PAMPAPUTI ng NGIPIN: Ano mabisang halamang gamot sa Paninilaw ng teeth? Whitening yellow stains

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kapag ang ngipin ay kasing dilaw ng mais, siguradong walang isa man sa atin ang matutuwa at ipagmamalaki ito sa kahit kanino. Sa videong ito ibabahagi namin sa inyo kung paano magpaputi ng ngipin ng hindi mabigat sa bulsa, at sigurado na ang inyong mga ngiti ay abot hanggang langit.

Pero bago ang lahat, alamin muna natin ang ilang dahilan kung bakit naninilaw ang ngipin. Ano nga ba ang nagdudulot ng pagkasira at paninilaw ng ngipin? Ayon sa mga eksperto maraming dahilan ang nagdudulot ng pagkasira o paninilaw ng ngipin. Ilan sa mga ito ay mga inumin na mataas ang coloring, katulad na lamang ng wine, kape at softdrinks dahil nag- iiwan ang mga ito ng mantsa sa ngipin.
Ano mabisang halamang gamot pampaputi ng ngipin? Paninilaw ng teeth whitening stains
Ang paninigarilyo ay isa rin sa pangunahing dahilan na nakakapagpanilaw ng ngipin. Bukod pa sa mga ito, ang hindi pag-aalaga ng maayos sa ngipin, ang pagkaligta sa pagtotoothbrush o pagkain na matatamis, ay talagang makakasira ng ngipin. Gayunpaman, wag mawalan ng pagasa at mabahala, sapagkat maraming paraan upang malutas ang ganitong problema.
 
Sa panahon ngayon, hindi mabilang ang samu’t saring produkto na inaalok sa market upang mapaputi ang ngipin. Ngunit, ang ilan sa mga ito ay may halong kemikal na maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao. Ang pagpapakonsulta naman sa dentista ay baka hindi swak sa badget. Kaya naman ito ang ilan sa mga natural at murang paraan upang mapaputi ang ngipin sa loob lamang ng iyong bahay na siguradong ligtas at epektibo.
Ano mabisang halamang gamot pampaputi ng ngipin? Paninilaw ng teeth whitening stains
Kalamansi
·       Hindi lamang ito nagagamit bilang sangkap sa lutuin kundi nakakatulong din ito upang mapaputi ang iyong ngipin. Ito ay prominente na sa ating mga Pilipino at tiyak na sa bawat bahay ay hindi mawawalan ng kalamansi. Upang magamit ito bilang pampaputi ng ngipin, gawing juice ang kalamansi at inumin upang matanggal ang mantsa o dumi na nasa ngipin. Ito ay hindi lamang nakakaputi sapagkat pwede rin itong alternatibong mouthwash upang maibsan ang mga hindi kanais- nais na sakit dulot ng maruming ngipin. Mabibili ang kalamansi sa mga lokal na palengke at grocery.
Ano mabisang halamang gamot pampaputi ng ngipin? Paninilaw ng teeth whitening stains
Asin
·       Ang asin ay nagtataglay ng antibacterial properties at kilala na bilang paraan na parehong nakakaputi ng ngipin at pinangangalagaan din ang gilagid. Paano nga ba ito gamitin? Ihalo ito sa toothpaste bago magtoothbrush o kaya naman ay sa mainit na tubig at gawin itong mouthwash. Huwag gamitin ang paraang ito kung ikaw ay may sugat o singaw. Ang asin ay maaaring ding mabili sa lokal na palengke at grocery.

Baking Soda
·       Mayroong natural na properties ang baking soda na nakakapagpaputi ng ngipin. Dahil sa taglay na kagaspangang taglay ng baking soda, epektibo itong gamitin para matanggal ang mga mantsa sa ngipin. Isang benepisyo pa nito ay ang pagpigil ng pagdami ng bacteria sa bibig. Gayunman ay wag asahan na ang epekto nito ay mangyayari paglipas lamang ng isang tulog dahil ang epekto nito ay unti-unting makikita depende sa tagal ng paggamit. Para sa paraang ito, kailangang gumawa ng paste. Paghaluin ang 1 kutsaritang baking soda at 1 kutsaritang tubig hanggang maging paste at ilagay sa malinis na toothbrush, matapos ay iscrub ito sa ngipin. Gawin ito ng 2-3 beses sa isang linggo.
Ano mabisang halamang gamot pampaputi ng ngipin? Paninilaw ng teeth whitening stains
Pinya

·       Hindi lamang masarap at masustansya kumain ng pinya, may benepisyo pa ito para sa iyong ngipin! Habang ikaw ay kumakain ng pinya, nakakaputi ito ng ngipin sapagkat ang prutas na ito ay naglalaman ng bromelain, isang sangkap na matatagpuan sa mga whitening toothpaste. Ang pinya rin ay nakakapagtanggal ng dumi at tartar sa ngipin.  

Mantika o oil
·       May isang paraan ang mga sinaunang indian na tinatawag na “oil pulling”. Ito ay ang paggamit ng mantika o oil sa bibig. Ang paraan raw na ito batay sa ilang pag-aaral na napatunayan ng epektibo sa pagtatanggal ng mga bacteria sa bibig at pagpapaputi ng ngipin. Iba’t- ibang klase ng mantika o oil ang pwedeng gamitin para sa oil pulling, tulad na lang ng coconut o sunflower oil, dahil sa mabango nitong amoy. Pero kahit anong uri naman ay pwede na gaya ng vegetable oil dahil kadalasan naman ito na ang nasa bahay.
Ano mabisang halamang gamot pampaputi ng ngipin? Paninilaw ng teeth whitening stains
Kumuha lang ng isang kutsarang oil at imumog ito sa bibig sa loob ng 10-15 minuto. Tulad sa mouthwash, ito ay idura sa basurahan pagkatapos. Hindi gaya sa ibang paraan na ginagawa lang ng 2 o 3 beses sa isang linggo, ang oil pulling ay maaaring gawin araw-araw.
Ano mabisang halamang gamot pampaputi ng ngipin? Paninilaw ng teeth whitening stains
Hydrogen Peroxide
·       Ang hydrogen peroxide ay isang natural na bleaching agent. Madalas ito ang ginagamit sa sugat dahil may kakayahan itong pumatay ng mga bacteria. Maglagay lamang ng 1% hydrogen peroxide sa toothpaste, at sa ilang linggo lamang makikita na ang napakagandang resulta. Tulad ng mga nabanggit ng paraan, ang hyrogen peroxide din ay pwede ring gawing mouthwash sa pamamagitan ng paghalo ng 1 kutsarita nito sa tubig. Paalala lamang ang pag-iingat sa paggamit nito, siguraduhing 1% solution lang ang gagamitin at huwag araw-arawin upang maiwasan ang mga side effects. Ang hydrogen peroxide ay mabibili sa mga  lokal na drugstore.

Upang mas lalo pang makita ang epekto ng mga paraan nabanggit, samahan ito ng pagbabago sa diet. Iwasan na ang mga inuming kape, wine at softdrinks, dahil katulad ng nabanggit kanina, ito ay mataas sa coloring. Kung hindi talaga maiiwasan ay gumamit ng straw para hindi direkta ang kontak sa ngipin at hindi mamantsahan. Siguraduhin ding magtoothbrush agad pagkatapos. Damihan din ang pagkain ng mayaman sa calcium tulad ng gatas, keso, okra at sardinas para mapatibay ang ngipin at mapanatili ang kaputian nito. Panghuli syempre ang pinakamahalaga sa lahat, magtoothbrush ng 3 beses sa isang araw! Pagkagising, pagka-kain at bago matulog, samahan na rin ng pag-mouthwash.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)