ANO ANG MGA URI NG PANAHON SA PILIPINAS? ANO ANG KLIMA DITO? BAKIT TAG-ARAW AT TAG-INIT? SALIK KLIMA KONTINENTE

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang klima ay ang pangkalahatang sitwasyon ng panahon sa isang lugar. Hindi ito nag-babago gaya ng panahon na nagkakaroon ng pagkakaiba ayon sa kalagayan ng atmospera, temperature, kaulapan, at init.

1. Panahon ng tag-araw
Ang tag-araw o tag-init ay mula sa buwan ng Disyembre hanggang Mayo. May pinakamalamig sa buwan ng Enero at Pebrero. Ang pinakamainit naman na panahon ay ang buwan ng Abril at Mayo. Kaalinsabay ng panahong ito ang tagtuyo at sa kakulangan ng tubig na tumutustos sa kanilang mga taniman. Lumalaki naman ang kita ng pamahalaan na nanggagaling sa turismo sapagkat ito ang panahong dinadayo tayo ng mga turista na namamasyal sa mga baybay-dagat at iba pang mga paliguang pampribado at pampubliko upang magpalamig at maiwasan ang labis na init ng panahon.
 
2. Panahon ng tag-ulan
Ang panahon ng tag-ulan ay mula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Ito ang pinakamaulang mga buwan sa buong taon.
Mas madalas ang buhos ng ulan sa Hilaga at Gitnang Luzon at Gitnang Mindanao. Bihira namang umulan sa gitnang bahagi ng Visayas at timog-kanluran ng Mindanao. Sa ganitong buwan nararanasan ang mga pagguho ng lupa at pagbaha sa ilang lugar. Gayunpaman, ito rin ang panahong inaabangan ng mga magsasaka. Maliban sa mga di maiiwasang bagyo, ang tubig na dala ng ulan ay kapaki-pakinabang sa mga nagtatanim ng palay at iba pang halamang makakain.
 
Bakit Tag-araw at Tag-ulan ang Ating Klima?
Ang lokasyon ng Pilipinas ay malapit sa ekwador kung ibabase sag lobo. Ang pagiging malapit sa ekwador ng Pilipinas ay nakaaapekto nang malaki sa klase ng klima at temperaturang nararanasan natin.
Ito ang rason kung bakit may mga sandaling ang panahon ay mainit, maalinsangan, malamig, at maulan.

Ang tawag sa klima ng Pilipinas ay Tropikal.
May mga lugar sa bansa na may malamig na klima sa buong taon kagaya ng mga nasa kabundukan, talampas, lambak, bulubundukin, at lawa. Samantala sa mga lugar na nasa may dalampasigan, look, golpo, o bukal ay nadarama ang malakas na ihip ng hangin.
Ang lugar na Baguio ay dinarayo ng maraming tao kabilang na ang mga banyagang turista dahil sa malamig na klima rito. Sa Maynila naman ay nararanasan ang mainit na klima dahil sa taglay na kapatagan nito.
 
Mga salik sa Klima
Dahil sa mga salik, ang klima ay magkakatulad o magkakaiba sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
 
1. Pisikal na Katangian ng Lupa sa Lugar.
Nakaaapekto sa klima ang mabundok na lugar dahil sa mga bundok na humaharang sa hangin. Ito ang dahilan kung bakit habang pataas nang pataas sa mga bundok ay palamig nang palamig naman ang klima. Kung mapapansin mo, kung ikaw umaakyat ng baguio o Tagaytagay habang palapit ng palapit sa naturang lugar, palamig ng palamig naman ang klima.
 
 2. Pagiging malapit sa Dagat
Nakaaapekto sa hanging dumaraan sa ibabaw ng dagat ang lamig ng tubig dito, kaya’t malamig ang klima sa mga kabahayan na malapit sa dalampasigan.
 
3. Dahil sa lokal na hangin
A. Hanging Habagat – Nararanasan ito simula buwan ng Hunyo hanggang Oktubre na nagdadala ng ulan sa bansa.
 
B. Hanging Amihan – Nararanasan ito simula buwan ng Nobyembre hanggang Mayo. Nagdadala ito ng mainit na hangin.
 
C. Balaklaot – Nararanasan ito simula buwan ng Pebrero hanggang Mayo.
 
Ano-ano ang mga Babala ng Bagyo?
Ang lakas ng bagyo ay ibinabatay sa taglay na hanging dala nito at kasamang binabanggit sa mga babalang ibinibigay ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration.

Babala Blg. 1 - Itinataas ang babalang ito kapag may paparating na bagyo sa loob ng 36 na oras. Dala nito ang lakas ng hangin na 30 – 60 kilometro kada oras.
 
Babala Blg. 2 - Itinataas ang babalang ito kapag may paparating na bagyo sa loob ng 24 na oras. Dala nito ang lakas ng hangin na 60 – 100 kilometro kada oras. Matinding pag-iingat dahil sa masamang panahon.
 
Babala Blg. 3 - Itinataas ang babalang ito kapag lagpas na sa 100 hanggang 185 kilometro kada oras ang lakas ng hangin. Ibig sabihin nito ay parating na ang bagyo sa loob ng 18 oras.
 
Babala Blg. 4 - Itinataas ang babalang ito kapag nakapalakas nang hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras o maaaring higit pa. Ibig sabihin nito ay parating na ang bagyo sa loob ng 12 oras. Mananalasa ang bagyo sa mga lugar na nasa direksiyong tinatahak nito. Ibayong pag-iingat ang kailangan.

Ano ano ang mga Kontinente?
Asya
Australia
Africa
Hilagang Amerika
Timog Amerika
Europa
- Ang pinakamalaking kontinente ay ang Asya kung saan bahagi ang Pilipinas.
- Ang Australia naman ang pinakamaliit na kontinente.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.