ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR

Medical Team
is a Medical expert in United States

Tinatawag ang diabetes na ‘Silent killer’. Dahil hindi napapansin kaagad ang mga maagang sintomas nito. Pero wag magalala at maaaring maiwasan ang Type 2 diabetes. Importante lamang na malaman ang mga maagang senyales, upang maagapan agad. Delikado kasi kung ilang taon mayroong kang diabetes at hindi mo alam, dahil pwede magka-komplikasyon, tulad ng pagkasira ng kidney na maaring humantong sa dialysis at sa high blood pressure na pwedeng ikamatay. Kaya’t nakakasalba ng buhay ang pag-alam ng maaga kung may diabetes o wala.

Narito ang mga pangunahing sintomas ng Type 2 diabetes, upang maagapan ang mga komplikasyon: 
●        Madalas na umihi – Dahil sa pagtaas ng ating blood sugar, ang ating kidney o bato ay tinatanggal ang labis na sugar sa ating katawan. Kaya madalas tayo naiihi, lalo na sa gabi. Halimbawa kung dati umiihi lang ng isang beses sa madaling araw, ngayon mga 3 beses o higit pa.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Mas madaling mauhaw - Dahil sa madalas natin na pag-ihi, maraming tubig ang nawawala sa ating katawan na maaring maging sanhi ng dehydration. Kaya ating mararamdaman na parang laging tuyo yung labi o dry mouth na nauuhaw.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Mabilis magutom - Oras na matunaw ang pagkain sa loob ng ating katawan, ito ay magiging glocuse na siyang nagbibigay sa atin ng enerhiya. Kumbaga sa sasakyan, maihahambing ang glucose na gasolina. Ngunit sa taong may diabetes, hindi sapat ang glocuse na sinusuplay nito. Kaya kadalasan sa mga taong may diabetes ay laging nakakaramdam ng gutom kahit na kakakain palang ng ilang oras.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Madalas pagod ang pakiramdam – Nakakaramdam ng pagkahina o mabilis mapagod ang taong may diabetes dahil hindi sapat ang sugar na dumadaloy sa ating dugo papunta sa ating katawan.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Lumalabo ang mata - Ang pagkakaroon ng sobrang sugar sa dugo ay may posibilidad na masira ang maliit na ugat sa ating mata na dahilan ng malabong paningin. Kapag hindi ito naagapan, maari ito lumala na maging sanhi ng pagkabulag.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Mabagal maghilom ang sugat – Ang mataas na sugar sa dugo ay maari sumira sa ugat ng ating katawan, na maari makapinsala sa sirkulasyon ng ating dugo. Kaya kahit ang mga simpleng hiwa lamang ay inaabot ng linggo o buwan sa paghilom. Dahil dito, mataas ang tsansang ma-infection.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Namamanhid ang paa at kamay – Dahil nakakasira ng mga nerves at ugat sa katawan ang pagkakaroon ng mataas na sugar sa dugo, posibleng makakaramdam ng pananakit at pamamanhid sa kamay at paa. Ang kondisyong ito ay tinatawag na neuropathy. Ito ay maaari lumala pa kung hindi agad maagapang gamutin ang diabetes.
●        Ang maitim na kili-kili, singit, at leeg - Maaaring senyales rin ng pre-diabetes ang maiitim na leeg, kili-kili o singit. Mararamdaman mong malambot at makintab ang mga itim-itim na ito. Tinatawag ang kondisyong ito sa balat na acanthosis nigricans.
ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
●        Yeast infection o pangangati - Ang mataas na sugar sa dugo at ihi ay nakakasanhi din ng yeast infection. Ito ay kadalasang lumalabas sa mga warm o mainit-init, laging mamasa-masa gaya ng bunganga, ari o sex organ, at kili-kili. Kadalasang ito ay makati ngunit makararamdam na parang nasusunog ang balat, namumula, at masakit.
 ANO MGA MAAGANG SENYALES NG DIABETES O MATAAS NA BLOOD SUGAR
Kung kayo ay may lahi na may diabetes, mas kinakailangan magingat. Mabuting magpa-blood sugar test. Ngunit, bago mag pa-blood test, kailangan mag fasting. Ibig sabihin, walang kakainin at iinumin na tubig ng 10 hours bago magpa-blood test. Karaniwan sa gabi mag-fasting upang pagka gising sa umaga ay diretso blood test na. Kung gusto mo naman makatipid, mayroon din over the counter na blood sugar test kit sa botika, kung gusto mong laging namomonitor ang iyong sugar.
 
Kapag normal ang blood sugar, dapat di tataas ng 99. Kapag medyo may diabetes o pre-diabetes, ito nasa100-126 ang blood sugar.
 
Mabuting uminom na lamang ng tubig. Iwasan ang mga softdrinks, iced tea, juices at mga matatamis na inumin. Pagdating sa pagkain, isang cup ng kanin nalang. Mainam din brown rice at oatmeal dahil mahaba ang sugar nito. Wag rin sobrang madami tinapay o maaring kumain ng whole wheat bread. Sa halip, mabuting kumain ng maraming gulay.
Kailangan rin mag-ehersisyo, kahit konting lakad lakad man lang kung di kaya ng katawan ang jogging. Kung ikaw ay naninigarilyo, bawasan at paunti-unti itong tanggalin dahil masama rin ang paninigarilyo.
 
Bago mo baguhin ang mga nakasanayang kainin o subukan ang mga bagong supplements, mabuting sumangguni muna sa iyong doktor upang makuha ang tamang balanse diet. Ito din mahalaga lalo na kung ikaw ay mayroon iniinom para sa pagpapababa ng sugar. Kapag may diabetes, mahalagang kausapin kaagad ang doktor para sa maagang pagamutan. Huwag anatayin na lumala pa ang nararamdaman bago tumakbo sa doktor.
 
Karaniwan sa Pilipino ang pagkaroon ng mataas na blood sugar, dahil ito ay namamana, o kaya ay nakukuha sa maling nakasanayan. Milyon-milyong mga Pinoy ang nagkakaroon ng diabetes taon-taon. Kaya’t kahit sino man ay kailangan bigyan pansin at magingat sa pagkaroon ng diabetes.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.