ANO ang mga GAMIT ng PANGNGALAN? Simuno, Pantawag, Kaganapang Pansimuno, Layon Pandiwa, Layon Pang-ukol

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Tinatawag na pangngalan (sa Ingles: noun) ang mga salita o parte ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan, bagay pook, hayop o pangyayari.

Mayroong iba't ibang gamit ang pangngalan sa pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga gamit ng Pangngalan sa pangungusap:

1. Simuno - Ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Ang Red Cross ay tumutulong sa mga nangangailang ng dugo.

2. Pantawag - Pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap.
Halimbawa: Inay, ikaw ay tunay na dakila.

3. Kaganapang Pansimuno - Ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa panaguring tinutukoy dito ay iisa lamang.
Halimbawa: Ang Sagip Kapamilya ay organisasyong tumutulong sa mga nasasalanta ng baha o kaya ay nasunugan.

4. Pamuno - Ang simuno at isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
Halimbawa: Si Beth, ang pulubi ay ubod ng sipag.

5. Layon ng Pandiwa - Tuwirang layon, Ang pangngalan ay ginagamit na layon ng salitang kilos sa pangungusap.  
Halimbawa: Humanap ng mapagkakitaan ang mga bata upang makakain.

6. Layon ng Pang-ukol - Ang pangngalan ay ginagamit na layon ng pang-ukol sa pangungusap.
Halimbawa: Tungkol sa kagubatan ang napagpulungan sa baranggay.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.