ANO MGA SWERTE NA NUMERO SA 2021? SWERTENG PETSA SA BINGO LOTTO ENDING PWEDENG TAYAAN LUCKY NUMBERS

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano mga swerte at buwenas na numero para sa akin sa taong 2021? Ano sinasabi ng bituin tungkol sa aking kapalaran sa negosyo at pera? Mananalo ba ako? Narito ang mga lucky numbers para sa 2021 base sa iyong Zodiac Sign.
  


1. ARIES
·       Ipinanganak ng March 21 – April 19
Ayon sa mga astologo, kapag sinabing Aries sila ay matatapang, matulungin, maalalahanin, at matatalino. Mabilis din sila makahanap ng kaibigan. Hindi din sila ang tipo ng tao na basta-basta na lang sumusuko sa laban. Natural sa kanila ang pagiging lider at pangunguna sa lahat ng bagay.
Mabilis ang pag-angat ng Aries pagdating sa trabaho o paaralan dahil sa taglay na pagiging masigasig at may positibong pananaw.
Ang swerteng numero sayo ngayong taon ay 5, 6, 9,12 at 50. Gamit ang numero ito, posibleng maging maswerte sa pananalapi, trabaho o negosyo.
 
2. TAURUS
·       Birth Dates – April 20 – May 20
Ayon sa mga astrologers, ang Taurus ay mapagpakumbaba, praktikal, masipag, at metikuloso sa lahat ng bagay. Sila din ay mabilis magtrabaho.
Ang mga Taurus ay masasabi na isang mabuting kaibigan. Sila ay mahilig din sa mga kasiyahan o party. Ayon pa sa astrolohiya wala ka nang makikita pa na kasing-loyal ng mga Taurus. Sila ay maaasahan pagdating sa mahirap na sitwasyon. Gagawin din nila ang lahat, alang-ala sa kanilang mga mahal sa buhay.
Swerteng numero 1, 5, 6, 11, at 22. Maaring makapagdala ito sayo ng positibong enerhiya. Makakatulong din ang mga numerong ito, upang gumanda ang karera. Ito din ay pantaboy malas.
 
3. GEMINI
·       Birth Dates – May 21– June 20
Ayon sa eksperto ang mga taong Gemini ay malikhain, at edukado na tao. Isa sa mga kilalang katangian ng Gemini ay marunong makihalubilo sa tao at palakaibigan. Hilig din nilang makipag-usap at magbigay ng payo sa kakilala. Isa din sa kanilang personalidad ay ang pagiging joker. Mahilig silang magpatawa sa mga kaibigan na nakakaranas ng lungkot. Ang mga Gemini ay naniniwala na lahat ng tao ay may mabuting puso. Isa sa kanilang personalidad din ay hindi mareklamo.
Ang swerteng numero ng Gemini ay 5, 6, 13, 20 at 41. Gamit ang swerteng numero, makakatulong ito upang makamit ang tagumpay na tatahakin ngayong taon. Maari magdadala din ng positibong enerhiya at magiging maswerte sa buhay pag-ibig.
 
4. CANCER
·       Birth Dates – June 21 – July 22
Ayon sa astrolohiya, mapababae man o lalaki ang mga Cancer ay matatag at hindi umaasa. Sila yung tipo ng tao na hindi pinapakita ang kanilang pagiging mahina.
Isa sa kanilang personalidad ay sentimyentong tao o nabubuhay sa nakaraan. Hindi kana magtataka kung sa loob ng kanilang bahay ay puno ng mga lumang gamit gaya ng albums at mga sentimental na mga gamit. Hindi rin sila basta basta nakakalimot ng mga birthdays at anniversaries. Sila din ay isang mabuting asawa sa kanilang kapareha dahil sa taglay nilang pagiging matapat at maalaga.
Ang swerteng numero ngayong taon ay 2, 9, 10, at 31. Subukang gawin ang mga bagay o gawain sa petsang ito, at sa gayon ay malaki ang tyansang magtagumpay. Ang mga numerong ito ay magdadala din ng positibong awra sa iyong katauhan.
 
5. LEO
·       Birth Dates – July 23– August 22
Ang taong Leo ay malaki ang kompyansa sa sarili, dahil dito malaki ang maitutulong upang maging matagumpay. Mabilis sila ma-promote sa trabaho at makapag-ipon ng pera sa batang edad pa lamang. Ayon sa eksperto, wala sa bukabularyo ng Leo ang salitang “sumuko”. Ibig sabihin madali o mahirap man ang trabaho, kanila itong kinakaya. Ang personalidad ng Leo ay kayang tumayo sa sariling mga paa. Sila ang isa sa mga taong totoo at may malaking puso.
Maswerteng numero 1, 5, 9, 18 at 22. Ang mga numerong ito ay maaari magpapahusay pagdating sa pamumuno, mapabuti ang sarili, at tapang na harapin ang buhay.
 
6. VIRGO
·       Birth Dates – August 23 – September 22
Ayon sa eksperto ang mga taong Virgo naman ay matalino, maganda, mahinhin kumilos, at mahiyain. Sila din daw ay napakalinis sa katawan, gamit, at bahay. Maalaga din sila sa kanilang kalusugan. Dahil dito madalas silang nag-eehersisyo at maingat sa kanilang kinakain.
Ang Virgo ay mahilig maglaro ng puzzle games at mga logic games. Magaling din sila humawak ng pera. Isa sa dahilan kung bakit nagtatagumpay ang Virgo ay sa taglay na galing mag-analisa at sumuri. Isinasantabi ng Virgo ang sariling problema, kapag ito ay may mahalagang gagawin o trabaho.
Maswerteng numero naman para sa Virgo ay 3, 5, 6 at 30. Ito ay may posibilidad na magdadala sayo ng swerte pagdating sa pananalapi.
 
7. LIBRA
·       Birth Dates – September 23– October 22
Ayon sa astrolohiya, mahilig makipag-usap ang Libra sa taong nakapaligid sa kanila. Mahalaga sa kanila na laging kasama ang mga mahal sa buhay, dahil nakakapagbigay ito ng matinding galak sa kanila. Sila ay likas na mabuting tao, may karisma, mahinahon magsalita, at mahinhin kumilos.
Ang Libra ay laging positibo ang pananaw sa buhay na nagdudulot sa kanila ng pagiging masayahin. Dahil dito, mabilis sila makahanap ng bagong kaibigan.
Maswerte numero sa Libra ay 5, 6, 9, at 12. Iilan sa mga benepisyo na mabibigay ng numero ay nakakaakit ng pera, positibong enerhiya, at mabilis ang pag-angat.
 
8. SCORPIO
·       Birth Dates – October 23 – November 21
Ang mga Scorpio ay makikitaan ng pagiging determinado at malayang tao. Mas gustuhin nilang magtrabaho mag-isa sa lahat ng bagay. Sila din ang tipo ng tao na mapamaraan, napapansin nila ang mga bagay na hindi napapansin ng iba. Mahirap basahin ang kanilang isip, dahil magaling sila magtago ng kanilang nararamdaman. Sila din daw ay mapagkakatiwalaan sa mga sikreto ng kaibigan.
Ayon sa astrolohiya ang Scorpio ay isa sa mga kalmadong tao. Pinapangalagaan nila mabuti ang kanilang pamilya at kaya nilang itaya ang sariling buhay alang alang sa pamilya.
Ang mga numero na maswerte ay 1, 2, 4, 5, at 7. Ang mga numerong ito ay maari magdadala sayo sa tagumpay.
 
9. SAGGITARIUS
·       Birth Dates – November 22 – December 21
Ang personalidad ng Sagittarius ay mahilig makipagsapalaran at laging handa upang sumubok ng mga bago sa buhay nila.
Nakakahanap lagi sila ng solusyon sa mga problema.
Ang pagiging makwela at masigla nila ang dahilan kung bakit marami silang totoong kaibigan at hindi basta basta nakakaramdam ng lungkot ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Ayon sa eksperto, ang Sagittarius ay may likas na tiwala sa sarili at masayahin.
Sila ay prangka, masaya, at tapat. Pinapatawad din nila agad ang mga nagkakamali sa kanila.
Maswerteng numero 3, 5, 6, 8, at 40. Ito ay nagdadagdag ng magandang enerhiya. At kung gusto mong umangat ang karera, ang mga numerong ito ang para sayo.
 
10. Capricorn
·       Birth Dates – December 22 – January 19
Ang mga taong Capricorn ay kilala bilang matatag kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Ang simbolo ng Capricorn ay kilala bilang “workaholic” o masipag sa trabaho. Hindi sila naniniwala sa mabilisang solusyon o shortcut sa buhay.
Ang Capricorn ay nagtataglay ng pagiging totoo, matiyaga, at may determinasyon sa buhay na magdadala sa kanila sa tagumpay.
Sila ay pasensyoso at mahusay sa kahit na anong ipagawa sa kanila sa trabaho.
Ang taglay nilang pagiging kalmado at panatag ay mahalagang katangian sa oras ng emergency. Ang taong Capricorn ay malawak at malalim mag-isip. Bago gawin ang isang bagay, sinusuri nila ito ng maigi, inaalam kung ano ang maging epekto nito sa kanilang buhay. Mapababae man o lalaki, hindi basta basta tumatanggap ng tulong ang Capricorn pwera lang kung wala na talaga silang choice.
Para sa Capricorn, maswerte sa kanila ang 5, 6, 8, 10, at 25. Ang mga numerong ito ay makakatulong upang magawa ng tama ang mga nais gawin. Ito din ay nagdadagdag ng positibong enerhiya.
 
11. Aquarius
·       Birth Dates – January 20 – February 18
Ayon sa astrolohiya, kilala ang mga Aquarius na matalino at may malawak na pag-iisip. Isa din sa katangian mayroon ang Aquarius ay matalino, malikhain, mahinhin, o minsan naman ay energetic at masigasig.
Ang mga imposibleng ideas ay naiisip ng mga ito. Mahilig silang matuto ng mga bagong bagay upang madadagdagan ang kanilang kaalaman. 
May katangian ang Aquarius na mas gustuhin mapag-isa kesa makihalubilo sa iba, dahil sila ay mahiyain.  
3, 7, 9, 19, at 33 naman ang swerteng numero para sa Aquarius. Kung gusto mong mapabilis ang iyong pag-angat pagdating sa karera, pananalapi, at kasikatan, ito ang mga numerong maaari makatulong sayo.
 
12. Pisces
·       Birth Dates – February 19 – March 20
Ang personalidad naman ng Pieces ay isang independent na tao. Pabago-bago ang ugali, maunawain, maalaga, at maawain sa tao.
Bihira din sa kanila ang kumontra sa kahit na kanino.
Ang pagiging mahinahon, mahinhin, at mapagmahal na katangian ang dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanila.
Mabilis silang mag-adjust sa sitwasyon para iparamdam sa isang tao na mahalaga ito sa kanila.
Babae man o lalaki na Pieces, ay gustong-gusto magpasaya ng ibang tao. Magaling din silang makisama sa kapwa
Ang mga numero na magdadala ng swerte ngayong taon ay 3, 6, 7, at 47. Gamit ang numerong ito, may posibilidad na matatanggal ang malas sa iyong buhay at magtagumpay ngayong taon.
 
Kahit na hindi naging maganda ang taon ngayon sa atin, hindi ibig sabihin nito ay mawawalan na tayo ng pag-asa sa parating na taon. Ang bagong taon ay magdadala ng pag-asa, liwanag, at bagong simula ng buhay. Ang taong 2021 ang siyang hihilom ng ating sugat na nilikha ng nakaraang taon.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.