Ano mga pagkaing pampa-saya? Pagkaing nakaka-high

Medical Team
is a Medical expert in United States

Meron nga bang mga pagkaing pampasigla? Pagkain na nagbibigay ng kulay sa ating buhay?

Hindi droga ang tinutukoy dito ha, dahil alam naman natin na ang mga droga ay may negatibong epekto sa ating katawan.
 
Pero meron bang pagkain ang sinaunang katutubo na nakaka-buhay sa ating isipan? Ayon sa siyensiya, meron daw mga masustansiyang pagkain na nagbibigay ng buhay at sigla sa atin.
 
Halimbawa, may isang chemical sa ating utak na tinatawag na dopamine, na naguudyok ng ligaya. Kaya’t kapag nakakain tayo ng mga masustansyang pagkain na may dopamine, maaaring gumanda ang ating mood.
 
Imbes na mag-droga, mas mabuting kumain ng mga natural na pagkain na pampasaya, tulad ng:
 
1.     Buto ng kalabasa – Mayroong sangkap na amino acids ang laman ng buto ng kalabasa na nakakatulong maiwasan ang kalungkutan sa isipan.
2.     Tahong o Mussels – Mayaman ang tahong sa Vit B12, na karaniwang kulang sa mga maraming tao. Nagpapatalas ng utak ang Vit B12.
3.     Dark Chocolate – Di lang pala masarap ang tsokolate. Ang cocoa sa dark chocolate ay nakakapagbigay ng mabilisang pagbunsod ng konsenstrasyon at pakiramdam. Kaya’t pakiramdam mo ay buhay na buhay ka at masigla. Sorry na lang at di nabibilang ang mga karaniwang milk chocolates, dahil kakaunti lang ang cocoa ang laman nito. At masama rin kapag nasobrahan.   
4.     Asparagus – Nakakapagpabuti ng kaisipan ang gulay na ito dahil may nilalaman itong serotonin, isang chemical na nagbabalanse ng ating mood.
 
5.     Niyog – May sangkap ang coconut na pampalusog ng utak at nakakatulong na mapasaya ang isipan.
 
6.     Honey – Ang pulot-pukyutan ay merong sangkap na nagbabawas ng pamamaga at nagpapatibay ng ating utak. Di tulad ng ordinaryong asukal, di rin ito mabilis pagpataas ng blood sugar.
 
7.     Yogurt – Mayaman sa calcium ang yogurt. Mas marami pa sa gatas. Inaalerto ng calcium ang ating utak na maghatid ng masarap na pakiramdam, kaya’t maaaring magkaroon ka ng pakiramdam na parang may enerhiya ka.
 
8.     Red bell peppers – Mayaman sa nutrisyon ang mga red bell peppers, lalo na sa Vitamin A. Di lang ito nakakatulong mapabuti ang ating mood, nagpapalakas din ito ng ating resistensiya.
9.     Tomatoes – May antioxidant ang kamatis na nakakatulong maiwasan ang kalungkutan.
 
 
 
Masarap man daw ang droga sa umpisa, pero sa katagalan, maraming negatibong dulot ito sa katawan. Halimbawa, nakakasira ito ng konsentrasyon, isipan at mas matinding kalungkutan pagkatapos. Mas maigi pang kumain na lang ng mga natural na pagkain na nabanggit na nagbibigay din sa atin ng sigla at buhay.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.