Ano mga senyales sintomas sa unang linggo o pitong araw ng pagbubuntis?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Sa mga hindi nagpaplanong magbuntis, ang sintomas ng unang linggo ay hindi madaling malaman o maramdaman, minsan napagkakamalan na senyales lang ito na malapit na ang menstrasyon o dalaw. Nakakaranas ng panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain, pabago bagong emosyon at madalas na pagihi. Sinasabing hindi pa maituturing na buntis sa panahong ito, sa kadahilanang ang fertilization ay nangyayari sa ikalawang linggo.
 
Ang siklo ng menstrasyon ay umaabot ng 28 na araw, may ibang kababaihan na napapaaga sa 24 o nagtatagal ng 35 na araw. Sinasabing ang umpisa ng iyong pagbubuntis ay nagsisimula sa unang araw ng iyong huling menstrasyon. May mga iba na nakakalimutan ang araw ng regla,  kaya naman wag mabahala dahil ang pinakamainam na paraan upang malaman kung ilang linggo na ang pinagbubuntis ay ang paggamit ng ultrasound.
 
Nagsisimula ang pertilisasyon o pagbubunga pag ang itlog ng babae ay umalis na sa obaryo at maglalakbay papunta sa fallopian tube. Dito nangyayari ang pagsama ng itlog ng babae at sperm ng lalaki, pagkatapos nito bababa sa matres.
 
Wala man senyales na nararamdaman sa panlabas na kaanyuan, ngunit marami na pala ang nagbabago sa loob ng iyong katawan. Iba’t iba ang kwento at karanasan ng mga kababaihan dito.
Ano ano nga ba ang sintomas sa unang pitong araw ng pagbubuntis?
 
1. Pagdurugo - ito ay hindi nararanasan ng lahat ng nagbubuntis ang kulay ng pagdurugo ay mala kulay rosas o kayumanggi na nagtatagal lamang ng tatlong araw. Mainam na malaman ang pagkakaiba ng pagdurugo o pagkakaroon ng dalaw. Ito ay sanhi ng pagbaba ng fertilzed egg sa matres bilang paghahanda nito sa pagbuo o paglaki sa mga susunod na linggo o buwan.
 
2. Pananakit ng puson o tiyan at ang balakang - ang pagdurugo na nanggagaling sa matres dahil sa itlog na bumaba sa fallopian tube, ito ay nagdudulot din ng presyon sa tiyan na umaabot sa balakang. Sinasabing hindi lahat ay nakararans nito.
 
3. Pananakit ng ulo - dahil sa pagbago ng hormon sa iyong katawan pwedeng makaranas ng pananakit ng ulo. Huwag basta basta inuman ng kahit anong gamot, ipahinga o magpakunsolta sa midwife o doktor para mabigyan ng payo at ligtas na gamot. Ito ay panandalian lamang at pwedeng mawala pagkapahinga.
 
4. Paglobo ng tiyan - ito ay ang pakiramdam na parang busog dahil sa paglobo nito dala ng pagbabago ng hormon sa iyong katawan.
 
5. Pabago bagong emosyon – tulad ng iyong nararamdaman kapag ikaw ay malapit ng magkaroon, mainit ang iyong katawan dahil sa pagbabago ng iyong hormon. Ikaw ay madaling mairita, mainis at malungkot kahit sa mga simpleng bagay lang.
 
6. Panghihina –  maaring makaranas din ng panghihina dahil sa pagbabago ng hormon.
 
7. Pagbigat o pamamaga ng suso (Breast tenderness) - Ang tissue ng suso ay sensitibo dahil sa pagbabago ng hormon, kapag ang progesterone at HCG ay tumaas at napertilisado na ang itlog, ang daloy ng dugo ay tumataas na nagdudulot ng pagkabigat at pamamaga nito.
 
Mga mahalagang paalaala sa unang linggo ng pagbubuntis:
 
A. Itigil ang anumang masamang bisyo na nakakasama sa kalusugan tulad ng paginom ng alak, paninigarigarilyo, paginom ng kape mahigit sa tatlong beses sa isang araw.
Ba. Mainam na magpakonsulta sa doktor o midwife para mabigyan ng sapat na gabay at rekomendasyon tulad ng mga pre-natal vitamins na makakatulong sayo at sa iyong ipagbubuntis.
C. Kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay, isda, at prutas na mabuti sa iyong katawan bilang preparasyon.
D. Uminom ng maraming tubig, hindi sapat ang dalawang litro ng tubig sa mga nagbubuntis pinapayuhan silang uminom ng tatlo hanggang apat na litro para magkaroon ng sapat ng tubig at magandang sirkulasyon ang katawan.
E. Maging kalmado at relax, umiwas sa mga problema o anumang bagay na makakapagbigay ng stress.
F. Ang pageehersisyo ay mainam din at nakakapaglabas ng tinatawag na “happy hormones” na nakakapagtaas ng enerhiya ng katawan at nakakabawas din ng stress.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)