Ano mga natural na halamang gamot para maalis ang Peklat? Paano mawala o matanggal acne scars?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Marami sa atin ang nawawalan ng kumpyansa dahil sa peklat sa mukha. Wala ka bang pera pang-Belo?
Ano mga natural na halamang gamot para maalis ang Peklat? Paano mawala o matanggal acne scars?
Huwag mag-alala, dahil may mga sulosyon kami na mairerekomenda sa inyo na abot kaya lamang.

Maraming ibinebenta ang cosmetic industry upang labanan ang peklat na sanhi ng tagiyawat, ngunit mabibigat ito sa bulsa at baka makakasira pa ng balat. Samantala, may mga paniniwala mula sa sinaunang tao na mayroong natural na paraan upang mas mabilis magliwanag ang peklat at hindi ito maging kapansin-pansin.
 
Narito ang ilang natural na halamang gamot na epektibo raw sa pagpapakinis ng peklat:
 Ano mga natural na halamang gamot para maalis ang Peklat? Paano mawala o matanggal acne scars?
Aloe vera
Alisin ang magkabilang balat ng aloe vera.
Kunin lamang ang gel nito.
Ilagay ang gel direkta sa iyong peklat. Ipahid ito ng paikot sa balat
Pagkatapos ng kalahating oras, hugasan ito gamit ang malamig na tubig.
Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw.
 
Vitamin E
Guntingin at pigain ang oil ng vitamin E capsule sa peklat (maaaring kailanganin ng higit sa isang capsule upang makamit ang ninanais na paggaling).
Imasahe ang oil sa palibot ng peklat sa loob ng sampung minuto.
Pagkatapos ng dalawampung minuto, hugasan ang oil sa maligamgam na tubig.
Gawin ito ng mga tatlong beses sa loob ng isang araw.
 
Coconut oil
Mag-init ng kaunting kutsara ng coconut oil, yung tama lang upang matunaw ito.
Imasahe ang oil sa iyong peklat sa loob ng sampung minuto.
Hayaang sipsipin ng balat ang oil ng hindi lalagpas sa isang oras.
Gawin ito ng dalawa hanggang apat na beses sa loob ng isang araw.
 
Apple cider vinegar
Paghaluin ang apat na kutsara ng malinis na tubig at dalawang kutsara ng Apple cider vinegar.
Isawsaw ang bulak sa pinaghalong tubig at cider at dahan-dahan itong ipahid sa iyong peklat.
Hayaang matuyo ito.
Gawin ito tuwing gabi bago matulog at hugasan ito paggising sa umaga.
 
Lavender at olive oil
Paghaluin ang tatlong patak ng lavender essential oil at tatlong kutsara ng virgin olive oil.
Imasahe ito sa bahaging may peklat sa loob ng limang minuto.
Hayaan lamang ang oil sa loob ng tatlumpung minuto.
Hugasan ang bahaging ito ng maligamgam na tubig.
Gawin itong prosesong ito ng hindi bababa ng tatlong beses sa loob ng isang araw.
 
Lemon o Kalamansi
Ang kalamansi ay isang natural astringent. Nakatutulong ito upang maiwasan ang pagkasira ng ating balat. Ang Lemon ay may taglay rin na sangkap na pumoprotekta sa ating balat.
Humiwa lamang ng kaunting bahagi ng fresh lemon.
Dahan-dahang ikuskos ang lemon habang unti-unti itong pinipiga sa iyong peklat.
Gawin ito ng sampung minuto bago hugasan ang bahaging ito sa malamig na tubig.
Gawin ito araw-araw sa eksaktong oras kung kailan mo ito ginawa.
 
Patatas
Hiwain ang patatas sa katamtamang sukat na hugis bilog.
Ipahid ang hiniwang patatas sa iyong peklat ng paikot-ikot.
Kapag unti-unti ng natutuyo ang hiniwang patatas, palitan ito ng panibago at ipagpatuloy ang pagpapahid.
Ipagpatuloy ang pagpapahid ng dalawampung minuto at pagkatapos ay patuyuin ang peklat sa loob ng sampung minuto.
Hugasan ang bahaging ito ng malamig na tubig.
Gawin ito isang beses sa isang araw.
 
Baking soda
1.     Paghaluin ang kaunting tubig at dalawang kutsara ng baking soda hanggang sa ito ay maging malapot
Basain ang iyong peklat ng malinis na tubig at ipahid ang pinaghalong baking soda at tubig sa basang peklat.
Hayaan lamang ito ng labing limang minuto.
Hugasan ang bahaging ito at ulitin ng isang beses sa isang araw.
 
Honey o Pulot pukyutan
Lagyan ng honey ang iyong peklat bago matulog.
Tapalan ng benda ang bahaging ito.
Hayaan lamang ito buong magdamag.
Paggising sa umaga, tanggalin ang benda at hugasan ito ng maligamgam ng tubig.
Gawin ito tuwing gabi.
 
Bago natin subukan ang mga panlunas na ito, hugasan at patuyuin muna ang peklat at ang paligid nito. Kinakailangan din na walang nakabukas na sugat bago ito gawin. Maaaring magbigay ng iritasyon sa ating balat ang ilan sa mga panlunas na ito. Kung mangyari man ito, agad itong itigil.
 
Maliban sa pagpahid ng mga halamang gamot sa mukha, isa sa pinaka-madali at mabisang paraan daw upang kuminis ang mukha ay ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Marami ang naniniwala na ang pagkain ng masusustansyang pagkain at tamang diet ang susi upang mawala ang peklat na nasa balat.
 Ano mga natural na halamang gamot para maalis ang Peklat? Paano mawala o matanggal acne scars?
Narito ang 4 pagkain na maaaring kainin upang makatulong na mabawasan ang peklat na sanhi ng pimples at may benepisyo rin para sa iyong kalusugan.
1. Kalabasa
Paano nakakatulong ang Kalabasa sa pagwala ng peklat? Sapagkat ang kalabasa ay mayaman sa niacin, folate, vitamin A and B at zinc. 
Inaayos ng niacin at folate ang sirkulasyon ng ating dugo. Napapabuti din nito ang bagong cells sa ating katawan na siyang dahilan upang malunasan ang tagiyawat. Ang buto naman ng kalabasa ay may taglay na zinc na nakatutulong upang makontrol ang hormone level at oil production at hinihulom nito ang ating balat. Ang vitamin A naman ay nakatutulong upang hindi dumami ang tagiyawat, upang maiwasan ang pagpeklat ng balat.
 
2. Kamote
Paano nakakatulong ang kamote sa pagtanggal ng peklat? Ang Kamote ay mayroong beta-carotene at retinol.
Ang beta-carotene sa ating katawan ay nagiging vitamin A. Ang bitaminang ito ang siyang nagiging pananggalang upang maiwasan ang pamamaga, pag-iiba ng kulay at pagbara ng pores.
Ang retinol naman ay ang pangunahing sangkap ng mga pampaganda laban sa hyperpigmentation o dark spots, acne, mga kulubot at sugat. Sa halip na bumili ng mga mamahaling creams, subukan na lamang ang orihinal na pamamaraan tulad ng pagkain ng kamote.
 
3. Papaya
Paano nakakatulong ang papaya para mawala ang peklat? Ang papaya ay mayaman sa digestive enzymes na kung tawagin ay papain.
Ang papain ay nakatutulong upang maalis ang mga patay na balat, baradong pores at peklat dulot ng acne. Pinapanatili nitong makinis ang ating balat at upang maiwasan na rin ang pagkasira nito balang araw.
 
4. Cauliflower
Paano nakakatulong ang cauliflower para mawala mga peklat? Ang Cauliflower ay mayaman sa vitamin C at amino acid na kung tawagin ay histidine. 
Ang histidine ang siyang pumoprotekta sa ating balat laban sa UV rays na nagiging dahilan ng pagkaroon ng dark spots sa ating balat. Nilalabanan ng vitamin C ang anumang pinsala dulot ng free radicals. Nakatutulong rin ito upang makuha ng ating katawan ang iron at pagalingin ang mga sugat at peklat.
 
Kung nais mo na hindi maging kapansin-pansin ang iyong peklat, subukan ang mga natural na panlunas. Marami ang naniniwala na mas mabisa ang mga ito kaysa sa mga cosmetic products na maaaring makasira pa ng balat.
Babala: Bago subukan ang mga panlunas na ito, makabubuting kumunsulta muna sa doktor. Maaari nilang imungkahi ang panlunas na maaari mong gamitin o hindi, batay sa iyong kalusugan.
Hindi man tuluyang maalis ang peklat sa ating balat, ngunit sa paglipas ng panahon ay lumiliwanag rin naman ang kulay nito.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.