ANO MGA NATURAL NA PANLABAN SA TAGIHAWAT, TAGHIYAWAT o Pimples?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Karaniwang kondisyan ng balat ang pagkakaroon ng tagihawat, at maraming tao ang mayroon nito. Ang mga tagihawat ay pamamaga ng balat kung saan ang sebaceous glands (iyong mga glandulang lumilikha ng langis) ay naiimpeksyon dahil sa bakterya, namamaga, at napupuno ng nana. Karaniwang lumalabas ang mga tagihawat sa mukha, leeg, likod, at mga balikat, at bagama’t hindi ito kritikal na kondisyon, maaari nitong mapasama ang pakiramdam ng isang tao dahil sa hitsura niya. Maraming paraan upang iwasan ang pagkakaroon ng tagihawat, kung saan ang ilan ay natural at ang iba naman ay nakakapinsala (paggamit ng kemikal at gamot).



Katas ng Lemon
Sa pamamagitan ng paglalagay ng sariwang katas ng lemon sa iyong balat, madali mong maaalis ang tagihawat sa loob ng isang gabi. Kumuha ng 1 lemon at pigain ito sa mangkok. Isawsaw ang malinis na piraso ng bulak at ipahid iyon sa mga tagihawat bago matulog. Sa umaga, maghilamos ng mukha gamit ang maligamgam na tubig.

Aloe Vera
Makakatulong rin ang dahon ng aloe vera upang maalis ang iyong mga tagihawat. Kumuha ng dahon ng aloe vera (gel) at hugasan ito ng malinis na tubig at pagkatapos ay ilagay sa tagihawat, habang marahan itong ikinukuskos sa loob ng limang minuto. Hindi lamang nakakaginhawa ang aloe, kundi gumagana rin ito bilang panlaban sa pamamaga, na siyang magpapahupa ng pamumula at pamamaga. Mayroon din itong kakayahang labanan ang mga bakterya.

Yelo
Maaaring gumamit ng yelo upang bawasan ang pamumula at pamamaga ng mga tagihawat. Nakakatulong ito sa pagpapadaloy ng dugo sa apektadong bahagi, at sa pagpapahigpit ng mga butas sa balat at pag-aalis ng dumi at langis na naiipon sa balat. Maaari kang gumamit ng ice cubes o dinurog na yelo, alinman ang madali para sa iyo.
Ibalot ang yelo sa piraso ng tela at ilapat iyon sa apektadong bahagi ng balat nang ilang segundo. Maghintay ng ilang minuto at ulitin ang proseso.

Tea Tree Oil
Mahusay na panggamot sa tagihawat ang tea tree oil. Mayroon itong mga antibacterial na katangian na tumutulong sa pagsugpo ng bakteryang nagiging sanhi ng mga problema sa balat.
Dagdag pa, ang mga katangian nitong may kakayahang makapawi ay nakatutulong upang mapahupa ang pamumula at pamamaga ng tagihawat. Nakatutulong din itong patuyuin ang blackhead at whitehead.

Isawsaw lang ang malinis na piraso ng bulak sa tea tree essential oil at idampi ito sa apektadong bahagi. Banlawan ang iyong mukha makalipas ang 15 hanggang 20 minuto.

Ang isa pang maaaring gawin ay ihalo ang ilang patak ng tea tree oil sa 1 kutsara ng aloe vera gel. Ilagay ito sa iyong tagihawat at mga pekas, hayaan ito sa loob ng 20 minuto at pagkatapos ay banlawan ito.

Paalala: Iwasan ang tea tree kung sensitibo ang iyong balat.

 
Singaw mula sa Mainit na Tubig
Ang pagpapasingaw mula sa mainit o kumukulong tubig ay maganda para sa iyong balat, lalo na kung ikaw ay may tagihawat. Bubuksan ng singaw ang pores ng iyong balat upang makahinga ito. Tumutulong itong alisin ang mga langis, dumi at bakteryang naipon o nakulong sa pores ng iyong balat na maaaring maging sanhi ng impeksyon o pamamaga.

Maglagay ng mainit na tubig sa isang malaking lalagyan at hayaang dumampi ang singaw sa iyong mukha sa loob ng ilang minuto.

Banlawan ng maligamgam na tubig ang iyong mukha, pagkatapos na patuyuin, maglagay ng moisturizer na walang halong langis

.
Baking Soda
Ang baking soda ay isa ring mabisang panlunas sa tagihawat sa tahanan dahil tinutuklap nito ang balat para tanggalin ang mga sobrang langis, dumi at mga selyula ng patay na balat.

Gumawa ng malagkit na paste mula sa pinaghalong isang kutsaritang baking soda at tubig o katas ng lemon.

Hugasang mabuti ang iyong balat at hayaang mamasa-masa ito. Ilagay ang paste sa mga apektadong bahagi ng balat at hayaan itong matuyo sa lob ng ilang minuto. Huwag hayaang matagal na nakalagay ang baking soda sa iyong balat dahil maaari rin itong makapagdulot ng panunuyo o iritasyon ng iyong balat.

Maghilamos gamit ang maligamgam na tubig.

Ulitin ang proseso nang dalawang beses sa isang araw para sa mabilis na resulta.

 
Pulot
Magandang mapagkukunan ng natural na antibiotics ang pulot, na siyang makapagpapabilis sa proseso ng paggaling, gayundin pagpigil sa mga impeksyon.

Isawsaw ang isang piraso ng malinis na bulak sa pulot, ilagay ito sa apektadong bahagi at iwanan muna sa loob ng kalahating oras.

Hugasan nang mabuti ang balat gamit ang maligamgam na tubig.

Gawin ito nang ilang beses araw-araw.

Ang isa pang maaaring gawin ay paghaluin ang pulot at cinnamon upang lumikha ng paste, at ilagay iyon sa mga tagihawat bago matulog. Sa umaga, mababawasan na ang pamamaga. Hugasan nang maigi ang balat gamit ang malamig na tubig.

 

Istilo ng Pamumuhay na Makakatulong 

Matulog nang Sapat
Oo, ang mga katagang “mag-beauty rest ka na” ay totoong magandang payo. Isa sa mga pinakamalaking dahilan ng pagkakaroon ng tagihawat ang stress o pagod, at isa sa mga pinakamahusay na natural na pantanggal ng pagod ang pagtulog.

Kapag natutulog tayo, naghihilom ang katawan natin, at kasabay nito, napakagandang panahon nito para gumamit ng mga natural na panlunas at hayaan itong alisin ang mga lason na nagdudulot ng tagihawat.

 
Baguhin Ang Iyong Diyeta

Ang pag-aalis ng asukal, pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng mga mayaman sa omega-3 ay makakapagdulot ng pagbabago. Nagdudulot ng biglaang pagtaas ng insulin ang labis na pagkain ng maasukal, na siyang maaaring maging dahilan ng pamamaga sa balat at pagbabara ng mga butas nito. Sa kabilang banda, hinahaydreyt ng tubig ang katawan at tila hindi natatapos ang ating pangangailangan para dito. Tiyaking makakainom ka ng hindi bababa sa iyong timbang kada araw.

Binibigay ng nahaydreyt na balat ang tamang moisture at balanseng kinakailangan upang maging maganda ang balat. Dagdag dito, tumutulong ang tubig na alisin ang mga nakakalasong materyal, na kailangan natin araw-araw. Ang omega-3 naman ay napakahusay sa pagbabawas ng pamamaga.

 
Mag-ehersisyo Araw-araw
Hindi lamang nakakatulong sa iyong kalusugan ang pag-e-ehersisyo, kundi nakakatulong ding iwasan ang mga pagkairita ng balat na maaaring magdulot ng tagihawat. Nagbibigay ng lunas sa pagkapagod ang pag-e-ehersisyo habang pinapadaloy nang maayos ang dugo. Ang aktibidad na ito, na bumobomba sa dugo, ay nagpapadala ng oxygen sa mga selyula ng iyong balat, na nakakatulong na magtanggal ng mga patay na selyula sa katawan.

Linisin at I-exfoliate ang Balat
Ang pagkakaroon ng malinis na balat ay isang malinaw na pangangailangan upang magkaroon ng makinis na mukha at katawan. Tiyaking gagamit ka ng mga tamang paraan ng paglilinis at maingat na mag-exfoliate. Hanapin ang mga purong opsyon tulad ng Castile soap. Nagbibigay ang Castile soap ng banayad na paraan upang linisin ang balat gamit ang mga sangkap na mula sa mga halaman, tulad ng olive oil. Upang maingat na mag-exfoliate, pwede kang gumamit ng pulot, na tunay na nakakapuksa ng bakterya, na may kaunting giniling na kape.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)