagkukusa at malakas ang kumpyansa sa sarili. Ang negatibong karakter nito ay ang pagmamadali na hindi na nakakapagisip kung ano ang kahahantungan ng gagawin at mas madalas iniisip ang sariling kapakanan kaysa sa karamihan. Mahilig ka sa pisikal na aktibidad, at mahilig sa kompetisyon. Dahil sa pagiging aktibo, magiging maganda ang pangangatawan at magmumukhang bata. Likas sayo ang manaliksik ng panibagong kaalaman at karanasan.
 
Pag-ibig: Ang iyong love life ay magiging normal sa taong 2019. Kung mayroon ka nang kapareha ngayon, kayo ay mas magiging matatag at magtatagal. Mas susuportahan ka ng iyong minamahal. Siguraduhin lang na bigyan siya ng oras para maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan. Sa mga single, maari mong mahanap ang iyong pag-ibig bago matapos ang taong 2019.
 
Pera:  Ang iyong pinansyal na estado ay halos walang pagbabago. Mag ingat sa mga investment o paglabas ng pera. Maaaring may manloko sayo. May tiyansang lumago ang iyong pera sa darating na 2019 ngunit hindi gaano kalaki.
 
Trabaho/Negosyo: Maaaring magkaroon ng maliliit na problema sa iyong trabaho pagkatapos ng buwan ng Marso. May mga gusto kang gawin at makamit ngunit maaaring iba ang kalabasan nito. Hindi maganda ang taong 2019 sa pagpapalit ng negosyo o paglipat ng trabaho. Mas magandang maghintay muna sa susunod pang taon. Kung ikaw naman ay nag-nenegosyo, mas marami kang makukuhang bagong kliyente o mamimili sa taong 2019.
 
Kalusugan:  Mag-ingat sa iyong mga kinakain. Maaari kang lumobo o tumaba sa 2019. May tiyansa ding  magkaproblema ka sa iyong  mga binti, hita, balikat, at mga kasukasuan. Pwede ka ding mabiktima ng black magic.
 
TAURUS

Ito ay ang mga taong ipinanganak mula Abril 20 hanggang  Mayo 20. Ang mga Taureans ay masipag sa trabaho, praktikal sa kung anumang bagay,  pasensosyo at matapat sa kasintahan ang mga ilan sa magandang katangian ng Taurus. Ang seguridad at magandang estado sa buhay ang prioridad nito sa buhay. Gusto ng mga Taureans ng maginhawa at masarap na pamumuhay. Ang pagtatanim ng sama ng loob, pagiging ganid sa materyal na bagay at sakim ay mga negatibong personalidad ng Taurus.
 
Pagibig: Ito ang taon kung saan magkakaroon o mabubunyag ang mga tinatagong relasyon. Ikaw ay maaaring mahulog sa iba ng di sinasadya. Kung ikaw naman ay kasal na, mas malaki ang tiyansang matukso ka sa iba  bukod sa iyong kabiyak. Huwag maging masyadong mapusok, maaari kang makasira ng relasyon o pamilya dahil sa mga desisyon o gawain mo. Magdesisyon ng naaayon at wag pabigla-bigla, mahirap ng masisi sa huli.
 
Pera: Ang iyong pinansyal na estado ay mukha namang maayos sa darating na 2019. Magagawa mong ayusin ang mga bagay bagay para sa iyong kinabukasan. Maaayos din ang mga kakulangan o mga pangamba mo bago matapos ang taon. Ituon ang pansin kung anong mayroon ka at tuparin ito. Mas mainam na gawing prayoridad ito kaysa gamitin pang invest sa mga di siguradong negosyo o pagkakakitaan.
 
Trabaho/Negosyo: Ang iyong karera (career) sa taong 2019 ay hindi gaano kagandahan. Lahat ng mga gusto mong maatim sa taong ito ay hindi mo pa din makakakamtan. Gagawin mo ang lahat, ngunit may mga pagkakataon na saiyo pa din isisisi ang mga pagkakamali. Mas mainam na huwag ng umalis sa kasalukuyang trabaho. Kung lumipat ka man, halos parehas lang ang iyong mararanasan at makakasalamuhang tao sa bagong kompanya. Ipinapayong maging low profile, mas maging mabait at palakaibigan. Kung may negosyo ka, ihanda ang sarili sa mga di kanais nais na pangyayari. Maiirita ka sa mga bagay bagay. Mahihirapan kang mapakisamahan ang iyong kasosyo sa negosyo. Maaari ka din nilang dayain o lokohin, kaya’t mag-ingat ng mabuti sa kanila.
 
Kalusugan: Maaari kang dapuan ng mga sakit sa balat. Bukod pa dyan  ay ang food poisoning, kaya’t maging maingat sa iyong mga kinakain. Siguraduhing malinis ang mga pinagbibilhang tindahan o kainan. Maaari ding magkaproblema ka sa blood sugar (diabetes) at maging sa sakit sa puso (heart disease), sa padating na 2019.
 
GEMINI

Ito ay ang mga taong ipinanganak mula Mayo 21 hanggang  Hunyo 20. Ang taong pursigidong gawin ang lahat sa anumang larangan o aspeto ng buhay. Ang Gemini ay may taglay na talino, talas ng isip at pinanganak na may taglay na talento. Biniyayaan ng galing sa komunikasyon at sining lalo na sa pagbibigay buhay sa mga konsepto at ideya, lingwahe at literatura. Isa sa personalidad nito ay ang madaling magsawa kaya naman karamihan sa Gemini ay mahilig sa mga makabagong gadget o teknolohiya para maibsan ito.
 
Pagibig: Magiging  makulay ang iyong pagibig sa taong 2019. Maghantay lang ng katapusan ng marso at may isang susurpresa sa iyo. Maaaring ang dati mong kaklase o katrabaho na hindi mo pinapansin. O kaya naman ang dati mong crush na bigla na lang aamin na gusto ka din niya. Kund ikaw naman ay may kabiyak na, mas magiging masaya ang inyong pagsasama. Walang magiging problema o malaking pagtatalo sa taong 2019. Kaya huwag mangamba at sulitin ang inyong pagsasama. Mas mabuti ding magbakasyon ng kayong dalawa lang.
 
Pera: Mas dadami ang iyong ipon sa taong 2019. Mangyayari ito pagkatapos ng buwan ng Marso. Magandang mag invest ka sa isang long term investment. Ngunit bago mo gawin ito,  komunsulta  sa isang magaling na financial advisor. Makikita mo ang magandang balik o return of investment, makalipas ang ilang taon. Wag mag focus sa mga buwan na hindi maganda ang resulta ng mga investment mo, ito’y panandalian lamang.
 
Trabaho/Negosyo: Pagkakataon mo ng mapromote sa taong 2019. Mas marami ding magagandang oportunidad sayo mapa lokal man o ibang bansa. Magiging mataas ang iyong mga minimithi at kasabay nito ang iyong pagpupursigi. Marami kang magiging kaagaw o kabanggang katrabaho sa posisyong inaasam, ngunit ikaw ang mas aangat dahil sa angking talento at kahusayan. Kung ikaw naman ay may negosyo, wag mangamba dahil mas lalaki ang iyong kita. Mayroon din tiyansang mapalago o magkaroon na ibang pang franchise ang iyong business sa ibang lugar. Mas malalamangan mo ang iyong mga ka-kompetensya sa iyong negosyo. Maging open sa mga partnership dahil ito’y magiging ligtas sa taong 2019.
Kalusugan: Ang iyong kalusugan ay maaaring paiba-iba  sa taong 2019. Ang iyong mga kinakain ay magdadala ng mga kakulangan sa katawan. Ugaliing kumain ng sapat at wasto para maiwasan ang  nagbabadyang mga sakit. Maari ka din magka-sexual disorders. Kausaping mabuti ang iyong kapareha ng maiwasan ang pagtatalo. Komunsulta agad sa doktor sa kahit anong mang nararamdaman para maagapan ito.
 
CANCER

Ito ay ang mga taong ipinanganak mula Hunyo 21 hanggang  Hulyo 22. Ang mga taong tunay at busilak ang puso. Tulad ng karakter ng isang alimango, ito ay may makapal na panangga upang maprotektahan hindi lamang ang kanyang saloobin ngunit pati ang mga mahal nito. Sa lahat ng zodiac signs, ang Cancer ay may katangi-tanging busilak ang pagmamahal sa pamilya at ito ang sentro at dahilan kung bakit sila nabubuhay.   Karamihan sa Cancerian ay mas ginugugol at masaya sa pagaalaga sa mahal sa buhay kesa maglakwatsa kasama ang mga kakilala o kaibigan. Dahil nasanay na kasama ang kapamilya, ang Cancerian ay mahiyain at mahirap magpatawad.
 
Pagibig: Walang masyadong pagbabago sa iyong aspetong pagibig, magkakaroon ng kaunting pagtatalo sa minamahal ngunit ito ay hindi makakaapekto sa inyong samahan. Sa mga taong single, ipagpatuloy ang nasimulang pagtyatyaga, pangunawa at pagpupursigi dahil mapapansin ito ng iyong nililigawan at ito ang magiging taon mo ng bagong pagibig o maipagtuloy ang naudlot na pagmamahalan ng dating kasintahan.  Sa may mga kabiyak, hindi magiging maganda ang takbo ng inyong pagsasama at titindi pa ito pagdating ng Marso ng taong 2019. Susubukin ang inyong katatagan at pagmamahalan. Ito ang panahon kung saan marami ang pagdududa, pagaalinlangan at pagkabahala. Dahil sa mga negatibong dala nito, mababawasan ang iyong pagtitiwala sa iyong kabiyak. Magingat dahil baka makunan o dahil sa mga pagsubok maiisipang ipalaglag ang dinadalang sanggol.
 
Pera: Sa pagbabalik ng Jupiter sa kanyang senyales na Sagitarius, kung ang iyong aspetong pinansyal ay hindi maganda sa taong 2018, asahan na babalik ito ng normal sa taong 2019. Magkakaroon ka ng malaking pera at madadagdagan ang iyong ipon. Huwag basta basta magtitiwala at magpahiram kahit pa ito ay iyong kakilala. Napakalaki ng tyansa na ang perang pinaghirapan upang ipahiram lamang ay maaaring mawala parang bula dahil hindi na ito ibabalik pa. Ang iyong labis na pagtitiwala ay ang magiging dahilan ng pagkawala ng pera o pagkalugi ng iyong negosyo.
 
Trabaho/Negosyo: Ang takbo ng iyong karera sa buong taon ng 2019 ay magiging maayos. Mabibigyan ka ng malaki at magandang opurtunidad na makakapagdulot ng makahulugang pagbabago at epekto sa sarili. Sa mga walang trabaho, ito ang pinakamainam na taon na magapply dahil nakasulat sa iyong tadhana na makakahanap ka ng trabaho dahil sa napakaraming opurtunidad. Sa may mga trabaho, dahil sa positibong pananaw at determinasyon, ikaw ang mapipiling ipadala sa ibang lugar para magtravel upang maibahagi ang iyong kaalaman. Sa kabilang dako, dahil sa katanyagan at kagalingan marami ang maiinggit sayo.
Sa mga taong may negosyo, hindi magiging maganda ang takbo nito at makakaranas matumal na kita. Magingat sa papasuking bagong negosyo o investment at pagisipang mabuti dahil baka ito ay pagsisihan mo sa huli. Lapitin ka sa mga manloloko at manggagantso kaya naman maging alerto at matalino.
 
Kalusugan : Ang taong kanser sa 2019 ay maaaring makaramdam ng insomnia o mahihirapan sa pagtulog, karamdaman sa dugo, problema sa sistemang tiyan, pagkapoison at sakit sa balat.
 
LEO

Ito ay ang mga taong ipinanganak mula Hulyo 23 hanggang Agosto 22. May kasabihan na ang leo ay inihahalintulad sa katagang 'King of the Jungle'. Sila ay may taglay na amor sa tao, magaling mangumbinsi, kayang harapin ang pabago bagong sitwasyon at may natural na paguugali. Tulad ng peacock na ibon, sila ay may mabuting hangarin at kalooban para sa nakararami kaya naman bilang balik nakakakuha ng respeto at pagtitiwala.
 
Pagibig: Sa unang taon ng 2019, punong puno ng pagibig at pagbibigayan.  Ngunit pagdating ng Marso ng 2019, sa mga taong may karelasyon, makakaranas ng pagaalinlangan at poot sa iyong kasintahan at mauwi ito sa hindi kanais nais na paghihiwalayan.
Sa taong may asawa o kabiyak, magiging maganda ang romansa at pagibig ninyo sa taong 2019 dahil sa magandang pakikitungo, pagmamahalan, pagbibigayan at suportang ibinibigay sa isa’t isa. Susubukin ang inyong katatagan sa pagharap niyo ng mga pagsubok at problema pero dahil sa tiwala at lakas ng kompyansa sa sarili na may kabiyak kang maunawain at suportado ang bagay bagay mapagtatagumpayan niyo ito at mas papatibayin pa ang inyong samahan sa tulong nadin ng iyong planeta na gumagabay.
 
Pera : Ang iyong aspetong pinansyal o pera ay magiging makabuluhan. Ito ang panahon ng pag-ani sa pinagpaguran. Makakakuha ng malaking kita o tubo galing sa stocks o investments at dahil dito madadagdagan ang iyong savings sa bangko. May mga negosyo kang malulugi ngunit hind ito mararamdaman dahil mababawi ito ng mga iba mo pang negosyo. Magingat at gamitin ng maayos ang pera dahil baka ito ay mawala dahil sa tindi ng kompetisyon at pagsisihan ang maling desisyon sa huli.

Trabaho/Negosyo: Pagkatapos ng Marso ng taong 2019, ang Dasa ng Rahu o Dasa Lord ay nasa star ng Rahu na nagbibigay ng hindi magandang ikot ng iyong aspetong karera. Kung ang ikalimang planeta ay naging prominente bibigyan k nito ng maraming problema at pagsubok. Maaaring ikaw ay palitan o tanggalin sa trabaho o kaya naman madadagdagan ang gawain o responsibilidad na magdudulot ng stress at pagkawala ng gana sa pagtatrabaho.
 
Kalusugan: Kailangang magingat lalong lalo na sa katapusan ng Marso hanggang Mayo dahil ito ay kritikal sa iyong aspetong kalusugan. Ang mga karamdaman tulad ng problema sa binti, balikat at puso ay maaaring maranasan. Sinasabing malakinang tulong ng meditasyon, pageehersisyo tulad ng pagtakbo at paglakad.
 
VIRGO

Ito ay ang mga taong ipinanganak mula Agosto 23 hanggang Septyembre 22. Sila ang may taglay na katalinuhan at biniyayaan ng galing sa pagrason na mahirap pantayan o unawain dahil sa lalim ng kanilang pagiisip. Sila ay kalmado, maingat, at kahit maliit na detalye ay nabibigyan ng pansin at kahulugan. Ang Virgo ay laging naghahangad na maging perpekto sa lahat ng aspeto at bagay. Kailangang maintindihan na walang perpekto sa mundong ito at matutong tumanggap ng kritisismo at opinyon ng ibang tao.
 
Pagibig:Sa mga taong Virgo na may kasintahan maaaring matapos sa 2019 ang inyong pagmamahalan. Titindi ang pagdududa at pagaalinlangan sa iyong girlfriend o boyfriend. Ang pagiging maunawain at pagtitiwala sa isa’t isa ang susi upang malagpasan ito at mapagpatuloy ang pagmamahalan. Kung ito ay hindi mapagtatagumpayan, mauuwi ito sa hindi maganda pagkakaunawaan o permanenteng hiwalayan.
Sa mga taong Virgo na may asawa o kabiyak na, maging handa sa pagsubok at problemang kakaharapin sa taong 2019 hindi lang ito simple ito ay matitinding dagok sa iyong pagsasama na magdudulot ng malaking pagbabago sa estado ng inyong buhay.
 
Pera : Magiging stable ang takbo ng iyong aspetong pera o pinansyal. Ito ang pinakamainam na panahon na maginvest at tumanggap ng proyekto dahil lahat ng ito ay tatakbong matagumpay at lalago. Sa mga taong may business na, magiging maganda ang pasok ng pera at walang masyadong poproblemahin sa kasosyo o manggagawa lahat ng iyong desisyon ay kanilang susuportahan. Paalala, kapag ang iyong planeta ay iikot sa Dasa ng Ketu o Saturn, doblehin ang ingat para hindi magkaaberya ang swerte mo sa aspetong ito.
 
 
Trabaho/Negosyo: Pagkatapos ng Marso taong 2019, magkakaroon ng malaking pagbabago sa
iyong karera. Maaring tanggalin ka sa trabaho o kusang aalis na lamang dahil sa hindi magandang dulot nito. Sa mga taong virgo na maghahanap ng trabaho, ikonsidera ang lapit ng lugar o lokasyon dahil mas mainam ang progreso at kaginhawaang dulot nito. Ang iyong boss ay matutuwa sa kagandahang asal mo at determinasyon sa pagtatrababaho. Ikaw ay makikilala at baka mapromote pa sa iyong trabaho kung ito ay iyong paghubutihan. Ikaw ay magiging tanyag na Manager o Mentor sa papasukang kompanya at magiging inspirasyon ka sa iba.
 
Kalusugan: Ang aspetong kalusugan ay nasa maayos na kalagayan sa taong 2019. Panatilihin ang ginagawang pamamaraan upang maging maayos ito tulad ng paglalakad, pagtakbo at mga bagay na nakakapagpasaya sayo. May mga problemang baga o mga simpleng sakit lang na mararamdaman pero walang mga kritikal o malubhang mga karamdaman na pagdaraanan ayon sa ikot ng iyong palad.

Libra

Ang 2019 ay isang malikhaing taon para sa mga taong pinanganak sa bituin na ito. Ang bawat malikhaing ideya ay isang oportunidad para maabot ang iyong layunin. Napakagandang taon ito para sa mga taong nasa larangan ng pagpapaganda, at pagdedesenyo ng mga damit at gusali.
·       Pag-ibig- Napakagandang panahon ito sa larangan ng pag-ibig. Kung may lihim na minamahal, pinakamainam na panahon ang pagtatapat ng niloloob sa pagpasok ng April 16. Nakalinya ang iyong mga planeta para mas maging kagiliw giliw ka sa iyong minamahal. Siguraduhin ang bawat hakbang sa pagtatapat ng pag-ibig. Gawin ito sa tamang paraan. Dahil ang maling hakbang ay maaring magdala sa kanila sa ibang pag-ibig. Mas maglaan ng panahon para sa minamahal. Makakatulong ito para mas lumalim ang inyong pag-iibigan at pag-uunawaan. May mga dating relasyon din na muling mabubuhay at anumang di pagkakaintindihan ay mabilis na mareresolba. Gumawa ng maraming magagandang ala-ala kasama ang mga mahal sa buhay. Magandang taon din ito para magpakasal. Sa mag-asawa, maging maingat sa iyong pananalita dahil maaring magmulan ito ng di pagkakaunawaan. Huwag hayaan sirain nito ang isang magandang bakasyon. Huwag hayaang masira ng mga negatibong pangyayari ang mga masasayang alaala sa inyong pagsasama.
·       Panalapi- Ang libra ay kilala sa pagkakaroon ng balanse sa pisikal at mental na aspeto ng buhay. Nakalinya ang iyong mga planeta para sa balanseng pagpasok ng pera sa iyong buhay. Magiging patuloy ang magandang pasok ng salapi. Magiging mas elegante at makabago ang istilo ng pamumuhay. Hindi magiging mahirap ang pagbili ng mga pangangailang dahil sa magandang estado ng iyong pananalapi. May kapasidad ka din na makabili ng mga mamahaling gamit tulad ng alahas, sasakyan maging ng bahay dahil sa maganda pasok ng pera sa iyong buhay Maraming darating na oportunidad para kumita ngayong darating na taon. Subalit maging matalino pa rin sa iyong pag gastos para hindi mapunta sa mga hindi importanteng bagay ang iyong pinagpaguran.
·       Trabaho o Negosyo - Ang bawat pinagpaguran mo ay mabilis ding babalik sayo. Ang 2019 ay maaring mag-angat sayo at magbagsak din. Maging magpasalamat sa bawat tagumpay na darating ngayong taon na ito. Mabuting gawin ang buong makakaya sa bawat oportunidad na darating sayong buhay. Maraming matutunan na pwedeng pagkakakitaan. Napagandang taon ito sa mga taong nasa linya ng pagpapaganda, moda at pagdedesensyo maging ng damit o ng mga gusali. Makakakuha ng magandang suporta mula sa iyong mga kasamahan sa trabaho pati na sa mga nakakataas sayo. May mga kontratang pipirmahan na magbibigay sayo ng magandang pagkakakitaan. Ang Planetang Jupiter ay maaring nakaayon sayo subalit manatili pa din na maging maingat dahil pwede itong magbago. Maaring humarap sa mga pagsubok sa iyong trabaho. Pwedeng may makasamaan ng loob sa mga katrabaho kaya mainam na makisamang mabuti.
 
SCORPIO

May mga dalang negatibo at positibong bagay ang taong ito sa mga taong pinanganak sa simbolo na ito. Maaring magkaroon ng malaking pagbabago sa trabaho dahil sa magandang epekto ng paglinya ng Jupiter sa kanyang planeta. Dapat din pagtuunan ng pansin ang kalusugan . Kumain ng tama at ugaliing mag ehersisyo. Mayroon din mga importanteng pangyayari sa buhay sa panahon ng Hunyo hanggang Hulyo na maaring magbigay sayo ng konting kalituhan sa pagdedesisyon. Ito ay dahil sa di magandang paggalaw ng iyong mga planeta. Maari din itong makaapekto sa iyong kalusugan kaya dapat mag ingat.
·       Pag-ibig- May mga darating na di pagkakaunawan sa pagitan ng iyong karelasyon kaya dapat mas alagaan. Siguraduhing makipag-usap ng mahinahon upang mas magkaintindihan at mabilis na maresolba ang anumang pag-aaway. Iwasan din na makipagtalo sa iyong minamahal dahil maari itong mauwi sa malalang pag-aaway. May posibilidad din na mauwi sa paghihiwalay ang mga maliliit na argumento kaya kelangan mas maging maingat sa pananalita. Maari din maging sobrang abala sa trabaho o negosyo at mawawalan ng panahon sa pamilya. Kaya importanteng maglaan ng sapat na panahon para mas maramdaman nila ang iyong pagmamahal sa kabila ng iyong kaabalahan. Huwag hayaan na lumala ang maliliit na problema.
·       Pananalapi- Magandang taon ang 2019 pagdating sa pananalapi. Ang mga bagay na maaring nkakahadlang para maging maginhawa sa aspetong ito ay mawawala. Maaaring matapos na ang mga utang na binabayaran na pwedeng matagal ng nakabigat sayo. Malaking kagaanan ito sa iyong buhay at magiging dahilan para magkaroon ng panahon para asikasuhin ang sarili at ang hinaharap. Mas magkakaroon din ng panahon para pagplanuhan mabuti ang anumang usapin pagdating sa pinansyal. Pakatandaan na anumang maling desisyon pagdating sa pananalapi ay maaring magdala ng malaking epekto sayo. Maging mapanuri sa bagay na ito. Mas maging organisado pagdating sa mga gastusin. Iwasan ang mga gastusin na di naman kailangan. Malaking tulong ito para mas maging maginhawa ang pamumuhay. Ang mabuting pagpaplano sa bagay na ito ay magiging dahilan para mas magkaroon ng magandang agos ng pera sa iyong buhay. Ang pagiging maginhawa sa pinasyal na aspeto ay magiging dahilan din para mas magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
·       Trabaho/ Negosyo- Maraming positibong mangyayari pagdating sa iyong trabaho. Maaring makatanggap ng bonus or pagtaas ng sweldo. Pwede rin malipat ng trabaho na magbibigay ng mas magandang oportunidad. Ang pangarap na pagbyahe sa iba’t ibang bansa dahil sa trabaho ay nakikita din sa iyong bituin. May mga taong makikilala na magpapalawak ng iyong koneksyon para sa trabaho. Maaring magkaroon ng iba pang pagkakakitaan maliban sa trabaho. Marami kang maiisip na magagandang ideyas pagdating sa mas ikalalago ng iyong negosyo at makikilala dahil dito. Maraming magagandang oportunidad ang darating sa iyo sa taong kita kaya mabuting pangalagaan  ng maayos.
 
SAGITTARIUS

Maraming iba’t ibang oportunidad ang maaring dumating sa iyong buhay sa taon na ito. May mga darating na pagkakataon para mas matuto, lumago at gumaling sa napiling karera. Dahil sa planetang Jupiter, maari din magkaroon ng pagkakataon para makapunta sa isang banal na lugar na malapit sa puso mo. Maari ding maging abala sa mga iba’t ibang pilosopiya at gawain na may koneksyon sa iyong relihiyon. Maging maingat sa mga panahon ng Abril at Agosto.
·       Pag-ibig- Magandang pagkakataon ito para magsimula ng bagong pag-ibig o ayusin ang relasyon. May bago ding makikila na maaring magbigay kulay sa iyong buhay. Subalit maging maingat sa mga taong gagawin mong parte ng iyong buhay. Maaring magkaroon ng mga maliliit na alitan at di pagkakaunawaan. Huwag basta magpaapekto dito. Ang bawat pagsubok na darating ay may kasunod din naman na kaligayahan. Maging mahinahon sa paglabas ng iyong saloobin. Malaki ang matutulong ng pagtitimpi para mas mapabuti ang relasyon. Matutong makipag usap ng maayos sa iyong asawa o kasintahan dahil ito ang susi sa mas maayos na relasyon. Hindi man maging mabilis ang pagbabago sa inyong relasyon, maging matyaga lang dahil maayos din ang lahat. Magandang panahon din ito para ituloy sa kasalan ang inyong relasyon.
·       Pananalapi- Magkakaroon ng kasapatan pagdating sa pananalapi. Hindi masyadong magkakaroon ng problema pagdating dito. Magiging balance ang pagpasok at paglabas ng pera. Maari din magkakaroon ng pagkakataon para kumita maliban sa natural na pinagkakakitaan. Maaring madagdagan ang ipon sa banko. Dahil sa magiging maganda ang pagpasok ng pera sa iyong buhay, mas magiging komportable din ang pamumuhay. Umiwas sa mga hindi mahalagang gastusin. Kung magiipon at dadalhin ang pera sa mas kapakipakinabang na bagay, maari itong magbigay na maginhawang hinaharap. Huwag din basta ipagkatiwala ang pera sa mga di masyadong kilalang tao dahil maari itong magdala ng di magandang pangyayari. Maaring kumonsulta sa mga eksperto pagdating sa usaping pinansyal para mas makasiguro na maganda ang idudulot nito sa iyo.
·       Trabaho/ Negosyo- Dahil sa natural na karakter ng Sagitaryo sa paghahanap ng magandan oportunidad sa buhay ito ay magiging dahilan upang maging maayos ang trabaho o negosyo. Lilipas ang panahon sa pagpunta sa iba’t- ibang lugar, at kung may makikitang magandang oportunidad sa byaheng ito para mas palawakin ang kaalaman, ito ay maari din magdala ng kaginhawaan sa mga darating na panahon. Maaring magkaroon ng mga di magandang pangyayari sa iyong karera sa panahong ito. Manatili lamang sa tamang direksyon at gamitin mabuti ang anumang bagay na pinghahawakan. Sa kalagitnaan ng taon, may darating magandang balita tungkol sa iyong karera, maaring pag-angat sa pwesto o dagdag na sweldo. Iwasang gumastos sa mga hindi importanteng bagay. Maaari itong magdulot ng problema sa pinansyal. Subalit, huwag mag-alala dahil ito ay panandalian lamang.
 
CAPRICORN

Maging handa dahil ang taon na darating ay magdadala ng napakapositibong pagbabago sa iyong buhay. Kilala ang mga taong pinanganak sa simbolo na ito na ambisyoso at determinado para abutin ang bawat pangarap. Kilala din sila na isang matulunging tao. Dahil sa natural na pag-uugaling ito, magandang pagplanuhan ang darating na hinaharap. Pag-igihin ang sarili. Subukang gumawa at mag-isip ng mga makatotohanang plano sa buhay at manatiling nakapokus dito. Huwag din mag-alala sa mga pangpinansyal na bagay dahil ang darating na taon ay magbibigay ng magandang resulta.
·       Pag-ibig – Magandang panahon ito para magsimulang muli sa larangan ng pag-ibig. Maaring maglakbay kasama ng iyong minamahal na magbibigay daan para mas lumalim ang inyong pagsasama. Siguraduhin na mapunan ang pangangailangan niya sa panahong ito. Magandang pagkakataon din ito para pagtuunan siya ng oras. Nasa elemento mo din ang pagpapakasal at kung gagawin ito sa taon na darating mas magiging maganda ang pagsasama at maiiwasan ang away. Huwag hayaan na sobrang matuon ang atensyon sa pag-ibig dahil maaring mapabayaan ang trabaho. Gawin ang buong makakaya na maging balanse sa lahat ng aspeto para mas maging magaan din ang pamumuhay.
·       Pananalapi- Magiging positibo at magaan ang taong ito para sayo. Sa pagpasok pa lamang ng taong maari ng makuha ang kinita sa mga negosyong pinasok. Ang pagpasok ng pera ay manggagaling sa iba’t ibang paraan. Maging maingat lamang sa mga di inaasahang gastusin. Marami sa iyong gastusin ay mapupunta sa iba’t ibang luho ng kapamilya. Dahil sa mga luhong ito, maaring magamit pati ang iyong naipon. Kelangan mas maging mapanuri sa aspetong ito. Gamitin sa tamang paraan ang mga kinita dahil ito ang magbibigay sayo ng mas magandang oportunidad. Maaring makahanap ng ibang paraan ng pagkakakitaan bago matapos ang taon. Maaring maging maganda ang nakatadhana sa iyo sa taon na darating subalit mainam pa rin na maging masipag sa pag-abot nito.
·       Trabaho/ Negosyo- Magiging maganda ang pagpasok ng taon na ito sa iyong trabaho at negosyo. Kung nagpaplano na lumipat ng trabaho para sa mas malaking sweldo, ito ang tamang panahon para gawin ito. Kailangan pagbutihan ang trabaho hanggang maganda ang takbo nito, upang maging handa kapag dumating ang panahon ng pagsubok dito. Mas mabuti ng maghanda para anuman ang dumating, hindi magiging mahirap ang sitwasyon. Maraming tinatagong biyaya ang pagpasok ng taon na ito. May mga darating na higit pa sa iyong inaasahan. Magugustuhan ng iyong mga kasama sa trabaho ang iyong ginagawa na pwedeng magbigay sayo ng pagkilala o pag-angat sa pwesto. Matutuon sayo ang atensyon ng nakararami na magbibigay din sayo ng positibong pananaw sa buhay. Huwag lamang magpadala sa dami ng atensyon na nakukuha. Ipagpatuloy lang ang iyong ginagawa para mas maabot ang iyong inaasam na tagumpay sa darating na hinaharap.
 
AQUARIUS

May kakayahan kang magpakita ng napakahabang pasensya sa lahat ng oras. Subalit ito ang tamang panahon para mag-isip at bigyan ng aksyon ang  mga bagay bagay. May kakayahan kang pag-isipan at pagplanuhan ng mabuti ang mga pangyayari. Ito ang isa sa mga karakter mo na magdadala sayo sa tagumpay. Ano mang hirap ng buhay ay iyong malalampasan dahil sa kakayanan mong tingnan ang mabuting idudulot nito. Tanging ikaw ang magbibigay pag-asa sa iyong buhay kung sakaling darating ang panahon na mawawala ito.
·       Pag-ibig- May malaking posibilidad na uulan ng pag-ibig sa panahon na ito. Mas lalalim ang pag-ibig sa karelasyon na magdudulot ng positibong bagay sa inyong pagsasama. Ang iyong natural na karakter ang magiging dahilan para mas mahalin at magustuhan ng tao. Huwag lamang basta magbibitaw ng pangako. Ingatan na makaapekto ang pag-ibig sa iyong trabaho. Huwag din hayaan na masira ang pagsasama bilang magasawa dahil sa di pagtanggap ng pagkakamali. Anumang allinlangan at di pagkakaunawaan ay mawawala sa taon na ito. Maraming biyaya ang daratin sa inyong mag-asawa na magdudulot ng mas maayos at masayang pagsasama.
·       Pananalapi- Maging mahirap pagdating sa pananalapi ang taon na ito. Magigipit ka sa pera sa maraming aspeto ng iyong buhay. Makikila mo din ang iyong mga tunay na kaibigan sa pagdaraanan na pagsubok. Nakikita sa iyong mga bituin ang matinding paglabas ng pera. Sa kalagitnaan ng taon ay mangangailangan kang mangutang para mapunan ang inyong pangangailangan sa pamilya. Maging maingat sa iyong pagastos. Iwasan ang mga gastusin na di importante at di kailangan. Matutong pagplanuhan mabuti ang bawat paglabas at pagpasok ng pera, Mas pagigihan mo ang iyong trabaho para mas makakuha ng malaking kita. Sa pamamagitan nito, maari mong mapagtagumpayan ang pinagdadaanan. Kung magiging matalino sa aspetong pinansyal, hindi ka kukulangin sa panggastos. Ang iyong pagpupursige sa buhay ay magdudulot ng magandang resulta para mapagtagumpayan ang kakulangan na pinagdadaanan.
·       Trabaho/ Negosyo-. Maging matapang para harapin ang pagbabagong ito. Hindi magiging maganda ang pagkakaayos ng mga bituin pagdating sa iyong trabaho. Maaring magdulot ito ng negatibong epekto sayong pangkabuhayan. Ang mga negosyong may kinalaman sa lupa, pabahay o kemikal ay magandang pasukin para sayo. Pwede ring pasukin ang negosyo tungkol sa pag-kain at magdadala din ito ng positibong epekto sayo lalo na kung magiging maganda ang iyon serbisyo sa iyong mga tagatangkilik. Ang mga buwan na Enero hanggan Hunyo ay magiging maganda sayo. Kikilalanin ka sa iyong trabaho at gagawin nila ang lahat para huwag kang umalis. Subalit, mag-ingat pagpasok ng Hulyo hanggang Agosto. Pagtuunan ng pansin ang maliliit na detalye ng ng iyong trabaho at negosyo. Dapat din mas pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan. Ang pagkakasakit ay maaring magdala ng malaking pagkalugi sa trabaho o negosyo. Iwasang pumasok sa bagong negosyo o trabaho sa mga panahong ito. Sa pagtatapos ng Agosto hanggang Nobyembre babalik ang sigla ng lahat.
 
PISCES

Ang pagiging natural na matalino ay magdudulot para mas hangaan ka ng mga nakapaligid sayo. Ito ay masusubok sa panahong ito. Subalit huwag maging mayabang dahil dito . Magiging madali sayo ang gumawa ng solusyon dahil dito. Maraming hihingi sayo ng payo dahil na natural na taglay mong talino at talas ng pag-iisip. Marami ka din maiimpluwensyahan dahil dito. Maraming pagsubok at pagtatagumpay na darating sa taon na ito. Mas magkakaroon din ng pagkakataon para kilalanin ang iyong sarili. Tandaan lang na lahat ng pagsusumikap at aani ng tagumpay.
·       Pag-ibig- Ang pagumpisa ng taon ay magiging maganda sa larangan ng pag-ibig. Subalit pagpasok ng Marso magiging mahirap sa larangang ito. May mga pagsubok na pagdadaanan. May mga di inaasahang komplikasyon na darating sa mga taong may karelasyon sa panahon na ito. Hindi rin ito magandang panahon para pumasok sa bagong relasyon. Ang mga bagong karelasyon ay maaring hindi magtagal dahil sa mga di pagkakaunawaan. Iwas ang di pagkakaunawaan sa mga panahon bago matapos ang Pebrero dahil maari itong humantong sa paghihiwalay. Mainam na makipag usap at makipag linawan ng mabuti bago magdesisyon. Maging maingat sa lahat ng gagawin sa mga panahon na ito. Makakabuting mas maglaan ng panahon sa minamahal para maiwasan ang di pagkakaunawaan at paghihiwalay.
·       Pananalapi- Ngayon ang panahon para anihin ang lahat ng pinaghirapan ng mga nakalipas na panahon. Magbibigay ito ng magandang pasok ng pera sayo. Magkakaroon ng sapat na salapi para tustusan ang mga gastusin sa panahong ito. Kung natututong magtabi at maipon ng mga nakaraang panahon mas makakatulong ito para maging matatag ang iyong estado. Mas magiging komportable ang iyong pamumuhay dahil dito. Iwasan pa din ang mga di pag gastos na di importante dahil aanihin din ito bandang huli. Matutong palaguin ang iyong pananalapi. Maaring maipit sa utang dahil sa di planadong paggastos kaya maging mapanuri pagdating dito. Iwasan din magpautang sa mga kaibigan o kakilala dahil magiging mahirap ito na mabawi. Kakailanganin mo ng pera para sa lahat ng iyong pangangailangan kaya dapat mas pagbutihin ang iyong trabaho para mas mapalago ang iyong pondo.
·       Trabaho o Negosyo- Natural na magaling ka sa maraming aspeto ng iyong trabaho. Subalit maaring humarap sa pagsubok sa mga unang linggo ng Enero dahil sa bagong lipat na katrabaho na nakakataas sayo. Maaring kailanganin na makisama ng mabuti para mapagtagumapayan ito. Kung magtatrabaho ng  mabuti mas kagigiliwan ka ng iyong mga kasamahan. Magiging magandang panahon din ito sa mga naghahanap ng trabaho. Magandang kumpanya ang maari niyang mapasukan. Maging matalino sa paggawa ng desisyon pagdating sa aspetong ito. Gumastos lamang sa mga importanteng bagay. Magiging magandang panahon din ito para pumasok sa bagong negosyo. Iwasang makipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho at siguraduhin na masolusyunan ang problemang dumating.
 
Ang lahat ng mga natalakay ang maaring gawing gabay para sa pang-araw araw na pamumuhay. Subalit ang magandang kinabukasan ay nakakasalalay pa rin sa iyong sipag sa trabaho at malasakit sa kapwa.

Tandaan: Ang mga prediksyong nabanggit ay mga gabay lamang. Nasa sa inyo pa din ang huling desisyon kung gagawin o susundin ang mga ito. Ang mga horoscope na ito ay gabay lamang at walang tiyak na kasiguraduhan. Ang ating mga kapalaran ay maaaring mabago ano mang oras. Huwag lang i-asa dito ang iyong hinaharap, bagkus magsumikap at makuntento sa mga biyayang natanggap.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Normih  Ambulinog Usi
is a domestic helper in Saudi Arabia
sarap naman ng mga kahulogang binabasa ko.na naging kasi ako ng pera.panaginip ko pinalitan ako ng maraming mahirapan na tao.puro tumawa mga tao kasi masaya sila sakin kasi nag bibigay ako sa kanila.sarap naman Yong panaginip ko.sana matupad panaginip ko at makatulong sa maraming tao na nangangailangan ng pera.sarap buhay makatulong sa mga tao.sarap pakiramdam. dami ko ng.natutunan dito maraming salamat.
Shirley Peralta
is in the Philippines
Ano ang kapalaran ko ngayon 2019 makakapunta po ba ako ng ibang bansa
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit malas ako sa pag aasawa lagi ako nasasaktan pinagpapalit sa iba .sana itong 2019 hindi na ako iwan sana siya na yong lalaking pakakasalan ako

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.