Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Sang ayon ba kayo na ang ipis ay marurumi at nakakainis na mga peste? Oo, hindi ba?
Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Pero ang mga kadalasang nabibiling pesticides ay masangsang ang amoy, peligrosong gamitin at mahal.  
Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Kaya kalimutan ang mga toxic na chemicals at subukan ang 100% natural na mga pamamaraan para mawala ng mga pesteng ipis sa bahay ninyo.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Bago namin sasabihin ang mga epektibong lunas kontra sa ipis, alamin muna natin kung anong parte ng bahay ninyo ang pinamumugaran ng ipis at bakit. Importanteng malaman kung nasaan ang kalaban, hindi ba? Ang pagdami ng ipis ay kadalasan nagsisimula sa kusina, lalo na sa mga madidilim at mahihirap abutin na lugar gaya ng ilalim ng mga cabinets at appliances.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Importanteng panatilihing malinis ang kusina bago at pagkatapos magluto. Siguraduhin din na walang tira o natapon na pagkain sa mga lamesa o cabinet. Ang mga ipis ay naaakit sa basura, karne, keso, matatamis na pagkain at mantika.
Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Siguraduhin na nakatago ang mga ito at nakalagay sa tamang lalagyan. Kung sakali naman na nakaligtaan, meron namang pangontra na kadalasang nakikita sa ating kusina:
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Dahon ng Laurel – Nagtataboy ng ipis ang amoy ng laurel. Maaaring mayroon na kayong laurel sa inyong kusina, pero madali lang itong mabili sa kahit saang tindahan. Subukang magsingit o magbugkos ng ilang piraso at ilagay sa kasulok-sulukang parte ng bahay na hindi kayang abutin. Dahil baka ipanghalo na ito sa adobo ng nanay o asawa mo, kapag naaabot at natatanaw lamang. Ang paraan na ito ay maaaring makaubos ng maraming laurel, ngunit isa itong maganda at natural na paraan para magtaboy ng ipis.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Bawang (Garlic) o Cayenne Powder - maraming panrekado o panimpla na nakakapagtaboy sa ipis dahil sa natural na matapang na amoy ng mga ito. Maaaring gumamit ng Garlic o Onion powder at magkalat sa lugar na pinamumugaran ng mga ipis. Pwede rin ninyong paghaluin ang Garlic at Onion powders para sa isang napakatapang na “repellant”!
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Calamansi  o Lemon - Hatiin ang isang lemon at pigain ang juice sa ibabaw ng mga counters o lugar kung saan dumadaan ang mga ipis. Maaari ding maglagay sa isang spray bottle ng calamansi juice at tubig.  I-spray ito sa mga madidilim na lugar na gustong gusto ng mga ipis. Ang lemon juice solution na ito ay magtataboy, magbibigay ng magandang amoy sa inyong kusina at magsisilbing natural na disinfectant. Importante ito dahil ang ipis ay nagdadala ng bacteria at virus.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Soap Solution - Maghanap ng sabon na may sangkap na Borax, para sa isang malakas at matapang na solution. Ang Borax ay isang natural na antiseptic at cleanser na ginagamit na sangkap sa mga sabong panlaba at sabon sa kamay. Maghalo ng sabon sa konting tubig. Ikalat o ipahid ang solusyon sa counters ng kusina at mga pugad ng ipis. Ang mga ipis at mga kaparehong peste ay humihinga sa pamamagitan ng butas ng balat o shells nila. Kung kaya’t sa paggapang ng mga ipis sa solusyon na ito, ang “sodium” ng solusyon ay papasok sa kanilang mga balat at magiging dahilan ng kanilang pagkatuyo at pagkamatay. Eto ang dahilan kung bakit napaka epektibo ng Borax sa pagpatay ng mga ipis at ibang kaparehong peste.

MGA BITAG (o TRAP)
 Maliban sa mga natural na paraan na nabanggit, mayroon ding mga bitag ng ipis na pwede ninyong gamitin. Maaaring mayroon na kayo nito sa inyong kusina. Sa oras na napaghalo na ninyo ang mga sangkap, maglagay sa mga pinamumugaran ng ipis gaya ng madidilim na lugar, kung saan sila naghahanap ng mga makakain at tubig. Pero sa paraan na ito, imbes na pagkain at maiinum, ang makikita nila ay bitag na pala sa kanila.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
1.     Baking Soda at Asukal - Gumamit ng takip ng bote ng juice. Maghalo dito ng 1:1 mixture ng baking soda at asukal. At maglagay sa tabi nito ng isang kaparehong takip at lagyan ito ng kaparehong dami ng tubig. Ilagay ang dalawang lalagyan sa pugad ng ipis. Ang matamis na amoy ng asukal ang aakit sa ipis para kainin ang mixture. Kapag uminum ang ipis ng tubig, magkakaroon ng reaction ang baking soda at tubig sa loob ng tiyan ng ipis. At masama ito para sa kanila. Malimit na silipin ang bitag at linisin ang paligid. Kung kailangang dagdagan ang mixture at tubig, gawin ito.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
2.     Duct Tape - Gumupit ng duct tape na kasing haba ng braso. Ilapat na nasa ibabaw ang madikit na parte ng tape at itupi ang magkabilang dulo para madaling hawakan at itapon pagkatapos gamitin.
Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
Tandaan na ang ipis ay madaling maakit sa matatamis at oily na pagkain kaya maaaring gumamit ng keso o isang kutsarang peanut butter na may kaunting asukal sa ibabaw. Idikit ang bitag sa gitnang bahagi ng tape. Sa ganitong paraan, ang ipis ay madidikit sa tape sa paglapit niya sa bitag. Huwag gumamit ng liquid trap para hindi matunaw ang pandikit ng tape.
 Ano mabisang pamatay ipis? Natural na paraan para maiwasan cockroach at paano puksain?
3.     Slippery Jar - Humanap ng maliit na jar o bote. Siguraduhing malinis at tuyo. Ilagay ang bitag sa loob ng bote gaya ng peanut butter, keso o gamit na mantika. Pahiran ng petroleum jelly ang buong loob ng bote, lalo na sa bandang bibig. Sa ganitong paraan, gagapang ang ipis papunta sa loob ng bote para kainin ang bitag pero hindi na sila makakaakyat palabas dahil sa dulas. Gumawa ng maraming slippery jars at ikalat sa buong bahay.
 
Kailan nga ba natin malalaman kung marami ng ipis sa bahay? Maaaring isipin natin na ang ipis ay mahiyain na palagi lang nagtatago. Sa gabi sila lumalabas para maghanap ng pagkain, kung kailan tulog ang buong kabahayan. Kung makakita kayo ng isa o dalawang ipis, ibig sabihin napakarami na nila sa kanilang pugad.  Kaya kapag nakakakita kayo ng ipis sa umaga, malaki na ang inyong problema. Kung gumamit ng ilang paraan na nabanggit pero walang nakikitang pagbabago, maaaring panahon na para tumawag ng tulong sa mga eksperto.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.